Walang Pala Pala
Nung unang dating ng kakaibang delubyo snowstorm, nayari nga ako. Palibhasa sanay ang aking mala adonis na body sa sikat ng araw sa Sunny California, nanibago ito ng husto. Kaya ayun, muntik nang bumigay.
Nung ma-stuck ako sa niyebe at iniwan ko si Tagpi sa tabing-daan. Pinlano ko na bumili ng tire chains at sempre shovel para alisin sya sa pagkakabaon sa snow. Kaso mo nga, medyo malayo sa mga suking tindahan kaya no choice ako kundi kayurin na lang yung yelo sa pamamagitan ng ilang CD na di ko naman masyado pinapatugtog. Yun ang ginamit ko pagkudkod sa yelo sa ibabaw at salamin ng kotse.
Me extra akong license plate na luma, yun naman ang ginamit ko paghukay sa mga yelo sa paligid ng kotse. OK na rin naman. Boy scout ata ito. Yun nga lang, nababad na naman ako sa lamig. Kaya boy scout sa ospital ang kinalabasan ko.
Naghanap na rin ako ng tire chains para sigurado. Saka pala as in shovel. Kaso sa tindi ng snow, daig mo pa ang panahon ng gyera, kasi wala ka nang mabilhan kahit isa. Nagkaubusan na pala. Ng pala.
Hanap pa rin ako sa mga rite-aid at walgreens. Me nakita naman ako. Dust pan. Sabi ko, ok na ito. At least bakal, pwede na rin mapagtyagaan. Kulang na lang walis tingting, pwede na ko mag-apply na metro aide.
Kaya hangang ngayon, kapag mai-stuck ako sa yelong matigas, yelong slushy o kahit yellow na dilaw, pwede na rin. Epektib din naman.
This entry was posted on Friday, January 9th, 2009 at 12:46 pm and is filed under KABILANG IBAYO, SAKITCHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























mtoni January 9th, 2009 at 7:06 pm
buti nalang d2 maagap mga ngkkayod ng snow sa gabi. bka mron malapit macy’s senyo sgurado slash mga prices ngaun dhil pasara na sila.
ganda ng senti ng yano, sna pde dl yan.