My Name is Buraot.. and I’m an Alcoholic!

January 12th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 16 Responses

tagayDati rati, kapag bagong dating ka, inuman na!

Kahit saang lupalop ka pa nanggaling, sa iskul, sa probinsiya, sa manela, sa munti o ospital, basta bagong dating ka, kelangan me pa-welkam na inuman palagi. Sa totoo lang, para lang magkaron ng dahilan para mag-celebrate kuno. Inuman lang naman talaga ang gusto. Mamam, tagay, laklak, tungga, barik.

Hindi naman talaga tayo sugapa sa alak, konti lang. Masayahin lang talaga tayo. Gusto laging sama-sama, laging maingay, laging masaya. Kahit lumuluwa na bituka mo kakasuka, o di ka na makagapang pauwi, okey lang. Kahit pa nga di mo na rin naman natatandaan kung pano ka nakauwi, o kung ano pang mga kabulastugan ang pinaggagagawa mo kagabi, oks pa rin.

Tulad ng maraming bagay, maaga din akong nag-umpisa uminom. Nasa elementary palang ako, nag-uumpisa na ko uminom ng punch at beer. Minsan pa nga, ipapalagay ko pa sa plastik ung beer me kasamang straw para kunyari sopdrink. Ewan ko, basta alam ko nun, astig kapag umiinom.

Ngayon, taon na ata akong di nakakatikim ng alak. Di naman yun ang nami-miss ko. Nami-miss ko lang yung kabulastugan na kasama ng mga inuman. Mga kwentuhang wala namang kawawaan.

Ang isang napansin ko dito sa merika, mahihina naman sila uminom ng alak, pero marami ang alcoholics. Mga adik sa alak. Sa atin, napakarami ang mga tomador at manginginom, pero di naman sila talaga adik sa alak. Adik sila sa barkadahan, kwentuhan at kasayahan, pero hindi naman sa alak.

Oo, meron din namang ilan na isang bulate na lang ang di nakakapirma, bibigay na. Pero konti lang. Saka bihira lang ang umiinom ng mag-isa. Naubukan mo na bang uminom mag-isa? Para kang kawawang koboy. Itong mga puti, ganun yung iba sa kanila.

Kaya naman isa sa mga pamatay kong linya na garantisading palaging epektib kapag may meeting, seminar o gusto ko lang magpapansin ay galing sa grupong Alcoholics Anonymous. Di ako member nun, pramis. Dedma lang ako sa una, kunyari busy-busyhan ka muna. Yun bang parang wala kang paki sa mga nangyayari sa paligid mo. Pagdating ng turn mo magpakilala, kunyari mabibigla ka lang ng konti. Medyo bibitinin mo din muna ng konti, kapag tahimik na ang lahat at alam mong hinihintay na nila yung sasabihin mo, dun mo ibabanat ang punch line mo..

“My name is Buraot.. and I’m an Alcoholic..”

Ayos na ang buto buto. Tawanan na silang mga anak ng araw. Tuwang tuwa sila sa galak. Ewan ko ba kung bakit lagi epektib yun. Sinubukan ko lang naman nung una, pero lagi epektib. Panigurado, bago matapos ang seminar, vibes na kayo ng boss mong siraulo.

Sempre bonus pa yun sa chikababe na di mapipigil na kumerengkeng sa yo. Pero sempre depende yun kung kekerengkeng ka rin. Ako? Gudboy na ko.

  1. chezza says:

    Fact is we filipinos are mild drinkers kaya kahit lambanog keri pa rin :)

    chezza’s last blog post..I Am Loved II :)

  2. marco says:

    whew! usapang alak pala dito… usapang lasing… tara!!! tagay na!!!! lolz

    marco’s last blog post..After What Happen…

  3. bluepanjeet says:

    LOL gudboy gudboy, walang gudboy sa (*) pawisan LOL

    di na ako nainom eh. since june pa ata last year.

    nainum ako ng isang bote o isang tagay pero yung inuman na ilang oras, naku di na. nasawa na ako sa hangover. di na kaya ng katawan ko.

    dati kami na nagsasara ng pub, ngayon di ko na kaya yun. wala na ako nagagawa sa araw pag nag inom ako sa gabi.

    di na nga ako tinetext ng tropa ko lately kasi nga di na ako napunta pag inuman LOL nadadala na kahihintay.

    I am bluepanjeet, i’m a blogoholic! LOL

    bluepanjeet’s last blog post..I dont understand youtube users

  4. BURAOT says:

    @chezza: mild pa yung lagay na yun. hehehheeh. pero di naman mga alcoholic.

    @marco: lasheng….. pass muna. heheheh.

    @bluepanjeet: ako rin di na nainom. nagsawa na din akon sa alak eh. siguro kung uuwi ako at makikipagkita sa mga trops, posible siguro, pero yung 1 or 2 bote nalang ng beer. di na pede yung talagang lasingan.

  5. stormy says:

    heheheh.. gudboy kaba tlga o ntatakot ka lang may makabasa nito..heheh peace^^ jowk lng po:)

    stormy’s last blog post..BUM

  6. jaja says:

    lamu oo nga..bkt nga jan mhna lng cla..kc imagine mo..mkpginuman cla s mga tambay s mga kanto..ung tipong gin bulag p tlga ung iniinom..tingnan ntn kung maadik cla s lasa nun!nyahahahahahah

    jaja’s last blog post..brand new

  7. tama ka pare…kahit magkandasuka basta masarap uminom.

    mahihina ba ang mga kano? nakow hindi pala sila pwedeng makipagsabayan sa gin bulag hehehe…

    tagay pa!

    abe mulong caracas’s last blog post..Tamang Porn Muna, Este Hulsam Pala

  8. BURAOT says:

    @stormy: ehem ehem. no comment. lols!

    @jaja: malamang. pero yung gin buko, masarap. hehhee.

    @mulong: apir!

  9. roni says:

    hik! two years na ko di nakatikim ng alak, pero di ko naman sya na miss. preho rayo, ikaw nga alcoholic lang, ako, sugapa, bwahaha! pero dito, me alternatib naman, sick wet, hehehe. cheers to….batman?

    roni’s last blog post..ugat ng lahi

  10. BURAOT says:

    HEHHE. OKS TOL. KAMPAI!!!

  11. cindyrella says:

    pag sa tuwing ako ay umiinom palaging may mga nangyayaring kakaiba sa akin at ang pinakanakakainis sa lahat ay yung tipong mangangati ang buong katawan ko sa loob ng isang linggo,, as in buong katawan.. na para bang ikamamatay ko kung di ko kakamutin hanggang sa magkasugat sugat ako. kainis!! grrrrr!! magmula noon sinumpa ko sa aking sarili, di na ako iinom..

    cindyrella’s last blog post..Sunog na penis

  12. BURAOT says:

    hehhe. allergic kaw sa alak. para kang yung kakilala ko, parang kinakalmot ni wolverine.

  13. Ambo says:

    Napansin ko nga din yan kahit di pa ako nakatuntong jan sa Merika hehehe. Dahil siguro sa klima kasi malamig dyan. Dito sa atin kahit mainit hubad ng lang ng tshirt sa ilalim ng puno ng nyog tiba tiba tiba na! Di na din ako nainom makakasama daw sa looks para magmukhang fresh at magmukhang bata kabigha bighani sa mga chikababes hahaha.

    Ambo’s last blog post..Twitter : A Powerful Social Networking Tool

  14. BURAOT says:

    honga. mag juice ka na lang. heheheh.

  15. abu says:

    tatang buraot.ewan ko kung maala-ala mo pa yun inom natin sa isang beach resort sa Iba, Zambales. Pinatubo days pa natin.. me pa-outing si Bos Felipe at Rani noon.. Tumira tayo ng Gilbey’s at Lomutil (dahil sira tiyan mo) waahhhhhh!!! Grabe tama noh?!

    ayayayayyayy!

  16. BURAOT says:

    wahahha! oo, grabe, me lomutil pa! kaso baka blackout na naman ako nun? madalas naman em naba black out. weheheh.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes