Sakitchupoy si Buraot

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

sundot kalikotHindi. Hindi ito bagong pakontest. Although me niluluto ako dun sa bago kong site.

Lately kasi eh masyado akong nagiging sakitin. Pramis, pipilitin ko nang bawasan ang mga post na tungkol sa mga sakit sakit. Balak ko nga magtayo na lang ng blog tungkol sa medicine, kaso baka me maligaw na kagaw na naging kaaway nina Reynz at Bluepanjeet dito, mahirap na. (wink)

Ganun ata talaga ang tumatanda. Lumalabas na ang katotohanan na isa pala talaga akong mortal. Akala ko lang pala yung superhero ako. Noon kasi di naman ako tinatablan ng mga sakit sakit na yan. Strike anywhere ako. Koboy, boy scout. Kahit saan ako abutin. Pwede.

Asbok palagi ang bunganga sa usok ng yosi, inuman gabi gabi. Kahit anong brand, basta nakakalasing, okey ka pre. Kahit anong pagkain, kahit yung lugawan sa ilalim ng LRT, oks na oks. Kahit naka ilang timba na ng tubig ang isinasalin nila sa lugaw, masarap pa din.

Kahit mga kwek kwek sa Recto, rapsadudels pa din. Kahit yung mga platito nila ay nilulublob lang nila sa timbang puno ng kulay brown na tubig, rapsadudels pa din.

Katwiran ko, pag sanay sa madumi yung bituka ko, mas immune ka sa sakit. Kaya kahit buong bayan na ang nakasawsaw at malamang puro laway na ang nasa sauce ng fishball na itinitinda ni Tasyo, okey na okey pa rin. Di ata ako tinatablan ng sakit. Pati ata bala wa epek din.

Pero eto ako ngayon. Naglalabasan na ang mga sumpa.

Nitong bago magpasko at bagong taon, dalawang pasyal ako sa ospital. Nung pangalawa nga, itinambay na ako doon ng ilang araw. Andaming mga doktor kwak kwaks na dumutdot sa akin. Ang problema, di naman nila malaman ang totoong sakit ko. Andaming suspek, pero walang malinaw na lead. Nakalabas na ko at nakalabas, di pa rin nila alam.

Nakailang follow up visits pa rin ako ke Mang Kepweng, pero ganun pa din. Medical Mystery daw ang kaso ko. Sabi ko, dok, “di ako mahilig sa suspense, mas trip ko yung mga action o kaya comedy.” Kaso wala pa rin. Basta tuloy tuloy pa din daw ang pag-inom ko ng mga mahiwagang gamot na ibinigay nila. Kung dati tabako ang hinihithit buga ko, ngayon puro albuterol at steroids na.

Kaya naman, aasikasuhin ko muna ang pagkuha ng bagong mga life insurance, pati na rin ang pag-update sa aking testamento. Mahirap na.

Tags: , ,

This entry was posted on Thursday, January 22nd, 2009 at 3:26 am and is filed under amerkanong hilaw, anakanang, mala-cachupoy, onli in da pilipins, rapsadudels, sakitchupoy, usapang lasheng. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

8 Responses to “Sakitchupoy si Buraot”

s January 22nd, 2009 at 7:45 am

uy, pers comment ako^^

anyway, sana umabot ka pa pag-graduate ko ng nursing(parang expcted kong mamamatay kana?haha) para naman isa ko sa dudutdut sayo..hehe

s’s last blog post..BUM

itot January 22nd, 2009 at 8:19 am

si angel cuala ng fatherblogger.com ay nahingi ng konting tulong financial sa inyo sa kadahilanan na ang butihing asawa niya e nadiagnose ng dengue. nakaconfine po ang asawa niya at nangangailangan ng 10k para sa blood transfusion. kung gusto niyo pong tumulong e iemail niyo ako sa itot54joni@yahoo.com. ako na po ang tatanggap ng mga tulong financial niyo dahil unverified po ang paypal account ni angel. maraming salamat po.

BURAOT January 22nd, 2009 at 8:44 am

@s: harinawa. para nga madutdut mo rin ako. ehe. joke.

@itot: cge itot, pag sweldo ha?

abe mulong caracas January 22nd, 2009 at 12:17 pm

tsk tsk dami mo na palang nami-miss…lugaw sa may lrt. kwek kwek sa recto…meron pa siyempre ang palamig sa kahit saang kanto…taho sa kahit anong oras…fichball haaaay sarap sa pinas.

pssst sama mo naman ako sa testamento hehehe!

abe mulong caracas’s last blog post..The End Na ‘To!

BURAOT January 22nd, 2009 at 2:29 pm

@mulong: karamihang nami-mis ko yung mga chibugan sa pinas. walang sasarap! cge tol, sa yo ko papamana tong blog ko? weheheheh.

cindyrella January 22nd, 2009 at 10:37 pm

naku pls get well naman! try mo kaya mag flanax.. ehehe joke para yun sa likod! miss ko na din ang kainan sa pinas. pag uwi ko kakain ako ng kwek kwek!! pati dugo, adidas at isaw! wahaha!!

cindyrella’s last blog post..Deathly Hallows

Ambo January 22nd, 2009 at 11:08 pm

Nakakatakot nga tumanda kasi sabi nila aanihin daw natin ang mga ginagawa natin nung bata pa tayo pag tumanda tayo. Kaya kung yosi, sigurilyo hayan sigurado yan! Pero pag babae ang bisyo nung bata pa, tiyak sankatutak na anakis pakakainin mo all hover hahaha. kaya inga ingat lang kapatid.

BURAOT January 23rd, 2009 at 1:50 am

@cindy: d ba pang cholesterol yung flanax? heheheh. pag galing ko, lahat yun kakainin ko. heheheh.

@ambo: kaya nga hinto na ko mag yosi, hirap eh. bumibigay na ata ang baga ko.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes