Another Priceless Moment

January 23rd, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 12 Responses

paturok paturokIsa na namang priceless moment.

Nung nasa ospital pa ako, tinanong sempre ako kung me medical insurance ako, sempre dahil bagong lipat pa lang ako dito, wala. Di naman nila ako inilipat sa San Lazaro Hospital kagaya nung ginagawa sa Pinas kapag mukha kang walang pambayad.

Diretso ang serbisyo nila at pagkakalikot sa buong katawan ko. Tuloy tuloy pa rin ang dutdot ng mga karayom sa lahat ng singit ko. At tuloy pa rin ang minu-minutong pagsipsip nila sa dugo ko para pag-aralan kung kulay pula ba talaga ito o maroon.

At nung makumpirma naman nila na me mga janakis akong kine-claim, qualified daw ako para sa financial assistance or baka si Uncle Sam na lang daw ang sumagot ng gastusin. Kelangan kolang daw mag fill-up ng form na ibinigay nila at i-mail ito paglabas ko ng ospital. Ayos.

Sa ilang araw na itinambay ko sa ospital, oks lang kahit walang bantay. Kahit na sira ang poise mo dahil pati bituka mo nakita na nila, okay lang din naman kasi para ka lang namang nag-check in sa hotel. Me room service ka pa, order lang ng order ng mga gourmet food. Me sarili ka din namang room na kumpleto sa amenities. Ayos na naman.

Tuwang-tuwa pa ako kasi kahit naman wala akong pambayad at insurance, nakalabas pa din ako ng ospital na di na kailangan pang gumawa ng promissory note o mag-iwan ng atay bilang prenda. Ayos talaga.

Yung mga ka-trabaho ko nga, di makapaniwala. Sabi abangan ko pa rin daw, kasi baka me dumating sa akin na bill. After a week, eto na po. Nag-umpisa nang magdatingan ang mga sobreng me logo ng ospital.

Nung mabuksan ko lahat, napatawa ako nga malakas. Mwahahahahahah! Tuwang tuwa ako sa galak. Mwahahahahhha pa ulit! Eh kasi naman, sa laki ng bills ko sa ospital, natawa talaga ako ng husto. Kasi naman eh pano ko naman babayaran lahat ng yun?

Nagpapatawa ba sila?

Bill nung x-ray sa dibdib, $67. Check!

Bill nung 2nd x-ray sa tagiliran at kilikili, $58. Check!

Bill nung x-ray salikod, $69. Check!

Doctor’s fee nung doktor sa pulmonary, $677. Check!

Doctor’s fee nung doktor na general medicine, $399. Check!

Doctor’s fee nung doktor na rheumatology, $799. Check!

Doctor’s fee nung isa pang usiserong doktor, $249. Check!

Bill nung ospital bukod pa sa lahat ng nasa itaas, $25,900. Check!

At dahil wala naman akong pambayad? PRICELESS!

  1. kotsengkuba says:

    priceless nga, sobrang priceless. pero para din pricefull kung tutuusin. lol

    kotsengkuba’s last blog post..Are we really this poor?

  2. ilablab-K says:

    Lol. tawa aco ng tawa =)

  3. BURAOT says:

    @kk: grabe mahal. kung me pambayad ako, mayaman na ko. heheh.

    @ilablab-K: baka ka maihi ha?

  4. paperdoll says:

    haha. . parang ang sarap tuloy magkasakit bigla. . sino ba si uncle sam? baka uncle co din un. . lol

    ayos ka na ba? uminom ka kasi ng gamot pampabata. . dala na ng katandaan yan. .

    salamat nga pala sa pagdaan ulit sa naabandona cong tahanan:P

  5. paperdoll says:

    isa pa. . nakakamiss magcomment:P

  6. BURAOT says:

    kahit nawala ka paperdoll, kuha mo pa rin yung avatar na nakabukaka. wahahahah!

  7. roni says:

    awww! parang di ko kaya yun bro! my last word dun sa duktor ko: sana, di na tayo magkita ulit!

    roni’s last blog post..horsepower

  8. BURAOT says:

    roni; yun din nga sabi ko. kaso no choice, kasi di pa rin nila napi-pinpoint yung problema. baka nga kelangan ko na lang magpa overhaul. heheh.

  9. Ah'Kong says:

    hindi kaya sa hotel ka napunta, akala mo lang ospital yun …..LOLs
    grabe namang bill nun, kung ako yun baka maibalik ako ospital…LOLs

    Ah’Kong’s last blog post..Roborats….Transform !!!!

  10. BURAOT says:

    @ahkong: honga. grabe yung bill nga. pang negosyo ko na yun sa pinas. kaya dati wala akong high blood, ngayon meron na. lols!

  11. timi says:

    Wow! grabe! Nawindang daw ako nung nabasa ko ung bill!

    timi’s last blog post..Weekend Rambling…

  12. BURAOT says:

    hay timi, kaya nga natawa ako ng husto. grabe. heheheh. kala nila me pambayad ako? wala.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes