Kung naispatan nyo yung timbre ko sa facebook at plurk, me ideya na kayo kung ano na naman itong kabalbalan na pinag-gagawa ko nitong mga nakaraang araw.
Dahil likas akong walang magawa at buraot sa buhay, napag-initan ko na naman kutingtingin ang mahiwagang baul ni Kulapo (archives).
Nakumpirma ko na naman ang mga nawawalang mga comments dun sa mga pinaglumaan kong mga posts. Kasi naman nakailang lipat ako ng bahay (domain at url) at bawat lipat ata, nalalagas ang mga comments at mga links.
Kaya wala na akong balak na magpalit ulit. Ang hirap kaya mag-ayos?
Sempre pa, inisa-isa ko rin ang mga posts para sungkitin ang mga mala-impaktong mga one-liner o mga pautot na pupwede kong isantabi para pambanat sa mga kontra-Kulapo, mga pwedeng pampa-agit sa aking mga kampon, o pupwede ring maging gabay sa buraot ninyong mga buhay.
Ipinakikilala ang bagong anik-anik sa site ni Kulapo, ang Kuyu-Quotes ni BURAOT.
Abangan mo sa upper right hand corner, sumakay ka pa, makikita mo ang bagong anik-anik na ito. Kada open mo ng page, otomatik na magre-reload sya ng mga quotes na nagmula sa archives ng Anak ni Kulapo. Kaya naman, mula sa araw na ito ay dadanak ang dugo makikita mo na ang mga gintong aral na mapupulot mo ke Confucious BURAOT.
Yun eh kung aral nga ang makukuha mo.


fowtragiz! hindi co masyadong naintindihan! hahaha. . pero kung ano man yan aabangan co yan. . baka nga makapagpabago ng takbo ng buhay co. .hindi co napansin na nagpalit ka ng url. . ano nga ba un? lol
ay! aco nauna. . dapat kada nauunang mag comment may premyo eh. . hirap kaya makipag unahan. .
I agree with paperdoll dapat may premyo nga kasi mahirap makipag unahan.Pero baguhin na natin yang unahan-unahan na yan.Dapat ang may premyo ay yung 2nd.Mas mahirap ata maging second. Kasi mag aantay ka ng first,tapos pag most nung akala mo una,may 2nd na palang nagpost.Oh hindi ba mas mahirap ang 2nd. Baka may humirit na mas mahirap ang 3rd,4th ha.Wala na nang hihirit
Fatherlyours’s last blog post..Gung Hei Fat Choy!/Happy Chinese New Year!
Yan post ko na yan minadali ko yan kasi baka may mas mauna mag comment after paperdoll hindi ba?
Fatherlyours’s last blog post..Gung Hei Fat Choy!/Happy Chinese New Year!
peperdoll: wag mo na problemahin yung url, kasi un na yun, yung http://www.anaknikulapo.com, buhat nung maligaw ka dito. heheheh.
ok yang ideya mo, okntest sa mga magko comment…
fatherlyours: mas patok nga yang 2nd, kasi mas mahirap. wahahahaahha!
Ayos to ah! Mukhang ikaw na ang susunod sa mga yapak ni Tropapips na Confucious! Nice idea kapatid!
kuyukut talaga eh no? o cya mabisita nga yan nang umayos pa lalao ang buhay ko! hehehe!! ^^
Cindyrella’s last blog post..snow bear candy memories
brader ambo: wala lang ako magawa. para din me maligaw dun sa ibang mga pinaglumaang mga posts. heheheh.
cindy: heheheh. kuyukut eh no. musta naman na ang lablayfs mo?
Hayuf nga sa quotes…makopya nga ang mga yan at maiforward sa mga prendships!
Helena’s last blog post..Protected: First Love
hehhe. oks helena.
hhmmmm.. makiki-abang din ako
cguradong marame akong mapupulot na aral dun^^
stormy’s last blog post..piso ko
sana nga stormy… nyehehehe!
huwaw, gusto ko yang mga quotable-quotes… guidance ko yan sa buhay! go bro! ^_^
Snow’s last blog post..Happy Birthday to me! ^_^
sana yun kuyuquotes e walang kasamang yamas!ahehehe! nga pla solve na, nailipat ko na din sa wakas ang bulagspot ko sa wipipi!konting kalikot na lang.
itot’s last blog post..Garmin Nuvi 360 Portable GPS Navigator
@snow: nakanaks, guidance.. wehehehhe.
@itot: langya ka, tagal na di naririnig yang yamas na yan. mwahahahah! buti naman at nag wipipi ka na. oks na ngayon ang wipipi kesa nung dati.
may naisip ako… add kita s afezbyk
joshmarie’s last blog post..JOSHY HOLD ON…
ay kagaling mo naman ninong.
Mahalia’s last blog post..15 Ways to Tell if Recession is Hard
tenks inaanak. heheheh. musta jan sa inyo?
@josh: ano yun naisip mo?
pareng buraot, musta ka na? tagal ko di nadalaw ang bahay mo, namiss kita ahehe. nak ng tokwa, nagulat na naman ako sa audio ng site mo. nakatodo pa naman ang volume ng headset ko aray!!
madbong’s last blog post..Bandar Seri Begawan
madbong: sowee.. hehehh. hinaan ko na.
waw..okei yan ah..at least pwedeng irecycle yung mga previous posts at pamataya na lines..
jem’s last blog post..javalicious™ {cont’d}
sakto jem, libreng link pabalik sa mga kopong kopong na mga posts. hehehe.