In loving memory honor of Reyna Elena, magpapaskel na din ako ng mga updates na mga naispatan ko sa aking pag-ikot ikot sa mundo ng buladasphere.
Para naman kahit medyo maliit lang ang naiikutan kong mundo dahil madalas akong tinatamad magbasa ng blag ng me blag, kahit papano naman eh mai-update ko kayo at maibalita ko ang ibang mga tsismis na nasasagap ko at mga pautot na nalanghap ko.
1. Bluepanjeet PENTALOGS
Umaarangkada at umaalog-alog na ang mga betlogs ng ating katropang si Bluepanjeet. Todo todo na ang kanyang paghada sa mundo ng buladasphere sa pamamagitan ng pagbubukas ng iba pa nyang kablogahan. At grabe.. todo na ang powers ng lolo mo dahil lima.. oo lima na ang kanyang blog na pinag-aaksayahan ng oras.
At hindi lang yan, parang si Kober Bryan na kinopo na nya ang bola limang pwedeng paglagyan ng pangalang bluepanjeet. Andyan ang Bluepanjeet.com, Blueepanjeet.net, Bluepanjeet.org, Bluepanjeet.info, at Bluepanjeet.biz.
Congrats repapits sa iyong mga bagong blogs. At gudlak! Kung pwede nga lang sana makuha ko din sana yung mga buraot dot coms. Kaso mo, nakuha na ng iba…
2. DMITRI, Bagong Alyas ng Lumang Tech Support ng Bayan
Kung bagito ka sa larangan ng blogging at nais mo sumakabilang-bahay papuntang wordpress, o may katanungan ka hinggil sa wordpress issues at mga anik-anik tungkol sa blogging, san ka pa? Pumunta ka na lang sa site na ito at hanapin mo si Dmitri.
Simula ng mag-umpisa akong mag-aksaya ng oras sa pagba blog, si kotsengkuba na ang madalas kong puntahan para magtanong. Hanggang ngayon, eng eng pa rin ako sa maraming bagay, lalo na sa mga formats at language na ginagamit sa wordpress. Kaya naman madalas ko pa rin syang binubuliglig para tanungin.
Meron din syang professional web consulting services na patok na patok sa murang halaga para tulungan ka sa itatayo mong site mula umpisa hanggang huli. Pero kung WW (walang-wala) ka rin tulad ko, pwede ka rin naman magtanong lang ng libre.
Kaya kung me tanong ka (pwera sa lablayfs) pasyal ka lang sa site nya.
3. Kung Lablayfs naman, si EVILWOOBIE ang kaylangan
Dahil malapit na ang valentayms, malamang me mga tanong ka rin naman tungkol sa mga bagay na nag-uugnay sa puso. Kaya wala akong maipapayo sa yo kundi ang iwasan mo na si Madam Auring dahil naaagnas na yun. Sa halip, pumasyal ka na lang sa site ni Woobie para sa mga impormasyong me kinalaman sa puso.
Tamang-tama dahil abot ka pa sa pakontest nya ngayong Valentayms.
4. Ang BURAOT Entrecard Generator
Sempre, alangan namang di ko pa i-plug ang sarili ko. Sa lahat ng mga blogs na patuloy na nagpapaloko sa entrecard kagaya ko, ginawa ko ito para sa ating lahat sa tulong sempre nung nasa itaas, si Dmitri.
Gumawa kami ng sarili nating entrecard generator. Ito ay para mas mapabilis ang paghakot natin ng limpak limpak na entrecard credits. Kung gusto mo naman na mapasali ang site mo sa quickdrop batch pages ng entrecard generator na ito, mangyari lamang na magparamdam ka dito o pumasyal ka sa mismong webpage ng site.
5. Babay Muna kay JOSHMARIE
At dahil nagparamdam, babay muna sa isa sa mga suki ng site na ito. Si Josh po na isa sa may pinakamahaba at pinakamagandang legs sa balat ng buladasphere ay sya ring author ng site na Mundong Parisukat. Sya ay pansamantala munang magbabaksyon sa larangan ng showbiz blogging. Siguro josh nabuburaot ka lang sa mga kung anu-anong pinag-gagagawa mo sa buhay. Heheheh. Minsan naman talaga nakakasawa din naman. Kahit ako nga minsan nagsasawa na din mag-blog. Wala lang talaga akong mapaglibangan kaya eto ako, patuloy na nambuburaot.
Panawagan din ito kay Manikang Papel na medyo humaba ata ang bakasyon. Sabi nya kasi noon, bakasyon lang. Nasarapan ata at hangang ngayon, labas masok lang muna sa kanyang pagba blog. Hoy papel, nami-mis na din naman namin ang balahura mong mga kwento.
At sa mga nagbabalak mag hiatus.. kitakits na lang tayo sa mata!


Naku thanks Kuya ha! WW din ako, pero kami pwede magtanong d ba? o ayan, nag tanong na ako. Kay DMITRI ko naman itatanong ang tungkol sa wordpress.
pmonchet’s last blog post..Pinoy Toilet Habit Cause Job
Naku thanks Kuya ha! WW din ako, pero kamo pwede magtanong d ba? o ayan, nag tanong na ako. Kay DMITRI ko naman itatanong ang tungkol sa wordpress.
pmonchet’s last blog post..Pinoy Toilet Habit Cause Job
oo yan pmonchet si dmitri ang tanungan ko palagi.
oo minasan tlga nkakasawa rin magblog, ang laki ko pa namang tamad^^ pero ayos to.. na-update ako, marame-rame rin akong di napupuntahan e:)
stormy’s last blog post..piso ko
stormy: ganda tlaga ng username mo.. xmen na xmen ang dating… gagawa nga ako ng asosayson ng mga bloggers na superhero. heheheh.
aylabtsismis! sayang nga lang di ko sila kilala. hehe! mabisita nga minsan. XD
eMz’s last blog post..Stephen King says Stephenie Meyer Sucks
hehehhe. im sure makikilala mo din sila emz…
anong kaguluhan to? hehe. .updated ba co o ikaw? lol. . gagawa din aco ng ganito pag nagkaoras aco. . medyo dami co kasing projects eh. . may pictorial pa nga co ngayon sumilip lang aco dito. . lol. . salamat pala sa pagdawit ng kapitapitagang blog co dito. . hahaha. . alam co naman na miss nyo ang karisma co:P
aprub ako na magaganda yang mga blog na yan kasi halos lahat dyan binabasa ko palagi!
Snow’s last blog post..My Shopaholic Confession