Kahit na anong bawal sa akin, wa epek. Pag gusto ko, gusto ko. Pag ayaw ko, ayaw ko. Lalo kapag pinipilit akong gawin ang isang bagay na di naman talaga bukal sa loob ko.
Ganun talaga katigas ang ulo ko. Sinubukan ko nga hampasin ng bote, matigas talaga.
Yung iba naman sinubukan hampasin ng baseball bat, wa epek pa din. Nabiyak lang ng konti at medyo na-oblong. Pero ilang araw lang, balik na uli sa kanyang original na hugis ang ulo ko. Oo, pramis.
Bawal ang uminom. Bawal magsigarilyo. Bawal ang man-tsiks. Atmaramipangiba. Bawal. Masama sa katawan. Daw. Lahat naman ng bagay, masama sa katawan kapag sobra. At kapag dyeta, masama din.
Ang alak kapag ginamit mo in moderation ay hindi masama. Sa halip, ito ay totoong mas nakakapag paganda ng iyong kalusugan. Ibinababa nito ang iyong cholesterol level at tinutunaw ang mga taba sa iyong katawan. Pero sempre, pag sinobrahan mo naman, tutunawin din nito di lang ang iyong cholesterol kundi maging ang iyong atay at balun-balunan. Isama mo pa ang apdo.
At sempre sa alak mo pede ihalintulad ang tsiks. Bukod sa ika nga flavor comes naturally with age, ito rin ay mabuti sa pangangatawan if you use it wisely and na naman, in moderation.
Kapag sinobrahan mo naman ay baka sa halip na simpatiko ang dating mo eh maging ga-palito ka na lang. Pag wala ka naman nito at dyeta ka, siguradong daig mo pa ang isang matandang dalaga na maasim pa sa pinikpik na bunga ng kamyas. Magiging burautin ka at mainitin ang ulo kagaya ko.
Sa tatlong pangunahin bawal, ang sigarilyo lang naman talaga ang may masamang epekto sa katawan mapa konti man o mapa marami man ang iyong tirahin. Kada hithit mo, isang buwan ang ibabawas sa buhay mo. Pero dahil natural talaga akong pasaway, katwiran ko.. eh ano? Lahat tayo mamamatay. At least ako, mamamatay ng nag e-enjoy.
Buhat nung dose anyos pa lang ako, yosiboy na ako. Tuwing uutusan ako ng mga kuya ko bumili ng yosi ke Aling Charing, nagyoyosi na ako. Pano ba naman, kapag uutusan nila ako, kelangan sisindihan ko na. Kaya bago pa ako makarating sa bahay, nanganglahati na ang sigarilyo.
Nung mapadpad ako dito sa Merika, sinubukan ko na ihinto. Grabe naman kasi sa mahal. Yung isang kaha ng yosi dito, isang pakete na ang katumbas sa Pinas. Kaya kahit walang nagbabawal sa akin, huminto na ako. Muna.
Nung mag-umpisa ako humada sa gabi, tamang inip at buraot na naman ako. Kaya ayun, balikbayan ako sa yosi. Pero di na basta yosi. Kelangan big-time na din. Tabako na tinitira ko. Ilang taon na din akong nagtatabako. Sarap naman kasi dahil amoy at lasang sikabeyb sokoleyt.
Eto na, na-ospital na nga ako. Kahit di pa naman nila alam ang totoong sakit ko, minabuti kong ihinto na ang pananabako ko. Me natira pa nga akong dalawang tabako. Di ko na ginalaw para meron akong souvenir. Sayang nga lang yung zippo na niregalo sakin nung boss ko nung umalis ako ng Los Angeles. Me naka-engrave pa namang pangalan ko yun at sempre… logo ni Batman.
Kaya Yosi Kadiri… ngayong balentayms, quits na tayo! (muna ulit)


pa epal nga ulit ako kuya! (=
tama naman yan eh! mag quit kana sa bisyo.
pero pag katapos ng balentayms. G000! ulit (=
deh joke lng! :p .sana kahit hnd balentayms tuloy tuloy paren pag tigil mu sa bisyo^^
sus! asan na ang isang salita mo? pasasaan ba at mamatay din tayong lahat? hahA. . pero kung sa ikahahaba naman ng buhay mo. . sige, mainggit ka na lang saming nagpapaligsaan makaubos ng baga. .
inom na lang. . sasamahan kita kahit san. . basta sagot mo alak:D hindi co problema ang sikabeyb dahil stick 2 all aco. .
ako pag huminto akong uminom baka magpanic-attack lang ako. hahaha! nadismaya nga ako nung ma-realise ko na pag nabuntis ako, 9 months mahigit akong di pwede uminom ng alak. kainis.
pero yosi is kadiri talaga — ambaho kaya sa kamay nun. ewww.
eMz’s last blog post..FS Picks of the Week, Feb 09-15
hay ako talaga ay di pwede dyan!! wala akong bisyo bukod sa computer, kasi alam ko pag nasimulan ko siya di ko na siya mahihinto. ganyan talaga masarap ang bawal! pero natuto na ako kasi alam ko sa bandang huli ako din ang kawawa. ^^
cindyrella’s last blog post..Benefits of Kissing
@ilablab: baka tuloy tuloy na to…
@paperdoll: mwahahahh! stick to all!
@emz: kahit nga nagyoyosi ako, ayoko din ng amoy. at least yung tabako ko, amoy chocolate naman. pero lagi ako me katabi na hand sanitizer. after magtabako, linis agad.
@cindy: hehhe. nasa nagdadala din naman yun. ako kaya ko naman controlin. pero kung sabi mo nga, mahihirapan ka rin mag-quit, eh wag mo na talaga umpisahan.
Alam mo kuya Buraot, bilib ako sa mga taong nag try huminto mag smoke. Pero mas bilib ako sa mag taong malakas mang asar na pilit binibigyan ang mga ayaw na. Kasi lagi nang iingit.Sarap mag pa usok, mga ganun.Pero kung hindi ka na makatiis, okay lang Kuya.Pwede namang mag promise uli. hehehe
pmonchet´s last blog post..Forwarded Message: Life Handbook 2009
Actually, nag-try ako huminto sa yosi mga 4x na pero kulang pa ako sa disiplina e.
Nagstart ako magyosi mga 17 ako nun gawa ng nagtitinda ako ng yosi sa kalye. Sana makatigil na rin ako, inaaway din ako ng anak ko e. Tulad mo, na-ospital na rin ako.
But nung nasa ospital yung mag-iina ko lately, medyo nabawasan gawa ng takbo dito, takbo dun.
Thanks nga pala sa lahat ng sumuporta…
I love you, too! lol!
Angel Cuala´s last blog post..How I Am Saving Money during Valentines Day (but being more romantic)
@pmonchet: lahat naman kaya talaga huminto. siguro naghihintay lang magkaron ng rason para gawin yun. di naman hinahanap ng katawan ko yung nicotine eh.
@angel: hay naku, sayang din kuya yung matitipid mo. saka mahirap din pag bumawi sa baga. tingin ko nga binabawian na ko eh. anyhoo, buti naman ok na mag-ina mo?
hahaha!
good luck! sana mahawa ako seyo! mas matigas pa matigas seyo ang ulo ko hahaha
sige!
yosi muna ako hahah
reyna elena´s last blog post..Love story nang babaeng habulin
nyeheheh. hay reynz, sarap nga magyosi. kaso bumibigay na baga ko. heheh.
cold turkey is still the best way to go! plus of course, willpower
chezza´s last blog post..Serpentine
hehehe. kayang kaya ng willpower…