Aling Victoria Here I Come!

February 13th, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Boy Bastos 14 Responses

blogmobatoSempre dahil Valentaym season, kelangan ang mga epal natin dito eh tungkol sa mga kwento na may kinalaman sa puson… Ooops sowee, umepal na naman tong keybord ko, napasobra ng letter… erase erase… tungkol sa puso.

Sino ba naman kasi ang me pakulo ng Valentines. Wag mo na itanong sa akin kung saan nagmula ang valentayms. Anong palagay mo sa kin, si Ernie Barong? (sumalangit nawa)

Kung yun lang ang itatanong mo, mali ang napuntahan mong site. Dito ka magpunta. Dito kaya?

Naiisip ko lang kasi kumbakit tuwing valentayms, napupuno ang mga bahay ni Aling Victoria. Kahit san ka pa magpunta, para kang nakikipag blackout bingo. Punuan. Nung nasa pinas pa kasi ako. Suki ako dun. Kasi dun ako nagpa part time. Kaw kung anu-ano iniisip mo.

Pwede naman kasing sa ibang araw kayo magmahalan ng magmahalan. Pwede din namang araw araw di ba? So anong napaka espesyal sa araw ng Valemtayms na kapag nakalimutan mo na kahit magbigay lang ng card eh parang napakalaking isyu na sa magkalabiduds.

Pero sempre dahil parang naging tradisyun na din na kapag valentayms eh kelangan parang new year na kelangan me putukan.. ehem.. eh san ka pa. Sempre halika na. Ang lagay eh….

Araw arawin na natin ang valentayms.

  1. Mario says:

    Iba kasi ang pakiramddam kung valentayms nagpaputok eh. Iba. May kakaibang essence yung pagputok. Saka, lugi kung araw araw valentayms. Paano na lang yung walang kavalentayms, eh di araw-araw silang walang kasama? Paano na lang si Piolo, eh di araw-araw siyang walang kabulungan?

  2. Cindyrella says:

    sabi nila kaya daw madaming pinapanganak pag november kasi ..??? guess wat? dahil sa buwan ng feb madami daw milagro ang nagaganap^^ hehe!

    Cindyrella´s last blog post..Para sa lahat ng ka- blog ko! ^^

  3. paperdoll says:

    gusto mong maaliw? halina kayo at pasukin ang tunay na aliw dito sa ALIW INN. . lol. . hehe. . oo nga pwede naman magmahalan araw araw at pwede namang sa bahay na lang. . wala pang gastos. . basta wak kakalimutan maklock ng pinto baka pumasok si mamamiah! hehe. . nakakapagpaputok ka buraot? lol hahahhahaha

  4. BURAOT says:

    @mario: kunsabagay.. pero mas oks pa rin kung araw-araw. lols.

    @cindy: malamang nga. hehehe.

    @papersoll: ho, suki ako dun nun.. hehehe. mas mura… hehehe.

  5. kheed says:

    ahahaha uo nga naman, saka bakit ba nauso yang valentines day na yan eh, binawasan na ang february bakit di pa ginawang hanggang feb 13 na lang.. ganda ng layout mo dude

    kheed´s last blog post..EMO

  6. BURAOT says:

    honga kheed, di pa tinuloy tuloy. hehhe.

  7. Basti says:

    hmm iba talaga kasi special ang valentine’s day, maraming mga sinasagot, nagppropose, nakakaunang experience ng fireworks, nagpapakasal, at kung ano ano pa may kinalaman sa pag-ibig.

    aahahaha ayus ang music.

    Basti´s last blog post..A letter to my wife

  8. BURAOT says:

    heheh. tagal ko hinanap yan basti.. narinig ko yan nung bata pa ko… di ko alam title… nakita ko din.

  9. Fatherlyours says:

    oo nga, customer pa nga namin dati ang anito inn sa mga tsinelas. Halina Inn, victoria may Omico pa bago dumating ng Blumentritt.Mag pipinsan ata sila.

    Fatherlyours´s last blog post..What a way to celebrate a love Month

  10. kengkay says:

    ako hindi pa nakakapasok dyan sa victoria, sa halina inn lang atsaka sa millionaire’s court, hahahahaha

  11. BURAOT says:

    @fatherlyours: naks, tsinelas… weheee, halina inn d pa ko nakapasok…
    @kenks: nyahahahah! me nabuo bang little kenkay dun? heheheh.

  12. reyna elena says:

    hindi lang kina aling biktorya, dun din sa me mga anito, dun pumupunta mga engkanto na gusto ring mag balentimes hehehe

    achaka eto! BESPREN andyan sa BIKTORYA sa Pasig (merong Biktorya sa Pasig di ba? else, baka nagmayabang yong mokong! hahahah)

    reyna elena´s last blog post..Parade of Filipino Comedians

  13. eMz says:

    lumilindol nga daw buong araw sa pasig at pasay nung sabado eh. hahaha

    eMz´s last blog post..I’m set to ruin your farkin day

  14. BURAOT says:

    reynz: oo naman, jan sapasig ako rumuruta nun pag syota kasama ko. hehehe. pag kulang budget sa me sta.mesa na lang. hehehe:

    emz: malamang kulay pink na naman at pula yung buong daan dun sa me pasig. heheheh.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes