Sa tulong ng bespren kong si Lawin, naisakatuparan ko ang Operation Leps Toleleps.
Kaya naman matapos kong malawayan ang pagmumukha ni ma’am, hayun nga at luhaan syang nagkakakandirit papuntang cr. Ako naman, tamang guilty sa ginawa ko. Medyo natakot pa nga ako dahil baka dahil dun, matanggal na ko ng husto sa scholarship (oo iskolar ako noon kasi nga special child ako) at tuluyan na akong i-expell.
Pero di bale, para sa kin, it’s all worth it naman. Nyeheheh! (ngising ala Dick Israel)
May isang oras din sigurong nagmuni-muni sa banyo si ma’am. Kami na lang ata ang natitira sa school bago nya naisipang lumabas. Nung labas nya at nakita nya akong nakatanghod dun sa gamit nya, nagyaya na syang umuwi. Sempre inihatid ko na naman sya sa bahay nya sa Bangkusay. Kahit pa nga di naman nya ako kinikibo buong byahe.
Pakiramdam ko tuloy hanggang Baguio ang byahe namin. Di bale sana kung may “yehey, malapit na kami sa baguio“. Joke.
Pagdating namin sa bahay nila, ipinakilala na ako sa magulang. Bilang estudyante nya. Ikaw naman ambilis mo mag-isip. Ako din nga, akala ko, pikot na aabutin ko. Hindi pala. Tamang emote nga ako nun kasi “estudyante” nya lang daw ako.
Ang buong akala ko, dedma lang sya sa nangyari. Pero nung pauwi na ko,tinanong nya ako kung bakit ko ginawa yun. Sempre dahil kabado pa rin ang lolo mo, sabi ko di ko alam (sabay tingin sa malayo at patay malisya). Nakasilip naman ako ng pag-asa dahil naispatan ko na naman ang biloy nyang singlalim ng balon ng kunirot nya ako sa pisngi.
Wawaweeeee! Okey sa olrayt. Hindi ata ako nakatulog ng tatlong araw kasi pakiramdam ko tumama ako sa sweepstakes (wala pang lotto nun).
Buhat noon, magkakabit na kami parati ni Ma’am. Tuwing lunch, tuwing uwian, kami ang magkabuntot. Lagi kaming nagde-date. Namamasyal pa sa Luneta, kahit walang pera.. woooohh. At sempre, di na ako nagugutom pag recess kasi di na ako bumibili ng bulaklak araw-araw. Paminsan-minsan na lang.
Tuwing sweldo nya, gumigimik kami. Kaya kahit walang usap-usapan, naging kami. MU. As in mag-un. Araw araw akong nasa cloud nine. Sempre, sya din.
Pero ika nga ni Kulapo, not everything lasts foreber. Napapansin na kami sa iskul. At sempre dahil hindi magandang tingnan, at dahil ang iskul namin ay pinapatakbo ng kaparian, napag-initan na kami. Lalo na sya.
Isang araw… bigla syang nawalang parang bula, parang pumutok na plastic balloon.


ay bitin. kelan ang kasunod? natutuwa ako sa mga ganitong storya. hahaha!
Jason´s last blog post..Pinoy Participantes’ broke Fear Factor world records
tsk tsk tsk..hanep sa escapades, tuloy nawalan trabaho titser mo.
baket lungkot ata sound dito ngaun?
ahh pamahal na araw na nga pala.
hala baka natanggal sa work ang titser mo, pero hayup ka sa teacher pa talaga naging MU mo! ahaahaha special child ka talaga buraot!
Basti´s last blog post..Love Sacrifice : Another Sad Love Poem I wrote for A friend
@Jason: heheh. lapit na. kelangan ko na tapusin. march na eh.hehehe.
@mtoni: lungkot ba? di naman.
@basti: secreeettt…
haha! bitin na naman ikaw talaga buraot pasaway ka talaga….
hmm..uunga palagay ko din naalis na yung chix ni buraot….
hehhe. malapit ko na tapusin. hehhee.
nyahaha…nandito pala ang kasunod…matagal lang pala akong di nakapagbasa…PERO!!!asar pa rin ako..bitin pa rin eh!!!nubeh!!!dito nga lang ako nagigising mula sa pagkakatulog sa opisina…bitin pa nababasa ko..(parang nagbabyad ako ng reading fee na me karapatang umangal sa management…ahehehe)
jeck´s last blog post..Ika-anim (tag)
waw! labstory…ipahanap mo sa barangay si maam.
bioniclugaw´s last blog post..Hu u? Hu me? —–>>How I became a blogger
ayos, mas gusto ko pa to kesa sa “Tayong Dalawa.” hehehe!
ngek tenbits.. kwela ka tol hehe
Make or Break
pehpot´s last blog post..Loan Mod Leads
@jeck: hahaha. sempre, me pabitin. para basahin yung kasunod. hehehhe. yaan mo tatapusin ko na wento.
@bioniclugaw: pinahanap ko nga. hehehe.oist welkam sa site ko. me welkam palo ka.
@emz: naks, labstori.
@pehpot: lapit na kasunod.
[...] MU as in Mag Un [...]