Wham Bam Tenkyu Ma’am

March 2nd, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol 18 Responses

brokenDahil pinagtsistismisan na kami sa iskul, naging mainit na kami. Bukod naman kasi sa marami mga di nakakaintindi sa salitang “walang pakialaman”, me mga iba din ksi na di maiwasan na magkamot ng magkamot ng kanilang makakating dila.

At isang araw nga, nawala na lang parang bula si ma’am ko. Parang pumutok na plastic balloon. Nakailang balik pa rin ako sa bahay nila pero hindi ko sya nakausap.

Para na akong inuyat na nganga ng niyog….

Ayon sa bespren nyang titser din, for her own good, kailangan nyang umalis. Dahil daw kasi sa pagiging mag MU (mag-un!) at kaka PDA namin, nahalata na kami sa iskul. At bilang titser, masama daw yun. Yun na nga, napatalsik inilipat na lang sya ng ibang iskul na pinapatakbo din ng kaparian.

Dahil medyo timang na ako at medyo masalimuot na ang buhay ko nun, di ko na sya hinabol pa. Sakto naman na dahil ipina-deport na ako sa Timbuktu dahil nga nagluluko na daw ako sa pag-aaral. 1988 pa nun kaya di pa uso ang text text. Ang cellphone pa nun ay kasinlaki ng baterya ng traysikel. Kaya tuluyan na kaming nagkawalaan.

Pagkagradweyt ko ng hayskul sa Timbuktu, bago ako tuluyang naging kolehiyolo, binalikan ko si ma’am….

Madali ko namang naispatan ang bahay nila. Pero itinuro ako ng kapatid sa ibang bahay, dalawang kanto ang layo. At di lang bahay ang nag-iba, pati apelyido nya. Wham Bam! Para akong bingyan ng mag-anak na sampal. Para akong bata na naagawan ng kendi, gusto kong maglupasay sa iyak. Oh my gulay! Why? Whyyyyyyyyyy?

Nakita namin yung  bagong bahay ni ma’am. Pero medyo alat, wala pa daw si ma’am, nasa iskul pa nya. Dahil alam ko naman kung saan yung bagong iskul, dun na ko nagpunta. Palabas sya ng gate ng makita ko na naman ang kanyang biloy na kasinglalim ng biloy ni Raul Aragon. Parang me sumikat na araw, sakto sa mukha ko. Sempre, nagkiss kami, sabay hug.

Ang maganda nito, masa matangkad na ako sa kanya ngayon. Pero ok lang kahit hindi, pantay pantay naman lahat pagdating dun di ba? Sa pag-ebeg ibig ko sabihin.

Me dumaang isang titser na kahawig ni Ms. Tapia, masama ang tingin, inginuso ako na parang nagtatanong, “manay sino yang boytoy mo na yan?” Nakuha naman ni ma’am ang ibig sabihin kaya depensa agad sya na ako ay isa nyang dating estudyante. Dali dali kaming umuwi sa kanila.

Dahil mahaba-haba ang aking… baong kwento, naisip namin na lumabas na lang. Habang nagbibihis sya, imangiyak ngiyak nyang kinukwento na iba na nga ang apelyido nya. Habang ako naman ay medyo tulala. Pagkatapos ay dinaanan namin ang isang pinsan nya at kinaladkad nya para sumama sa amin.

Nag-Jollibee na lang kaming tatlo. Habang lumalapang kami ng chiken joy ay kulang na lang ay ikiskis ni Ma’am ang pagmumukha ng pinsan nya sa mukha ko kaka-reto. Pero sabi ko, “ma’am ikaw ang gusto ko hindi sya no?”

Huminga muna sya ng malalim kasing lalim ng biloy nya… “Buraot, di na tayo pupwede, may asawa na ako. Mas bagay kayo netong pinsan ko, magka-edad lang kayo…” sabay kurot sa pwet pisngi ko.

Para akong natutunaw na strawberry chocolate sundae nung sinabi ni ma’am yun. Wahhhhhhhh! “Ba’t di mo ko hinintay?” mangiyak ngiyak na sabi ko. “we are not meant..” and sabi nya at kung anu-ano pang achuchuchu na hindi ko na naintindihan pa.

Sasabihin ko sana, “Tenkyu for the memories…” kaso sobrang cheesy at OA naman nun, feeling ko pang Imelda Papin. Kaya simpleng  Tenkyu na lang ang nasabi ko para kyut.

Sayang. Sayang yung chicken joy. Di ko naubos kasi nawalan na ako ng gana.

Nagyayaya pa si ma’am lumabas at mag night out pero tumanggi na ako. Kahit pa anong pakyut nya sa akin, kahit na anong pagpapalabas pa nya ng biloy nyang kasinglalim ng biloy ni Raul Aragon, tumanggi na ako. Sigurado kasing irereto lang nya yung pinsan nya na kamukha naman ni Raul Aragon.

Umuwi akong luhaan habang sa utak ko, naririnig ko yung kanta ng Air Supply. Ewan ko ba kumbakit andaming kanta, sa Air Supply pa. Pwede namang sa Abba.

Hindi bale kung ayaw na sa kin ni ma’am. Tutal medyo malabo naman talaga umubra. Sobrang layo ng bahay nila agwat ng edad namin. Tutal college naman na ako, hahanap na lang ako ng iba….

Ng ibang titser.

WAKAS (na muna)

Para sa kabuuan ng Valetaym feature na wentong ito, narito ang pagkakasunod sunod.
Part 1: I Hope So Ka Dyan
Part 2: Operation Leps to Leleps
Part 3: MU as in  Mag Un
Part 4: Wham Bam Tenkyu Ma’am
  1. pehpot says:

    o may bago ng titser? LOL

    pehpot´s last blog post..February Droppers

  2. cindyrella says:

    nakakatuwa, kahit sad ending! baka nga ur not meant for each other T_T

    cindyrella´s last blog post..malaking joke

  3. hi kuya! nakakatuwa itong post mo ah. at 4 parts pa pala itong lovestory na ito! mukhang pinanghinayangan mo rin yung chicken joy tulad ng panghinayang mo na hindi ka inantay ni mam.

    sa totoo lang, si mam naman kasi, hindi ka na talaga maantay. tumatanda na siya. you are not meant talaga. at syempre, mas gugustuhin niya yung mas maraming alam. medyo bagito ka pa kasi nung mga panahong yon. hehehe…

    in fairness, bilib naman ako kay mam. nakuha pang magyayang mag night out eh hindi na niya naisip na kakadurog lang niya sa puso mo. hahaha…

    siangelnawalangpakpak´s last blog post..Asan Na Ang License Number Ko?

  4. biba says:

    aw
    gusto kita kantahan ng mga kanta ni april boy regino o kaya ng aegis… tsktsktsk

    biba´s last blog post..spool feeding

  5. reyapot says:

    kinukwenta ko ang edad mo eh hehehe…
    babalik ako… di ko pa nabasa yung ibang parts eh…
    wala akong salamin sa mata, kaya ako naduduling pag matagal nakatitig sa berde mong utak este background hehehehe…

    reyapot´s last blog post..ReYaPoT Signing Off

  6. p0kw4ng says:

    ang tanong….naka home base ka ba o first base lang?

    yun naman yata ang pinaghihinayang mo eh,hihihi

    p0kw4ng´s last blog post..random condom

  7. kiikay :D says:

    hahaha tama si p0kw4ng NAKA iLanG base ka ba kay mah’m mOo!?

    nakakatuwa naman talaga ng storY mOo buraOt

    meron pa bah hehe ung happy ending naman para mas masaya hehehehe :D :D

  8. BURAOT says:

    @pehpot: wala naman.. heheheh.
    @cindy: not meant. wahahaha. nga.
    @angelnawalangwings: honga, totoy pa ksi ako nun. heheh.
    @biba: oist, welkam sa site. me welkam palo ka sa susunod na posts.
    @reyapots: nyeheheh. at naghanap ng clue sa edad eh no? hehehehe. clue: wala na ko sa kalendaryo pero nasa bingo pa rin. lols!
    @pokwang: secreeeettttt. baka nagbbasa dito yung asawa nun no? wahahahahha!
    @kiikay: marami hapi ending at marami din sad story. hehehe. dami kasi lab story. sus.

  9. nicki says:

    ybangs backgrounf “green” lmeg s mata ay.. *npadaan lng*

  10. Snow says:

    wow, romance naman ang tema rito. ^_^

    Snow´s last blog post..Meet the 24 Bb. Pilipinas Candidates of 2009

  11. Jason says:

    lam mo bang 2 times ko binasa to? may naalala lang kasi ako. hehe. may secret din ako!

    Jason´s last blog post..Pinoy Participantes’ broke Fear Factor world records

  12. BURAOT says:

    hello nicki, welkam sa site ko. daan ka ulet.
    @snow: oisst, musta na? kala ko pahinga ka muna?
    @jason: nyeheheheh. di kaya magkaklase tayo? wahahah!

  13. kotsengkuba says:

    you’re so heavy. ang bigat mo! hahaha, ayos ang kamukha ni Raul Aragon. Pero sino nga ba si Raul Aragon, ha parekoy ;-)

    kotsengkuba´s last blog post..Unlimited telebabad to anywhere in the world for only $11.50 per month

  14. BURAOT says:

    nyahahah! si raul aragon ay character actor na kapanahunan pa ni jorge estregan wehehehe! musta na hangin jan sa pinas?

  15. madbong says:

    parekoy, muntik ko din makarelasyon yung titser ko nung 2nd year hayskul. kaso engot pa ako nun kaya walang nangyari

    madbong´s last blog post..Last Hurrah ng Summer

  16. BURAOT says:

    nyeheheheh. sayans.

  17. Basti says:

    at least naman di nasesante si maam…. lol
    ano kya itsura ng pinsan, teka sino ba si raul aragon? toinks!

    Basti´s last blog post..Proper Child Safety – How To Keep Children Safe Inside the Car

  18. BURAOT says:

    artista yun noon na kopong kopong pa.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes