Parang walang laman ang utak ko ngayon.
Isang oras na ako dito na nakatingin sa sarili ko. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ko. Binali baligtad ko na nga yung salamin. Wala pa rin.
Kahit na anong sundot at kalikot ang gawin ko sa ilong ko, wala talaga akong utak na makuha.
Parang kapag me isang bagay kang naisip pero di mo maisip kung ano yun. Pero kahit di mo maisip kung ano nga yun, iisipin mo pa rin sya ng iisipin kahit na di mo naman talaga maisip kung ano nga ba talaga yun. Hanggang mabuwang ka na sa kakaisip.
O sadya lang talagang hindi gumagana yung isip mo dahil sa haba ng tulog mo sa iisang pwesto, nawala sa balanse yung mga gray matters sa ulo mo, lahat napunta sa kanan.
Alam mo yun? Naiintindihan mo ba sinasabi ko?
O sige, eto eksampol.. me narinig kang music. Alam na alam mo kung ano ang title nito, pero nalimutan mo kung sino ang kumanta. Pero dahil alam mo naman na alam mo naman talaga kung sino ang kumanta, di mo lang matandaan, pipilitin mong isipin ng isipin kung sino talaga yun. Buong maghapon magdamag kang makukuliling sa sarili mo dahil kahit na anong isip at remember ang gawin mo, di mo talaga matandaan ang hinayupak. Shucks.
Madalas, sisisihin mo pa ang sarili mo dahil nasa dulo lang ng dila mo kuno, pero di mo pa rin makuha. Parang si Erap nung tinanong sya ng titser nya how to spell vagina, sabi nya, “ah… ehhh.. ma’am di ko matandaan eh. Nasa dulo lang ng dila ko yun kagabi..”
At pag sinwerte ka at naisip mo, mapapa-padyak ka pa sabay palakpak na parang Eureka moment na nakaisip ka na rin sa wakas at long last after 45 years ng gamot sa bukol.
Pero hangang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano yung inisip ko. Di ko pa rin kasi maisip. At ewan ko bang kung bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kahit di ko naman alam kung ano ba talaga yung iniisip ko.
Para tuloy akong kinikiliti sa pwet kakaisip.


ngayon lang nangyayari sa akin yan..yung pinsan ko na nasa HK di ko matandaan ang name..puta talaga…parang dumadaan sa isip ko yung name pero sobrang bilis..hayop!
p0kw4ng´s last blog post..Plano sagip matris!
hehhehe. langya ka, pinsan mo pa. wahahaha!
hehe.. mahirap yan ah..operada ka ba? LOL
pehpot´s last blog post..Happy and Pleasures
buraot wag ka masyado pa windang ha.. baka mapa isip ako ng bagay na mahirap matandaan.. I need to pocus.. langya ung pakontest ni makoy e.. LOL
pehpot´s last blog post..Happy and Pleasures
honga nangyayari din skin yan.
itot´s last blog post..Francis Magalona Died At 44
paalala..
iwasan mag-isip sa mga bagay na hinde naman kelangan isipin para hinde maturete ang isip.
@pehpot: honga, medyo nosebleed yung pakontest. heheheh.
@itot: itot, aling sites mo ang nasa wp na? alin ang me entrecard?
@mtoni: minsan nga di ko maiwasan. heheheh.
naku stressed out ka lang siguro…pahinga ka muna
memory gap ang tawag jan, tsk signs of aging na yan hahahaha
@snow: sobra nga ata sa pahinga. heheeh.
@basti: yun cguro, eyds.
di ka nag-iisa kuyang… welcome to the club.
ruthi´s last blog post..Ice-Fishing Season
hehehe. helow ruthie fruitti.
kapag nagkataon pala pare na magkabentahan ng utak…kaw lang ang mayaman…slightly used!
nyahaha…peace!
abe mulong caracas´s last blog post..Sana Nakausap Ko Muna Si Francis M.
nyeheheh. wala nga pede iprenda eh. nagkakaubusan na.