Wala Akong Maisip na Malupit na Title

March 8th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag 18 Responses

bloggerMinsan wala na naman ako magawa.

Napansin ko yung itaas ng header ko. Sempre alangan namang nasa ibaba, header nga eh. Kasi pansin ko, tatatlo lang ang anki-anik na page. Ang pindutan ng Home page, ang pindutan ng FAQu page, at pindutin si amanda page ang pindutan ng Alagad ni Kulapo page (blogroll). Parang kulang kulang. Parang yung me-ari.

Kaya naman, kinarir ko na naman ayusin kahit di naman dapat.

Hayan, kung mapapansin nyo, subukan mo lang, marami ng mga pages ang andyan. Inilagay ko na rin kung saan mo ako matatagpuan in case kailangang kailangan mo talaga ako at di ka na makakapaghintay ng bukas. Yun eh kung maiispatan mo ako. Sabi nga ni toniboi, panay ang paramdam nya sa YM ko, di naman ako nagre reply. Wahahahahh! Kasi ayoko makita na online ako. Gusto ko kasi lagi akong imbisibol.

Isinalpak ko na rin ang listahan ng mga naipon kung mga Kuyu-Quotes.

Sa mga inaraw-araw kasing pagre-reload ko ng page na ito, iba’t ibang Kuyu-Quotes ang nasa itaas, so naisip ko, bakit di ko ayusin at pagsama-samahin para di ako mahirapan. Ayan, dagdag na pahirap na naman ang naisip ko. Sempre ang listahan ng mga malulupit at mga cachupoy na banat dyan ay madadagdagan lagi. Yun eh kung me maiisip akong matino na pangdagdag. Kelangan kasi ang quote, serious.

Nilagyan ko na din ng Saytmap para kung sakaling maligaw ako sa mga kabulastugan ng mga pages dito, pwede kong hanapin ang sarili ko.

Ngayon, kung sakaling ikaw naman ang nawala, o may gusto kang hanapin na nawawala, o mga tanong na bumabagabag sa yo na walang kinalaman sa mga posts dito, o me tanong ka lang talaga na  sa tingin mo eh dispalinghado pero gusto mo pa rin hanapan ng sagot. O kaya naman eh naghahanap ka lang ng gamot sa bukol, sabihin mo lang. Malay mo, me nagbabasa dito sa blog ko na alam ang sagot sa tanong na yan.

Dito mo i-epal yan sa Batian Portion page.

Hmnnn.. parang me naisip akong pautot tungkol dyan. Abang-abang ka na lang muna.

  1. kiikay :D says:

    NAKkzz naMan pagandA nG paganDA TALaga paGe mO…

    ASTIG KA TALAGA :D

  2. itot says:

    3 tol sites ko s wp. un dating nsa blogspot e bulagtaspot na. lahat yun e wala ng ec, dropped out n ako dun e.

    itot´s last blog post..Francis Magalona Died At 44

  3. PAJAY says:

    hanglufeet !…

    habang tumatagal lalong tumatanda ang may ari ng anaknikulapo…e este lalong Gumaganda pala ang pahina….hahaha..peace aydol…

    seryoso…hanglufeet…nakakainggit tong ayos ng bahay mo dre…

    PAJAY´s last blog post..TUBIG SA BAGA

  4. joshmarie says:

    kuya!!!!! anong tagalog sa aquarium, toothpaste, remote control at dinosaur? isama mo na rin tagalog sa cake… :)

    nangungulet lang… hehe.

    joshmarie´s last blog post..ENGAGED

  5. Snow says:

    Huwaw, may Batian Portion pa…Wala po bang panawagan sa mga nawawalang tao! (joke lang po!) :)

    Snow´s last blog post..Bb. Pilipinas 2009 Pageant Winners

  6. p0kw4ng says:

    ang sarap kayang mag inbisibol lagi…para lang mumo! hihihi

    p0kw4ng´s last blog post..Plano sagip matris!

  7. BURAOT says:

    @kiikya: nakanaks, enkyu.
    @itot: hehehe, sayang naman tol.yung mga english, salpakan mo ulit ng entrecard, pampadagdag din ng trapik yun.
    @pajay: nyahhahaha. patanda ng patanda.
    @pokie: honga, ako titingin tingin lang kung sino online. heheheh.

  8. BURAOT says:

    @snow: pede din manawagan sa mga nawawala. heheh.
    @josh: aquarium=bahay languyan, toothpaste=pandikit sa ngipin, remote control= ibayong pagpipigil, dinosaur=higanteng tuko at ayan cake=sosing sapin sapin

  9. Basti says:

    pansin ko nga dumami na ang pwedeng i click sa taas. hmm… (naguguluhan kung alin ang uunahin)

    Basti´s last blog post..4 Effective Ways of Having Fun with Your Family Without Spending a Cent

  10. BURAOT says:

    heheehhe.ako din medyo naguguluhan. pero oks na rin ksi sobrang konti dati. lols.

  11. itot says:

    okay lang, bawi n lng ako s iba.ahehe.yan babae jan s project wonderful mo e skin yan.ahehe

    itot´s last blog post..Regis And Kelly Baby Contest 2009 Winners And Results

  12. BURAOT says:

    pansin ko nga. heheheh. kala ko porn. kse si maria ozawa yung pic. hehehhe.

  13. mtoni says:

    alagad ni kulapo nigagamit pag tutulay sa ibang bahay.

    ahahaha un din sagot ko sa aquarium at toothpaste, yong cake sapin sapin lang talaga.
    un 2 di ko kinaya itransleyt.

  14. ang sarap siguro ng buhay neto ni buraot at may oras pang mag-ayus ayos ng site…

    onga eh.. pagpasok ko dito, lagi na lang bagong bihis ang site eh.. nakakainsulto para sa blog kong wlang kagwapuhang taglay….

    advice: ipagpatuloy ang pagiging imbisibol para walang aberya.. cheers;p-glesy the great

    glesy the great´s last blog post..let the music and silence be one…

  15. BURAOT says:

    @mtoni: yun din ginagamit ko pag nagba bloghop ako. hehehe.
    @glesy: go imbisibol! heheheh.

  16. zoan says:

    OC ka ba? hehehe

  17. BURAOT says:

    mejo lang naman. di masyadow.

  18. zoan says:

    hahaha at ang medyo ay slight lang? parang ganon… ehem..

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes