Imbyernes the 13th

March 13th, 2009 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong 4 Responses

all_finishedImbiernes santo the 13th ngayon. Pangalawa sa malas na araw ngayong taon. At dahil malas daw ngayon, maraming bagay ang di ko pwedeng gawin.

Di ako pwedeng lumabas ng bahay, baka masagasaan ako ng pison. Di ako pwedeng uminom baka malunod ako. Di ako pwedeng maligo, baka mapulmunya ako. Di ako pwedeng magtutbras, baka matusok ko lalamunan ko. Di rin ako pwede kumain, baka maimpatso ako. Hayyy naku.

Kagabi, naisip ko, “teka lang 12 ngayon ah? bukas biyernes a-trese.” Medyo naguluhan pa ako kasi nare-remember ko, nagka Friday the 13th na nung Febrero. Kadalasan kasi isang beses lang sya lumalabas isang taon. Nung ni-check ko yung kalendaryo, wala na dun ang edad ko, tatlo ang ImByernes the 13th! Sumalosep! Three Peat!

Kaya naman pala mukhang marami ang minamalas ngayong taon na ito. Gusto mong malaman kung malas ka din? Subukan mong humarap sa salamin.

Pero kung mapapansin mo, kahit tumalon ka pa sa lahat ng building, walang 13th floor. Nakailang ospital na din ako pero wala talagang room number 13. Bakit nga ba sa dinami dami ng araw at number eh 13 pa ang sinasabing malas? At mantakin mo ba namang me mga tao ding takot sa number 13. Ayon kay Kuya Ernie, sila ay may Triskaidekaphobia. Ano naman kaya ang masama sa 13 eh lamang lang naman sya ng isa sa 12?

Hindi rin si Freddie Kruger ang nag-imbento ng Friday the 13th. Tsismis lang yun. Pero katulad ng mga nakagawian na nina kopong kopong, sabi sabi lang na malas ang araw na yun.

Kung pagpapaniwalaan natin yang mga sabi sabi, walang manyayari sa buhay natin. Kung lahat ng bagay kakatakutan natin, mamamatay tayong dilat at takot sa lahat ng bagay. A least kahit si Juan Tamad, di sya takot madaganan ng bunga ng niyog.

Actually, bawal din daw magblog ngayon.

  1. p0kw4ng says:

    may tama ka sa sinabi mo sandugo! kung lahat ng pamahiin eh paniniwalaan mo eh walang mangyayari sa atin…

    sa HK naman number 3 ang malas daw..kaya ang mga building din don eh walang mga 3rd floor. ang meaning daw kasi ng 3 sa salita nila eh kamatayan…di malas sa kanila ang 13…

    p0kw4ng´s last blog post..what is sex?

  2. BURAOT says:

    number 3? hehehehe. bakit kaya 3?

  3. pehpot says:

    ayan kita mo na? walang nagcomment.. malas kase wahaha!

    Make or Break

    pehpot´s last blog post..Tags

  4. BURAOT says:

    walang nag-online nung byernes. malas daw. hehheeh.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes