Supotchupoy Ba Ang Tatay Mo?
Walastik! Nalamigan na naman ako. Konting lamig, konting snow, sinisipon at inuubo ako.
Kelangan ko na talaga atang ipa-overhaul ang baga ko. Di ko alam kung katulad ng mga puso at atay ay pwede na ring papalitan ang baga. Tatanong ko muna ke dok. Baka sakaling pwede na.
Eto na naman ako, matapos akong pausukan ng tone-toneladang nebulizer, tyaga na naman ako kakahithit ng albuterol at kung ano pang pampa-maintain daw kuno ng baga ko.
O baka naman kelangan ko na lang talagang bumili ng wig, o kaya katulad ni Rico J, ay magpatanim ng buhok. Kasi tingin ko, dahil medyo manipis na talaga ang bumbunan ko, mahamugan lang, sinisipon na ako. Ganun ata talaga pag may HIV (Hair is Vanishing) ka na.
Sabi dun sa amin sa Timbuktu, pag daw ang bata ay sipunin at mutain, panigurado ang tatay daw ay supotchupoy.
Me kalaro kasi ako noon na sipunin. Pareho sila ng kapatid nya na laging di nawawalan ng sipon at muta. Parang walang nag-aalaga. Pag nakita mo yung nanay, mutain at sipunin din. Kaya naman pala. Pero maiging ang usap-usapan na supotchupoy din nga daw ang daddy-yo nila.
Kasi nga dahil probinsya at magkakakilala lahat, sempre alam ng mga bata kung sino sa mga kaedad nila ang di pa nagpapatuli. At tipikal pa noon ang tuli sa albularyo na pangunguyain ka muna ng dahon ng bayabas sabay talon sa sapa.
Kaya alam na alam ng lahat ang di pa nagpapa-iskedyul. Kaya kapag nag-aasaran, talo ang supotchupoy. Dahil ika nga, magiging sipunin at mutain ang mga inakay nito.
Naiisip ko tuloy kung ang tatay ko ganun. Lagi kasi akong me sipon. Pero hinde, i’m syur binyagan na ang erpats ko.
Tinanong ko na kasi ang nanay ko.
This entry was posted on Friday, March 20th, 2009 at 1:17 am and is filed under KWENTONG KOPONGKOPONG, ONLI IN DA PILIPINS, PROMDI. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























kikilabotz March 20th, 2009 at 3:02 am
ahahaha. baka nga sipot ka master buraot. wahaha.
nagtataka nga ako ang init init uso ang sipon.
kikilabotz´s last blog post..bawal na mgvideoke??