Buladasphere Updates: Lipat Bahay Atbp.

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

moving?

Bago ka magreklamo kung bakit puro Pitkyur Piktyur lang ang mga nakikita mo dito, wag ka na umalma….

Napansin ko kasi sa pag-iikot ko (kahit di ako nagko-comment) ay medyo marami rami ang mga nagkakasakit na kagaya ko. Marami rin ang mga naglilipat ng lugar na kagaya ko. May mga busy sa bagiog mga ekeks na gaya ko rin at may mga umuwi na ng Pinas na kahit di kagaya ko ay gustong-gusto ko namang gayahin.

1. Hindi Uma-absent si Sir.

Kahit na ata inooperahan pa, hindi mo mapapa-absent si Sir. Si Propesor Pajay. Kasi naman, nasa ospital na at lahat, nagba blog pa. Tindi mo. Heheheh. At dahil bihira naman akong mag-ikot lately ng blog, nagulat lang ako ng konti sa mga posts nya na ooperahan na lang eh nagba blog pa. Wahahahah!

Kagaya ko, medyo inis na rin sya sa syamnapu’t syam na mga doktor na kung anu-ano lang naman ata ang pinag-gagagawa. Pagaling kaw at ingat ka dyan sa mga doktor dyan sa Saudi. At saka, ok lang umabsent kapag me sakit.

2. Santacruzan sa New Orleans.

Naunsyami ang paglipat ng lola sa Windy City. Ang siste pala ay pinahanginan lang sya ng mga kalahi ni Rod Navarro dun at wala syang nahita kundi sama ng loob. Balita ko pa naman eh may naaamoy na atik si Reynz dito sa Pacific Northwest, may kasosyalan sana ako dito. Kaso wala akong kamalay-malay na ang hitad, wala na sa Philly. Napadpad pala ang bruha sa below sea level na lugar.

Kunsabagay, mapapraktis nya dun ang kanyang Lingua Francois. At sempre, me dadaloy na naman sa kaban ng Banco de Reyna. At sempre, babaha na naman ang boylets. Congrats Reynz!

3. Ibalik Ibalik ! (Ang tambalang Guy en Pip).

Nagbabalik po mula sa kung saan ang aming tropang si Bluepanjeet. Naging busy yata lately ang ating trops kaya di natin maispatan. Kala ko tol, nag-asawa ka na. Heheheh. Fully operational na po ngayon ang kanyang site na pang binat na binat na Bachelor Pod. At asahan nating susunod pa ang lima pa sa anim nyang mga sites na pasok sa kanyang Pentablogs.

4. Balikbayan Naman si Juan.

Hindi si Juan kundi si Kotseng Kuba. Matapos ang kanyang pagmimina ng tutpik sa hopia wonderland, ang ating paboritong sasakyan ay umarangkada na pauwi. Katulad ng pangarap ng maraming OFW, sana KK ay marami ka nang hopia salapi pauwi. Nakanaks, kainggit!

Anyhoo, dahil balikbayan po si Juan, at kahit sempre papetik-petik muna sya sa habang nagbibilang ng hopia, me raket pa rin sya. Yung me mga gusto magpaayos ng websayts dyan, hayan ipa-ayos mo lang sa kanya sa murang halaga. Para sa inyong kaalaman mga madlang pipol, si Kotseng Kuba/Dmitry and dahilan kung bakit maraming mga websayts at blogs ang patuloy na namamayagpag sa ere. Sya ang takbuhan ng mga Pinoy na webmaster para kumpunihin ang kani-kanilang sites. Mula sa simpleng repair at pati mga pangontra sa mga mambabarang hackers, sya. Kaya naman para makasiguro kang oks na oks at safe ang site mo, i-konsulta mo na sa kanya, mura lang. Sabihin mo ipinadala ka dun ni Buraot para me libre kang plastic balloon.

5. Limpak Limpak na Salapi (at Entrecard Credits)

Ayaw mo ba ng kwarta? Me entrecard ba ang site mo? Kung oo o hindi, basta. Bahala ka na. Ang kababayan kasi nating si Pinayjade ay may malaking bertdey pakontest. Sayang ang premyo no. Matindi rin ang kontest na ito dahil bukod sa $100 na ipinamimigay, namimigay din si pinayjade ng 200,000 entrecard credits at mga libreng mga blog reviews at ads. At dahil mainit na mainit ito, di rin ito magtatagal ng husto kaya pasyalan mo na DITO. Mahigit isang buwan lang ang kontest dahil Sa April 30, 2009 ang ending. At sempre ang pinaka-matindi dito, sponsor ako. Wahahhaha!

Ang Anak ni Kulapo ay sponsor sa halagang $20 at ang isa ko pang site na I Am Buraot ay sponsor naman ng 10,000 entrecard credits.

Sya, magde-design pa ako ng t-shirts ni Kulapo.

Tags: ,

This entry was posted on Thursday, March 26th, 2009 at 12:15 am and is filed under amerkanong hilaw, buladasphere, linkback pugak, lintekard, pinoy pride, sakitchupoy. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

13 Responses to “Buladasphere Updates: Lipat Bahay Atbp.”

kotsengkuba March 26th, 2009 at 12:22 am

aha! speaking of t-shirts. pag nagbukas ang tindahan ni aling nena, available dun ang aking mga very own designer shirts. hahaha

nagpaparegister pa ko sa sec at dti chuchu kaya di ko pa mabuksan-buksan e. hehehe, raket to the maximum levels na ito ;-)

kotsengkuba´s last blog post..My mice weren’t getting any pregnant

BURAOT March 26th, 2009 at 3:00 am

nye, sa yo pala yun? yun pala naman. kaw ba gagawa ng mga t-shirts mo? trip ko kasi magpagawa ng t-shirts ni kulapo eh…

reyna elena March 26th, 2009 at 4:04 am

Oo, andito ako sa salbabida city, kung saan anliga-ligaya ko dahil sa mga nakita ko nong mardi gras dine, at indi totoo ang cheezmaks nang mga impakto kong kebigan sa philly na kaya ako lumayas don eh dahil me mga tinatakbuhan akong utang.

at least, haller, malapit na ako seyo. hehehe… malapit na…. hahahah

reyna elena´s last blog post..Falling leaves

reyapot March 26th, 2009 at 4:32 am

ang saya nyo naman bro… dito lang ba kyu nagkadevelopan, hehehe.. i mean ang friendship? or magkababayan kayo? magkakalaro sa jolens? or kalog tansan?

inggit ako a frenship nyo ha… :-)

reyapot´s last blog post..Pooch on Dress

BURAOT March 27th, 2009 at 12:23 am

hay naku reynz… malayo pa din. super.

reyapots, di naman. dito lang sa buladasphere nagkakila kilala.

bluep March 27th, 2009 at 5:04 am

matagal tagal din ako di nakadalaw dito gawa sa aking mga pinagkaka abalahan. actually suplado ako ngayon pare. di ako nadalaw sa mga blog ngayon unless may back link hahaha

joke lang busy lang talaga.

anak ng pating karera kami ni KK sa racket haha. at may tindahan na pala sya haha. Ako naman within sa blog lang. Pag kailanagn mo ng mga toys, comic books, psp etc, sa akong tiger shop ka na bumili ha. Haha

Buti natangal na yung malicious code sa footer mo. Preho tayo ng music sa blog.

Ode To The Master Rapper!

Babalik ako pag tapos na lahat ng aking mga ka-ekekan. kailanagn kumita haha

bluep´s last blog post..Not so much of a hero: The Bayani Agbayani Scandal

BURAOT March 27th, 2009 at 6:09 pm

honga tol. kelangan ko na din nga humanap ng extrang raket. la pa k bago work eh. nung maospital kasi ako, diniretso na nila ang bakasyon ko. mga hayuff. hehehhehe.

reyapot March 27th, 2009 at 11:46 pm

ah.. ayos noh.. ang nagagawa talaga ng technology anu.. at ng blogging! hehehe.. kaya nga di ko lubos maisip bakit indi nag wo-work ang long distance relationship.. eh kita mo nga kayu, alam nyo ang “where abouts” at trip ng bawat isa :-) hehehe… (may bitterness ba kayung na sense?)

patay-malisya,
reyapot

reyapot´s last blog post..Shocking Video of Poochie and Bunnessa!

Basti March 29th, 2009 at 1:02 am

ang astig ng mga friendship ng kulapo ah. :P Makasali nga sa pakontest na yan. Visit ko dint friends mo mukhang interesante sila. Mxado kasi ako nakakulong sa maliit na region ng buladusphere kailangan pa magikot ikot sa ibang kuta.

Basti´s last blog post..Health Benefits Of Wine

kotsengkuba March 31st, 2009 at 9:52 am

oo, partner in crime ko si kuya (at si ate sa ibang paninda ni aling nena). bigay ka ng design at raratratin namin. hehehe

kotsengkuba´s last blog post..Litratong Pinoy 0909 » Sapatos

BURAOT March 31st, 2009 at 10:22 am

@reyapots: kahit pa hayteks na, mahirap pa din. kasi pag nagkatampuhan, di na magkalambingan afterwards… hay.. ewan kow..
@basti: honga, tol, sali lang ng sali sakontest, o kaya mag sponsor… pampadami.
@kk: oks tol, nagde design pa ko.. pag oks na, tanong ko sayo kunbg pede nyong tirahin..

Jade April 2nd, 2009 at 7:04 am

@ sa lahat – Oo nga mga prens sali na kayo sa contest ko…ayaw nyo ba ng kwarta? Syempre masaya kung kababayan ang mananalo ng pinaka malaking pa premyo di ba? ;)

@ Buraot – O pano bakasyun muna ako sa Palawan…Buraot maraming slamat uli pag sponsor ha. Sa uulitin….tinuluyan ka ng bakasyun…grabe! Gudlak ha, ano ba yang raket na yan baka pwede sumali? Gusto ko rin t-shirt ehhh

Jade´s last blog post..Travel Plans and Wishes

BURAOT April 2nd, 2009 at 11:57 pm

jade, cge bakasyon ka muna. ako napapagod sa kontest mo eh. weheheheh. let me know kung pano ko papadala at kanino yung mga sponsors ko..

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes