Side A Forevermore

March 27th, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

side aNoong nasa kolehiyo pa ako, minsan inaabot ako kung saan saan. Sempre palibhasa natural akong palaboy laboy sa kung saan saan, basta me inuman, basta me gimikan, maaasahan. Kahit sa dulo ng walang hanggan Pangasinan, kayang-kaya kong marating.

Kaso, katulad ng karamihang mga kelots, wala akong hilig magbitbit ng maraming gamit. Yun bang kahit bumabagyo na’t lahat eh ayaw pa rin magbitbit ng payong.  Dehins cool teng. Kung ano yung suot, yun na yun. Strike anywhere, dude. Duuuude!

Minsan pag me plano, me dalang knapsack at me lamang kung anu-anong agimat. Kadalasan isang set lang ang pamalit. Pag wala namang plano, wala kahit anong bitbit, maliban sa baon. Kung walang damit na pamalit, bahala na si Batman.

Kaya hindi miminsang kinakailangan kong maglipat ng aking underwear from Side A to Side B. Minsan naman, habang naliligo, lalabhan ko na sya at isasampay salikod ng ref habang nakamaong ako ng walang brief. Presko naman sya kaso madalas naiipit. Trip ko pa naman kasi ang magsuot ng button-fly na mga 501. Kaya minsan di maiwasang sumisilip si Manoy at ang belebeho ng di sinasadya.

Noon yun. Ngayon sempre, hayteks na. Kung talagang wala kang time mag-impake, me mga nabibiling mga disposable underwear. Meron ngang edible eh. Kung bakit meron ding edible, ewan ko. Di ko alam yun, pramis.

Eto ang mas hayteks kase mga astronauts sa Japan ang naka-imbento, mga stink-free underwear. Hanef!

Kahit wala ng labahan at wala na ring palitan. Kahit na pagpawisan ka pa, di pa rin nagkaka-amoy. Stink-free nga eh.At kahit ilang lipat mo from Side A to Side B, walang problema. Kahit pa forever kang Side A. Oo, kahit ilang buwan.

Kaya lang, di ka kaya manlagkit nun? Yuks.

  1. cindyrella says:

    wow naman pati ba naman yan haytek na din! pero iba pa din yung nagpapalit ka ng undies ano! sa aming mga gurls di ata pwede yan!! ahaha!!

  2. kiikay says:

    haha naku naman pati ang mga brief haytek na

    peroo uunga no way high way nuh

    d ko din kaya ang d magpalit yucky hehe

  3. BURAOT says:

    @cindy: dati pede, ngayon di ko na kaya. heheheh.
    @kiikay: heheh. eh pano kung emergency, napunta ka sa island? wehehehehe.

  4. Badong says:

    Edible at stink-free na underwear?? haha. sino naman kaya ang inspirasyon ng naka-imbento non? haha

  5. jeremiah says:

    haha..pareho pala tayo ng emergency-patuyuan ng undies dati..sa ref (works din with shoes.):D

    jeremiah´s last blog post..isang tula..

  6. reyapot says:

    parang kadiri naman yun bro… panu pa kaya pag naisip nila na stink free tapos edible whehehehe….

    reyapot´s last blog post..Shocking Video of Poochie and Bunnessa!

  7. itot says:

    side a to side b then rewind style non araw.ahehe

    itot´s last blog post..Kelly Clarkson On Oprah Video 3/20/09

  8. ronturon says:

    pareng buraot…

    musta na ba ang buhay buhay???

    wala lang naman.. just paying you a visit para naman wala talagang kalimutan.. hitsbeen a while na rin kasi.. hehe…

    hakalain mo ba naman kasing wala akong net connection sa bahay ngayon??? hahahah…

    cge cge.. hanggang sa muli parekoy…

    ronturon´s last blog post..On being kuntento…

  9. pinkoy says:

    Ey buraot! musta? Ok itong post mo parang di ko ma-imagine isang underwear lang ang gagamitin mo ng ilang taon? hehe…

    Nga pala, tag na naman kita. pero ito pramis maganda…handwriting tag. medyo nahirapan nga ako dito dahil ampangit ng sulat ko e haha!!!

    pinkoy´s last blog post..Tagged and tortured by my handwriting

  10. pinkoy says:

    eto pala yung link anubayan mali mali na ako! http://pin-k-oy.blogspot.com/2009/03/tagged-and-tortured-by-my-handwriting.html or go directly sa blog ko…

    pinkoy´s last blog post..Tagged and tortured by my handwriting

  11. BURAOT says:

    @badong: yung edible meron nun sa mga sex shops. heheh. yung stink-free pang astronout.
    @reyapot: yun ang mahirap kung stink-free at edible. hehhe. yuk pa rin.
    @pareng ron turon: kita mo ba yung permalink mo dun sa footer? hehehhe.
    @pinkoy: yari ako jan. di na ako marunong magsulat. puro type na lang ako eh. kelangan ko muna magpraktis para di kahiya hiya sulat ko. hehehehe.

  12. Basti says:

    dumaan din ako sa palaboy stage na yan dati pero bata pa ako nun, hayskul, pero sa awa ng dyos dahil sa ang lamang ng knapsack ko ay puro damit at walang libro o anupaman ay di ko pa nararananasang mag side A-B, pero naranasan ko na magliwaliw ng nkaboxers lang. lol.

  13. utakmunggo says:

    oo nga, walang amoy. pero kapag hinagis mo sa pader yung anderwer gagapang pataas dahil sa dami ng uod.

    yakee.

  14. BURAOT says:

    @basti: heheheh. actually madalas nun, tinatapon ko na lang. tpos wala underwear..
    @utakmunggo: yukkieee…. wahahahah! kala ko tatayo na mag-isa kasi puro tutong na sa tigas.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes