Matapos ang humigit kumulang, andito na naman ako sa sunny California.
Buhat kasi nung mapadpad ako sa kabilang ibayo, dun sa lugar nina Stephanie Meyer, hindi na ako nasisikatan ng araw. At bukod sa laging maulap sa Pacific Northwest, kahit sumilip ang araw, parang taob ang init nya sa lamig ng mga nakatambak na niyebe.
A few days ago, nabalitaan kong naospital ang Mother Ship. Kaya naman bilis-bilis akong nagpaalam sa trabaho para makapag weekend dito sa Los Angeles. Pero bago pa lumanding ang aking sinasakyang spaceship ay nai-text na sa kin ng Spock na ok na si Madir.
Kaya at least hindi na ospital ang setting ng aming kitakits. Depressing kaya yun?
As usual, take-off at landing, sumakit na naman ang mga tenga ko sa tindi ng air pressure. Kahit kelan ata di na ko masasanay. Tuwing bibiyahe ako ng space ship, para akong lugain. Bukod pa sa tinding sakit ng ulo na parang me gumuguhit sa noo kahit wala ka namang iniinom na lambanog.
Ilang oras din ang byahe.
Kainis pa, dahil last-minute, ampangit ng seat number ko. Tatlo kaming magkakatabi na hindi magkakakilala. At ako ang nasa gitna. Kung hindi sana puno ang eroplano, pwede lumipat. Dun sana sa tabi ng flight stewardess. Kaso uber puno. Kaya no choice ako kundi magtulug-tulugan para di kami magka ilangan nung mga anak araw na katabi ko.
Yung katabi kong blonde oks kasi sleeping byuti ang drama. Naalimpungatan lang nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya. Yung laway nya kasing tumutulo, akala ko blonde din.
At last, after forty five years 3 1/2 hours, Burbank na. At eto ang sign na bumulaga sa akin sa Burbank Airport kanina…
Bawal mag-joke!


naka! wa biro ever! as in, minsan kating kati ako sa immigration dahil minsan nakakalukring yong mga bagong immigrants, na-a-alala ko ever nung bagong dating ang lola mo nun here hahaha litsi, as in provincial epek ek ek, kala mo bagong daong ang spaceship ever, as in seriousness ang homeland sikyo ever
naiisip ko nga din pag nasa airport ako gusto ko sumigaw ng bomba bomba!! kaya lang you know naman yung cnsequences di ba? nakaka turn off naman yung blondie, tulo laway pala.. ^__^
Cindyrella´s last blog post..365 days
may kilala akong nahuli dahil sa pagdyojoke sa airport, buti nalang di sa spaceship, nakanaman! baka mag freak out and mga puti.. 9/11 ang drama
buti naman magaling na si mother ship. sa tagal ko bumabiyahe minsan ko lang naexperience yang sumakit ang tenga nung pababa na yung spaceship namin ng brunei. sa sobrang sakit nga gusto kong pabalikin ng pinas yung space ship hehe
madbong´s last blog post..Si FVR
perstaym ko ata nalaman na may ganyan.. haha
jeremiah´s last blog post..my lola en me
ebeR as iN No jowkEs NAkHU naMan d matANggaP bEAutY Ko DYaN mUKHA kO pa Lang Jowkes na hahaha…
uunga bkiT kaya GHanUn Kahit Lagi na akOng bumA bYAHe sakaY ng spaceship ( like dat buraot hehe )
sakit parin tenga ko as in parang ung (atuli mahuhulog nah) d u maintindihan hanap kau translator hehe….
^_^
ayoko dyan bawal mag-jokes! ^_^
Snow´s last blog post..Just Married: Bruce Willis and Emma Heming
oy, naupdate mo na ga privacy policy mo?
itot´s last blog post..Video: CBS 60 Minutes Virus | April Fool’s Day Conficker Attack
@reynz: actually tol, mas oks dito sa burbank erport kesa sa LAX. mas konti tao. masmabilis. maliit nga lang.
@cindy: honga, parang sa loob ng sinehan, sisigaw ka ng sunog! hehhe. da gud ol days… puro bawal na.
@basti: honga, super seryoso na ngayon after 9/11
@madbong: ako din kahit kelan di na masasanay, kahit pa me bubble gum na nginunguya, sakit pa din.
@kiikya: yun ksing air pressure, skit tlga asa tenga..
@snow: honga, masyado seryus…
@itot: anong privacy policy? kelangan ba yun?
ang ganda muh