Ikaskas Mo Sa Pader

April 6th, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Boy Bastos, Iskul Bukol 6 Responses

kaskas sa paderMalayo pa Pasko. At ibang jingle ang ibig kong sabihin.

Kahit pa kaming mga kelots, in case of emergency, tatalikod lang, pwedeng pwede na rin kahit saang pader. Kaya nga yata nabuo ang kasabihan ni Kopong Kopong na “Ikaskas mo sa pader!”

Pero sempre, pag emergency lang yun. Kasi sa totoo lang, kaming mga lalaki, o baka ako lang, kapag jumijingel sa loob ng public bathroom at maraming nakatingin, hindi maihe. Ewan ko ba naman kung sino ang naka-isip ng ganitong design sa mga banyo ng lalaki.

Nakakatuwa nga pero sempre nakakailang din. Kaya naman nahihirapan akong umihi minsan. Mabuti na lang babae yung mga nasa piktyur. Hindi ako sexist ha. Lalaki lang po ako. Imaginin mo naman kung mga lalaki din ang nasa piktyur, e di lalo kang nailang.

Nung nasa kolehiyo pa ako, (oo umabot din naman ako ng college) me joke ang mga seminaristang kaklase ko. Minsang jumingel kami sa banyo, nai-kwento ni Fr. Bobbit (sempre di na naman tunay na pangalan) yun daw mga Franciscans masyado malilinis sa katawan. Bago daw jumingel, it is a must na naghuhugas sila ng kamay at di daw katulad ng iba. Na para bang nangungutya sa iba.

Yun daw ang turo sa kanila ng mga Franciscan friars. Sempre pang-asar lang nila yun dun sa mga under ibang order.

Banat naman ni Fr. Bobbit na kaklase ko, “Ows? Talaga lang ha?” “Kami kasi ang turo sa amin ng mga Dominicans, maghugas ng kamay bago jumingel.” Sabay lahat kami nagtawanan na ala-Romy Diaz. Mwahahahah!

Na-gets mo ba? Kung hindi, sorry ka. Itanong mo sa mga seminarista. Weheheheh!

  1. madbong says:

    di ko na gets hehe. baka ibig mong sabihin yung franciscan naghuhugas tapos jumingel tas yung dominican yung hugas bago jumingel?

    madbong´s last blog post..Pinay Scandal: Hubad

  2. BURAOT says:

    yep… hehehe. big sabihin yung naghuhugas ng kamay bago jumingel, mas malinis sa katawan kasi ayaw madumihan yung batoytoy. hheheheh.

  3. bioniclugaw says:

    medyo slow ako dun ah. hehe. eh bakit jinggel ang tawag sa pag-ihi ng lalake?aplikabol ba yun sa babae? parang hindi yata.hehe

    bioniclugaw´s last blog post..Expensive Day [Mahal Na Araw]

  4. BURAOT says:

    nyehhehe. ewan ko ba bat jingel tawag. hayaan mo ire research ko… hehehe.

  5. reyna elena says:

    bakla mga dominicans?! waaaa!!! waaaa!!!! dun ba nagsimula ang pagiging reyna elena ko?! eh galing ako aquinas eh! waaaaaaaa!!!!

    reyna elena´s last blog post..What’s to intellectualize? Simple question demand simple answer not so many alibis!

  6. BURAOT says:

    nyahahhaha. aquinas ka pala. wehehehe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes