ImBiyernes Santo

April 10th, 2009 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy 6 Responses

oucchhhhAmbilis ng panahon. Naaalala ko kakapost ko lang ng mga tungkol sa punitensya noong nakaraang mahal na araw. Ngayon Biyernes Santo na naman..

Sigurado akong marami ang out of town ngayon kaya bihira ang naka online. Maliban na lang sa ilang mga adik sa internet at pagba blog. Isama mo pa ang mga walang sawa sa tweet tweet at plurk plurk. Ako andito pa rin sa trabaho, sempre nagtratrabaho.

Buti na lang nakakabit na sa balat ko itong laptop ko kaya pag nababato ako sa work, nag-o-online ako.

Buti pa ang mothership, kahit kakalabas lang ng ospital, nasa Philippine islands na at malamang humihigop ng mango juice under the mango tree. Siguradong fiesta na naman lahat ng mga kamag-anakan namin dun. Ganun kasi pag umuwi si madir, kahit hindi mo i-announce, naaamoy ng bayan. Kaya kulang ang limang sakong bigas araw araw sa dami ng mga bwisitors.

At sa dami naming magkakapatid, sempre lahat ng mga apo at apo sa tuhod nun, andun para magmano. Sempre alangan namang magmamano lang. Ano poor?

Naiimagine ko ang saya dun sa amin sa Timbuktu kapag ganitong sumasapit ang mahal na araw. Pag ganitong panahon kasi, mas marami ang nagbabakasyon. Siguradong nanlalaki na naman ang mga mata ng mga tambay dun kakatingin sa mga seksing taga-Manela. At para na namang langgam sa dami ng tao sa mga beaches of Normandy.

Ako heto, mukhang byernes santo din. Kasi yung binili kong tig wa-one thousand syete mil na celfone, isang araw lang dead na agad. Saka ko na lang ikukwento, byernes santo ngayon eh, bawal ang hayteks.

Susubukan ko na lang muna testingin yung anting anting na nabili ko sa Quiapo.

  1. cindyrella says:

    holy week means vacation pero ibang usapan kung bahay niyo na nagpupuntahan ang mga bwisita kamo? lalo na kung ilang sako nga uli ng bigas ang nauubos?

  2. BURAOT says:

    lima. hehehehe. dami.

  3. Reesie says:

    haha..nakarelate ako.. pag umuuwi ang ate ko or ako..eh ang dami nang nakaabang.. kahit surprise.. nyahaha..

    Reesie´s last blog post..Social Climbing in Vegas with Reyna Elena

  4. BURAOT says:

    honga. ako pag umuuwi, kahit isikreto ko, nabibisto. weheheheh.

  5. Snow says:

    Naku sa Pinas naman kahit isikreto mo ang paguwi mo malalaman ng buong barangay!

    Snow´s last blog post..Aguila Beach Resort: A Review

  6. BURAOT says:

    honga. palagi. hehehheeh.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes