Lahing Bonifacio, Atapang A Tao
Ang lahing Pinoy atapang a tao. Lahi ata ito ni Bonifacio.
“Ako atapang a tao. A puto a daliri, hindi atakbo. Aputol a kamay, hindi pa rin atakbo. Aputol a *&&% atakbo atulin!”
Bata pa ako narinig ko na ang mga salitang yan. Kopong kopong pa, andun pa ako sa Timbuktu, pang-asar na yan. Ewan ko kung saan yan patungkol, tinginin ko, dun sa mga nagtatapang-tapangan. Kumbaga sa aso, yun daw kahol ng kahol, walang binatbat. At yun daw asong tahimik, dun ka mag-ingat.
Katulad na lang nitong mga sundalo ba ito o pulis na pasugod sa mga umano ay nagkukudeta. Baka daw kasi sila tamaan ng ligaw na laway kaya nagsisiksikan sila. Kundi ba naman, kinuyog na nga nila ang kalaban, parang sila pa ang takot na takot na mayari ng kalaban na wala namang armas kundi sumpit.

Sugod, err, tago mga kapatid!
Pero sa larangan ng blogging, mahirap makita ang kaibhan. Kasi kahit na anong gawin mo, di ka pedeng manahimik. Sempre nagbla-blog ka eh. Kung tahimik ka at di ka nagsasalita, or to be exact, di ka nagsusulat, wala ka dito sa mundo ng buladasphere.
Naalala ko tuloy dun sa amin sa Timbuktu. Isang araw, bigla na lang akong me narinig na me nag-aamok daw sa labas. Nakita ko si Alvin (sempre hindi totoong pangalan) kainuman ako dati, me hawak hawak na gulok (itak) na kasinghaba ng samurai at nanghahabol ng taga. Tatlo ang kalaban nya.
Sempre, natural akong uzi, andun ako sa tabing daan, nakaupo at nagyoyosi pa ako na parang nanonod ng death match. Sempre di naman ako papatamaan ni Alvin, close kaya kami? Yun eh kung nakikilala pa nya ko. Sa hitsura kasi nya, mukhang ulol at pulang pula ang mata na parang bilasang tilapia.
Habang tinataga nya yung tatlo na super gagaling umilag, natatawa lang ako. Sabi ko, tingnan mo tong inayupak na to, naninindak lang naman ata kasi wala namang tinatamaan eh. Para lang tuloy silang nagsu-shooting at ako nakaupo sa director’s chair. Di nga lang ako makasigaw ng “cut!” Kasi baka ibang cut ang gawin ng mga mokong.
Yung tatlong mokong, wala magawa kundi batuhin si Alvin ng mga malalaking bato. At kahit pa me balisong yung dalawa sa kanila, di sila makalapit kasi baka tamaan sila nung gulok na super kintab sa talas at parang sibat sa haba.
Me sumigaw.. “Tumawag kayo ng pulis! Bilis!” Lumabas naman yung pulis na kapitbahay lang namin at naki-usyoso lang. Me nagtanong sa kanya.. “Mamang pulis, wala ba kayong gagawin? Di nyo man lang ba aawatin?” Sagot ni mamang pulis… “Hayaan nyo yang mga pakyut na yan, para mabawasan ang mga siraulo dito..”
Dahil hindi naman nagkakatamaan ang mga hinayupak, nagtimpla muna ako ng kape, para masarap ang panonood ko dun sa harap ng bahay namin.
Matapos ang mga 45 years minutes na pananaga sa hangin, at puro padaplis na saksak ng mga balisong, napagod din ang mga kumag. Nag-uwian na nagmumurahan na kala mo mo di pa tapos ang laban.
Para tuloy yung mga kakulitan ngayon ng BB Gandangreyna, puro paninindak lang ang alam, wala namang mga binatbat.
This entry was posted on Monday, April 13th, 2009 at 10:23 pm and is filed under ALAMATS, BULADASPHERE, KWENTONG KOPONGKOPONG, ONLI IN DA PILIPINS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























kheed April 14th, 2009 at 6:33 am
kamusta naman yung away na yun? nakapag kape ka na pero wala pa ding nakakatama? nakapiring ba ng panyo yung mantataga? c”,)