Utot Mo Blue
Isang linggo din akong walang pautot. Bukod kasi sa tinatamad akog magsulat mag-type, niyari na naman ako nitong sakit ko.
Sakit na dahil di naman malaman kung anong pangalan ay tatawagin ko na lang syang Blue. Bakit blue? Wala lang, para na kasi akong blue baby nito.
At saka oo, ang utot ko, blue.
Nung nag-aaral pa ko, pang-asar na namin yan. “Utot mo blue!” Ewan ko naman kung bakit. Basta ganun. Parang ibig sabihin nun “pakyu!” Sempre pag babae, pink. Para appropriate. Kaya naman, “utot mo pink!” At dun sa iskul namin dahil “Animo Animo Red and Blue!” ang sigaw ng mga cheerleaders, pwede na rin yung “utot mo, utot mo, red and blue”.
Hirap talaga ng tumatanda, masyado nagiging sakitin. Mag-iba lang ang temperature ng halos 10 degrees, bagsak na naman ang baga ko. Isang pirma na lang ata ni Palito, malalaglag na. Adik na adik na ako sa mga gamot. Immune na immune na din ata kasi kahit laklakin ko sya ng straight on the rocks, parang di na umeepek. Kapag humihinga tuloy ako, para akong humaharok ng gising sa tindi ng wheezing ko.
Bukas, pasyal pasyal na naman ako ke dok na walang ibang alam kundi resetahan ako ng sandamakmak na gamot na di rin naman epektib. Sigurado, pagdating ko don, ilang minuto din kaming magmumuni-muni kung ano ba talaga ang sakit ko. Magtititigan na naman kami habang sinasalpakan ang bibig ko ng nebulizer na para lang naman akong pinapausukang manok.
At pagkatapos ay bibigyan na naman ako ng bagong gamot na wala namang sinabi sa pito-pito at dahon ng lagundi. Nung huling pasyal ko sabi ko baka naman may AIDS na ako “Hay buraot lahat ng test ginawa na sa yo, ultimo mga sakit na weird, wa din,” sabi nya. Pero HIV daw meron matagal na. Hair Is Vanishing.
Ang malinaw daw is that there’s something going on pero kung anu yun, ewan. Haytek na haytek na, pero wala din naman. Buti pa ata si Madam Auring alam ang sakit ko, etong mga doktor ko, hindi.
Utot mo blue!
This entry was posted on Wednesday, April 22nd, 2009 at 4:09 am and is filed under KABILANG IBAYO, ONLI IN DA PILIPINS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























BURAOT April 22nd, 2009 at 8:16 am
uy, iskulmate pala tayo? arriba!