Bonjour Mang Kepweng
Di na naman ako makahinga. Di na kinaya ng powers ko kaya no choice ako kundi pumasyal na naman ke Mang Kepweng.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa clinic, diretso kami sa regular naming ritwal. Diretso ako sa kiluhan para timbangin.
Napangiti na lang ang nars nung makita nya na nadagdagan na pala ako ng limang kilong libag.
Pagkatapos naman nilang mahilo sa blood pressure ko na wan thousand syete mil over payb hundred kahit walang lagnat, idiniretso na agad ako sa operating room. Joke lang. Pinahiga kasi ako sa isang maliit na kama na parang pang operating room.
Me pumasok na ibang nars, “Bonjour!” Aba at lingua francois. “Bonjour din!” Dumadaldal pa ang bruha ng itanong ko, “Why are we conversing in French?”
“Oh, I thought you requested for a French interpreter?” sagot nya. Sabi ko, “No I did not. But I would like a French nurse!”
Natawa na lang ang hitad at nag-apologize, sabay balik sa kung saan sya nanggaling.
Sabay pasok si Mang Kepweng at as usual, kamustahan with your love ones sa Pinas sa mga buhay buhay. Kung me nabago sa mga lifestyle, kung me bago daw ba akong kakaibang nararamdaman. Chek ap chek ap, lapirot lapirot, hinga malalim, inhale exhale, da doo doo doo, da daa daa da.
At nakumpirma namin, nawawala na nga ang baga ko. Kaya ipina blotter na namin.
At as usual na naman, pinagbintangan na naman ang mga walang kamalay malay na syang me kasalanan sa sinapit ko. Si whooping cough, bronchitis, pneumonia, laryngitis, flu, TB, asthma, tetanus, arthritis at kung anu ano pa.
Halos lahat inisa isa pero puro overruled. Meron na pala akong turok kontra whooping cough, TB, tetanus, at flu. Wala rin naman daw akong virus. Ang malinaw lang daw ay mataas ang aking white blood cells, indication na may nilalabanan ang aking mala-adonis na body. Yun nga lang, di nila malaman laman kung ano.
At ngayon, asthma naman ang napagdiskitahan. Baka daw asthma lang. Kaya dinagdagan ng husto ang supply ng aking mga sinisinghot. At dahil parang armalite kung umatake yung ubo ko, binigyan din ako ng gamot na pamilyar sa akin. Katunog kasi nito yung mga cough syrup na madalas na nilalaklak nung mga adik sa amin sa Timbuktu.
Kaya ako ngayon, parang adik. Singhot ng singhot ng kung anu ano at puro laklak ng cough syrup. Grabe, pakiramdam ko tuloy sabog na sabog ako. Lakas tama. Hebigat ng mga talukap ng mga mata ko, parang dalawang kilo ang bigat kasi one kilo each.
Pag umabot ang forty payb years at di pa rin ako gumaling, sa halip na bonjour, au revoir Mang Kepweng na muna. Magpapa-import na lang ako ng pito pito sa Quiapo.
This entry was posted on Saturday, April 25th, 2009 at 4:25 pm and is filed under KABILANG IBAYO, SAKITCHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.























kiikay :D April 26th, 2009 at 5:50 am
awww…wawa naman ikaw..para kang naghithit at buga ngaun ng mga bawal na gamot ay gamot lang pala hehe…
hope mawala na yang sakit mo…ingatz ingats