Pacquiao vs. Hatton: Sama Akong Lima

April 30th, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 10 Responses

chess na lang kayaOkey sa olrayt! Me bugbugan na naman tayong mapapanood. Hindi, hindi yung bugbugan nina Reyna at ng mga Manila Elitist bloggers. Next week na ko eepal dun. Unahin muna natin to dahil baka mapanis na.

May 2 ang laban. Magkaka-alaman na kung sino ba talaga ang  tunay na hikain: Si Pacquiao, si Hatton o ako.

Nasa Las Vegas na lahat ng mga butangero, butangera, usisero, usisera, at mga professional na mamumusta. Parang big time na sabong na naman ang magaganap. Hindi mawawala ang regular at solid na mga taga-suporta ni Manny na nakasakay pa sa love bus.

At sempre pa, hinding hindi mawawala ang mga palito at pulitiko na laging kapit-tuko sa Pambansang Kamao. Papayag ba naman yang mga yan na mawalan ng piktyur piktyur kapag nagkodakan. Sempre para laging me remember.

Kung mamumusta ka rin sa laban na to, aba eh taya na. Narito ang vital statistics ng dalawa.

hatton-vs-pacquiao-tape

Sempre, sama ako ng lima ke Manny. Bukod sempre na you go for your own, lyamadong lyamado ang kababayan ko. Kahit pa natural na butangero itong si Hikaing Hatton, at kahit na mag-amok pa sya, babatukan lang ni Manny yan, laglag na ang baga nyan.

Saka me secret weapon ata itong si Manny, yung suntok na ala Lito Lapid.

  1. kiikay :D says:

    Good Luck kay manny

    sana he will make our country proud again.. :]]

  2. fatherlyours says:

    oo nga, Dun ata mag session ang Congresso. Sana pag balik ng mga damuho, mag crash eroplano. Bad ko ano? hehehe.Anyway,Malamang niyan sa hindi, magkakasuntukan yang mag yan hinda ba?Bakit kaya?

    fatherlyours´s last blog post..Amana Waterpark Philippines-My Story

  3. eMz says:

    british nga kaya ang katapat ni manny? hehehe

  4. joshmarie says:

    gustuhin ko mang matalo si pacman eh di ko magawang ipagpray na ganun. ayoko madepress ang tatay ko.

    joshmarie´s last blog post..ES-AY-EX

  5. madbong says:

    iskulmeyt, manalo o matalo ay panalo si pacman dahil may datung siyang makukuha. sana pagaralan din niya yung rapidong suntok ni FPJ para meron siyang pangalawang sikret weapon :)

    madbong´s last blog post..Diva-licious

  6. BURAOT says:

    @kiikay: sana nga. pero mukhang oks naman, lyamado.
    @fatherlyours: honga, di na lang sila sila ang magsuntukan. dami absent sa kongreso tuloy.
    @emz: we’ll see…
    @joshmarie: weheheheh. baka me pusta pa tatay mo.
    @madbong: iskulmate, honga, dapat ala FPJ.

  7. Reesie says:

    nakakainis talaga yung politiko na pupunta sa states (gamit pa sguro ang pera ng mga tao) para lang magpa-starring sa fight ni pacman. hmpt!

    ayaw ko na kay pacman, nagpapagamit!!! grrrrr.

    Reesie´s last blog post..What They Said About Me…

  8. BURAOT says:

    hehhee. eh tatakbo din kasi si pacman sa susunod na eleksyon eh. kaya nag-gagamitan lang sila din. heheehhe.

  9. Silver says:

    Hindi ako pakakasiguro kay Ricky Hatton. Mukhang may ibubuga ang isang ito.

    Wish ko lang si Chavit Singson, punyemas yun, mawala sana sa tabi ni Mannyyyyy!!!!!

    Silver´s last blog post..X-Men Origins: Wolverine

  10. BURAOT says:

    kung pupwede nga lang sana mag rumbel eh. para yung mga palitong yan ang masuntok.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes