Bugbugin si Hatton!
Bago ko i-post ang ibang mga bagay bagay na pilit na naghihiwa-hiwalay sa ating mga Pinoy katulad ng mga salitang katulad ng patay gutom, tamang friends muna tayong lahat.
Dahil sempre, suspended in animation muna ang ating mga buhay buhay. Wala munang gyera sa Mindanao, wala munang puputulan ng ulo ang mga Abusayap, at wala munang mang-aaway sa mahal na Reyna.
Dahil mamaya na ang laban ng Pambansang Kamao, lahat ng malapit sa Vegas, sakay, ehe, byahe na.Y ung mga walang time, wag kalimutan umorder ng Pay Per View sa HBO. At higit sa lahat, wag kakalimutan ang pusta. Kanino? Wagapak! Alangan namang ke Hatton!
Nung nasa Los Angeles pa ako, palagi kaming umoorder ng Pay Per View. Kahit mahal, ok lang. Kasi yung ate ko naman ang nagbabayad. Heheheh. Madalas, me mga bwisitors pa at sempre dahil me bwisitors nagkakatay kami ng mga makukulit at ipinagbubukas namin sila ng mga bintana.
At dahil noon ay puro mga Mexicano ang kalaban, madalas din andun yung mga Mexicanong mga katrabaho nung isa kong utol. Hindi lang sila sa asar natatalo pagkatapos bugbugin ni Pacman ang kababayan nila. Talo din sila lagi sa pustahan.
At eto nga, malapit na ang laban ni Manny Pacman Pacquiao versus Ricky Hikain Hatton. Kaya ngayon, sama-sama muna nating isigaw kay Pacquiao…
Manny!!! Bugbugin mo yang hikain na yan!
This entry was posted on Saturday, May 2nd, 2009 at 12:15 am and is filed under KABILANG IBAYO, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























BURAOT May 2nd, 2009 at 3:49 am
hehehe. langya kaw, me bagong blog ka na naman.