Mga Hampaslupang Patay Gutom Bloggers
Oo, wala ka na sa bahay ni Kuya. Di na uso ang PBB dahil meron nang PGB. As in Patay Gutom Bloggers.
Anong masakit? Eh sa tooto namang patay gutom kayo di ba? Di bahhh?
You people na uber dayukdok na mga taga-barrio at mga laman ng mga squatter, wala kayong ginawa kundi kuyugin ang mga Blogger events at magpanggap na mga journalists kuno.
Mga wala naman kayong karapatan na magsulat. Natuto lang kayo magpost ng mga lyrics sa prenster, kala nyo mga Carlos Palaca awardee na kayo.
Pati tuloy kaming mga sosing manunulat sa buladasphere, naco-contaminate nyong mga hampaslupang putik. Nadudungisan ang aming super linis na dangal. Nakakahiya. Yukkie. Penge ngang alkohol!
Tuloy even us napapagkamalang mga palamuning patay-gutom at freeloaders like you. The nerves. Napapagkamalan kaming poor. Que barbaridad! Ano na lang ang sasabihin ni Papa, niyuyurakan ko ang super sikat na apelyido nya? What would other people think of me?
Basta me kasalan, binyagan, at lamay, di kayo mawawala para maki-usyoso na parang usiserong mapagpanggap na media. Kainan lang naman ang habol nyo na parang mga pulis patola na 45 years na nababad sa laot. Kulang na lang magpabalot pa kayo ng bogchi pauwi. Yukk. So hampaslupa! Gross!
And even if you make tweak tweak the stats of your blog, you still can’t compare to my 8.4 million views a day ng blog ko. Shuks, betcha by golly wow, I even surpassed the visitors of Huffington. Take that tungak! And even if you make put up your page rank on your cheap lousy sites, my site is still number one. Why? Because I have a page rank of 1. Hindi number two or number three, Number 1. At alam mo naman siguro ibig sabihin ng Number 1, right?
Ikaw na ang sikatchupoy. Maglaway kang hubad sa kulugong ibabaw.
Basta I know, tama ang sinasabi ko. Gradweyt ata ako ng sikat na iscooll. I was a magna cum laude and also a honoris causa. I’m sure my dear di mo alam yun. My thesis is abut the macro-economic effect of the organized tax evasion of poor people like you. Like when you open up businesses like selling sago, isaw and barbeque. You dimwits drain our social system.
I also have a PhD on Astrophysics. Talo ko pa si Astroboy. And don’t wait for me to make fart on your face coz you just couldn’t take it. Utot ko yata, blue.
And I was a professor of a high society iscool. I was am a product of the high society na pinaglalawayan ninyong mga timawa. Kundi ko pa alam, gusto nyo lang maaging member. At nasa royal blood kong dugo ko ang mahabang listahan ng mga ninuno ko na naging mga sikatchupoy ng bayan, mapa-negosyo o pulitika man.
Eh kayo, kahit maging kaladkarin pa kayo sa ibang bansa, mga timawa pa rin kayo. Mga latak ng lipunang Pilipino at walang karapatang makisawsaw sa usapang pambayan. Wag na kayong makisawsaw kasi di nyo naman gets ang nangyayari dito dahil sa wala naman kayo dito at andyan sa ibat ibang sulok ni Mother Earth.
Bat di nyo subukang mag-aral ulit ng English grammar at punctuation nyo? Para sa ganun me matutunan naman kami sa mga blog nyo na puro lang naman mga kabulastugan at kaekekan. Pino-pollute nyo lang ang minds ng mga youth.
Kaya kumpara sa inyong mga na natuto lang mag kampyuter ay naging bloggista na, mas may karapatan kaming di hamak na magsulat tungkol sa bayan ko. Tumahimik na lang kayo at magpadala ng dolyares ninyo. Hayaan nyo kami dito. Mabuti pa, mag concentrate na lang kayo sa pagpupunas ng wetpu ng mga matatanda at pag-e-eskoba ng mga banyo.
At pwede ba, wag mo na pansinin yung isang mala xerex na blagag ko. That was purely satire. Satire. Hindi nakakain yun. Palibhasa you wouldn’t know satire when it hits you in the face.
Ganun talaga kasi mga intelektwal lang ang nakaka-gets nun.
This entry was posted on Monday, May 4th, 2009 at 12:05 am and is filed under BULADASPHERE, ONLI IN DA PILIPINS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























reyna elena May 4th, 2009 at 5:23 am
hehehehe, di ba spring pa lang?! paki-on nga nang air-con! init na init ako! hahaha!
reyna elena´s last blog post..When you start a fight, prepare to be in it for the long haul