Hindi naman sa di ko napapansin at pinapansin ang tag at award na ibinigay ni Pinkoy. Nagkataon lang na me sakitchupoy ang lolo Buraot mo at di ko agad naisalpak at naipangalandakan dito.
Bale dalawa kasing magkasunod na no-look assist ang ginawa sa akin. Eh medyo eng eng ako sa basketbol kaya di ko agad napansin. Ang alam ko kasi sa basketball ay yung sinu-shoot mo muna bago mo idri-dribble.
At bago pa mauwi sa kung saan ang kwento ko, eto na at isasalpak ko na ang sagot sa mga tags.
Ang una ay ang Handwriting Tag. Kailangan ko piktyuran ang aking sulat kamay (kamay kasi hand) at i-post sa site ko. Eto ang madugo kasi 100 years na akong di nagsusulat kasi puro type ang ginagawa ko. At kahit pa parang meron na akong carpal tunnel syndrome, wala pa rin kapraktis pratis ang mga kamay ko sa pagsusulat.

Eto pa ang isa, isang Trophy Award mula pa rin kay Pinkoy. Uy trophy! Dagdag sa mga trophy na nasa ulo ko at mga trophy na isinalpak ni Jordan sa bag ko sa pagiging Champion.

At ang trophy award cum tag na ito ay isine-share ko sa bagong mga champion ng PRE, ang mga Pom Pom Girls na sina Reesie, Silver at Lee.


nyaaah ang cute ng handwriting nya, di nga ako bagay maging pompom gurl ng palasyo wala akong maipakitang kridensyals at mukhang kasama pako sa PGB (Patay, Gutom nako Brad) pokpok gurl daw ang pamagat ko sa palasyo ng RE, ganda ng trophy bibili din ako nyan para my maipost lo lol
lee´s last blog post..Strange & Funny Architectures…
“ang tiyaga mo!
binasa mo pa talaga!”
lol!
Roy´s last blog post..Aside from Manny Pacquiao…
ang cute ng sulatkamay mo..at talagang may drawing pa eh,hihihi
p0kw4ng´s last blog post..tagna mo ka!
~* crying*~
I would like to take this opportunity to thank my sponsors, my hairdresser, my pet Butiti, my make-up artist, my stylist, and of course Buraot for giving me this honor.
~*punas ng sipon*~
Reesie´s last blog post..Kinareer Ko Na!
Reesie!
Langhya, tawa ako ng tawa sa comment mo! hahahha….your pet Butiti…hahahha..hindi ako maka-move on…hahaahh….
Buraot!
Salamat sa iyong honor….kareer na namen nina Lee at Reesie ang pagiging pompom gurls! hahahaha…
Lee!
Akyat ka na tuktok ng pyramid natin…LOL!
Silver´s last blog post..Flu to the Brain
maganda pala ang handwriting mo. pwede bang magpasulat ako ng love letter dyan? i address mo kay—-hehehe, parang high school. saludo ako sa pagerank mo. paano ba maging 10 ano?
Mahalia´s last blog post..Typhoon Emong Hits Chocolateword
wahahahha. kahit absent ako, absent-minded, dami epal. hehhehe. mahalia, gagawin ko nga sanang PR11 kaso masyado obvious. wahahahah!
me nagcomment pa nga dati kumbakit daw ako PR10? nyahahah. sabi ko itanong nya kaw Chip Tsao.