Welkam Palo Mo Mukha Mo

May 15th, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 12 Responses

yan ang hazingKung madalas man ako nagbibigay ng welkam palo dito sa site ko, wag ka masyado matakot.  Baka kasi isipin ng mga naliligaw dito, fratman ako. Hindi po. Mas mataas ang level ko dun. Heheheh.

Anim kaming mga magkakapatid na lalaki. At wala sa lahi namin ang sumasali sa frat. Dati na kasi kaming frat noon sa Timbuktu, Frating Gutom.

At kahit pa halos lahat ng mga pinsan pinsan namin ay mga pulis, wala ni isa man sa amin ang nangarap na maging pulis. Dati na kasi kaming mga mukhang pulis. Police characters.

Nung nag-aaral pa ko, marami ang nagtangka na i-recruit ako, lahat sila umuwing luhaan.  Tulo lahat ang laway nila. Kahit pa takaw bugbog ako, di ako sumali. Maliban na lang sa mga nakilala kong mga amasona na pilit na nagmulat ng mata ko sa kung anu-anong achuchuchu.

Kaya ang kinalabasan ko, sa halip na member ng frat, taga-awat ng  mga pakyut na frat. Para akong si Carlos Padilla Jr. Sikatchupoy na boxing referee. Kung di mo sya kilala, itanong mo muna ke Zsa Zsa.

Kapag me mga fratman na magsusuntukan.. “o sige nga pitikin mo nga tenga oh?” , ako ang taga iskor. Kapag may  magsasaksakan, ako ang gigitna. Kapag me magbabarilan, ako ang haharang. Mabuti na lang walang nagsasaksakan at nagbabarilan. Kung hindi, katulad ng pulis dun sa amin sa Timbuktu, manonood na lang ako. Ano bale?

“Hayaan nyo yang mga pakyut na yan, para mabawasan ang mga siraulo dito..”

Ayoko ng hazing, kontra ako hazing, at dapat lang na tigilan na ang mga kabaliwang ganyan sa mga campus at mga training ng mga lespu. Isang malaking kabalbalan lang yan. At walang welkam palo na nagaganap dito. Term ko lang yun para i-welkam ang mga bwisitors dito sa site ni Kulapo.

Ala ay yun laang naman po.

hazinghotline

Welkam palo mo mukha mo!

  1. Jason says:

    ako din, ayoko ng hazing sa frat. pwede naman pagtibayin ang isang samahan na walang hazing.

    Jason´s last blog post..Fight MyBrute!

  2. pmonchet says:

    oo nga. Mahirap ang mag member ng frat sa panahon ngayun. pero, bakit d welcome Kiss, mukhang mas maganda sa tainga at sa mata.

    pmonchet´s last blog post..Wi-FI testing at The Block,SM North EDSA

  3. itot says:

    hilahan na lang ng patilya.ahehe

    itot´s last blog post..What Is Wrong And What Is Right?

  4. p0kw4ng says:

    ayaw ko din ng frat..di ko maintindihan yung sa hazing chuchu nila at yung away ng isa eh away ng lahat..

    p0kw4ng´s last blog post..Tenks Utoy!

  5. BURAOT says:

    oks yun pmonchet. welkam kiss na lang. wehehehhe.

  6. cindyrella says:

    against din ako sa hazing or watsoever pa yan, kaya naman di ako sumasama sa mga ganyan, pwera na lang nung nag ROTC ako, i can say na it’s a training at di hazing!

    cindyrella´s last blog post..Break up…

  7. Snow says:

    Pareho kami ng p0kw4ng ayoko ng frat. Ayaw ng Mommy ko na masira ang mala-porcelana kong skin sa kakapalo ng paddle! *lol* :)

    Ang kuleet talaga ng mga post mo! ^_^

    Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (05.16.2009)

  8. BURAOT says:

    hay naku cindy at snow, buti na lang. sayang ang byuti nyo at mga malaBelo nyong skin.

  9. pehpot says:

    hehe no comment.. may soro ako e hehe

  10. BURAOT says:

    pehpot: wahahahha! peace!

  11. lee says:

    yung sinalihan kong frat ok lang ang hazing dun bunutan ng buhok sa kili-kili ang sakit pero tiniis ko alang alang sa kapatiran

  12. BURAOT says:

    nyahahha. honga. oks yun. eh buhok sa ilong?

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes