“Just how old do you think you are?!!!”
Sigaw nung katrabaho kong Romanian habang tawa ng tawa. Nakita nya kasi na bukod sa Batman belt ko, may matching cufflink pa akong suot suot. Kulang na lang kapa. At sempre si Robin.
Hinila pa ako ng bruha papunta dun sa mismong boss naming puti at sabay tanong, “How old do you think Buraot is?” “Old enough to realize that Santa aint real?” sagot naman ng boss namin.
Tawanan lang kami ng tawanan. Habang ako naman nage-explain kung bakit sa tinanda tanda kong ito, mahilig pa ako ke Batman. Kung bakit naman kasi nangingialam. Kanya kanyang trip lang yan. Saka lahat naman tayo, batang isip. Eh sa trip ko si Batman eh, bakit bah?
Mas mahirap kung si Robin ang trip ko.
Sa ngayon dalawa ang peborit kong belt. Sempre me batman buckle yun. Pag pang makulay, yung me dilaw. Pag naman formal ang trip, yung itim, para medyo subtle.

At sempre, di mawawala ang plaka ni Tagpi.

Nasa college pa lang ako, Batman na ako. Di pa uso ang celfon. Meron namang me celfon nun, kaso yung me celfon, pang mga executive lang. Saka parang plantsa. Saka de baterya na singlaki ng traysikel. Pocketbell pa lang ang uso saka radyo.
At ang handle ko, Batman na. Me katrabaho ako nun, nasa field.
“Base… base.. asan ka base?”
“Hulaan mo.”
Kung pwede lang lumusot yung kutos ko sa radyo, malamang nabatukan ko. Gumagalaw kaya ang base?


bakit pre anu problema pag si robin ang idol? hehehehe di pa naman namatay yun ah!
wahahah! kasi si batman pag naging trip si robin, bukod sa badingerz sya, pedophile pa. nyahahah!
Naalala ko tuloy, nung college ako binilhan ako ng pocketbell.
hehhe. honga. ngayon relic na lang ang pocketbell.
WAHAHAHAH grabe na toh!
walang basagan ng trip! haha
pehpot´s last blog post..Chico’s Party
Sir, totoo bang hindi pa kristiyano (supot) pa si batman?
Favorite ko si Batman…
Magmula nung kinder pa ako! Hahahah
iskulmeyt, bakit batman movies ngayon di maigalaw yung leeg ni batman. imagine ko tuloy stiff neck parati si bruce kinabukasan haha
fave ko ang logo nyan…simple pero rock,ahihihi
p0kw4ng´s last blog post..Tenks Utoy!
hahaha.. as in nagbatman belt ka sa opisina? bwahahaha
coolness!!!!
Reesie´s last blog post..Let’s Social Climb with Barrio Siete
@pmonchet: ewan ko. heheheh. basta ako, kristyano na. wahahhaah!
@madbong: ano lang nila yun, advance thinking. para kung malaglag sa kabayo si batman di sya mabalian. ska me nilagay sila na extra mata sa likod nya, para di nya na kelangan lumingon.
@Ressie: oo naman, lagi ako naka batman belt. weheheheh.
haha sakto. you should hear my latest podcast i was just talking about superheroes haha.
Yung ngang mahihilig sa superheroes tulad natin eh syang mga creative at masayahin kasi marunong mag isip bata haha
bluep´s last blog post..Rock The Faith Podcast – Episode 03 – “Superheroes I: Behind The Masks”
nyahahhah. honga. pero lam mo, in a way tayo na mga isip bata, ala masyado kapikritohan di ba? nyahahah. compared dun sa mga nambabato sa inyo ni reynz.. puro hgh en mighty kuno. hehehehe.
Naka bandillo ka na sa Barrio Siete bok!
http://barriosiete.com/meet-the-writers-buraot/
reyna elena´s last blog post..How to be a Barrio Siete writer
nyeks. wahahahha! nabasa ko na. nyahahahh!
favorite ko din tong si batman, kaso lang eh sana naman nakakalipad sya ng di kailangang sumabit… kaya laging may sabit si batman
gaya ni robin, sabit na sidekick
Basti´s last blog post..Project Natal for XBOX 360 – Xbox Introduces The future of Gaming Consoles
basti, pag si batman nakalipad hindi na sya si batman.. si superman na sya. wahahahah!
OMG, di ako maka concentrate sa topic. Nadedemonyo ako sa Careless Whisper na background. I will never hear that song again without malice. Hayss..Ahahaha.
Saan ba nakakabili ng batman belt? Palagay ko dagdag cool factor yan. “,)
hi jan. welkam sa site ni kulapo. heheheh. ako din nga napapagiling pag inoopen ko site ko. wahahah!
actually sa mga bangketa lang dito sa states or mall meron nyan. puro ibat ibang betl buckles. then bumibili na lang ako ng separate na leather belt mismo.