Matagal nang pakaway-kaway sa buladasphere itong reyna ng mga uragon. Nung una akala ko ko totoong engkantada at pati ako naengkanto. Wahahahha!
Ewan ko ba kung bakit ako naligaw dun sa palasyo nya. Dahil sempre bagong salta, wala akong ginagawa kundi ang magtingin-tingin, mag-amoy amoy.
Hanggang sa di rin nagtagal, ako ay pangisi-ngisi na din na parang askal na walang sawa sa pagsinghot sa bawat pwede masinghot.
Minsan pa nga halos tumulo na ang uhog ko hanggang baba kakatawa sa mga kung anu-anong achuchuchu nya.
Di ko kasi ma-imagine na sa tindi ng background nya dito sa Merika, ay hindi lang baklang bakla ang bruha kundi masang-masa din. At kahit di kami palagi magkatugma sa mga kung anu anong ka-lechehan, isa lang ang bagay na nagpatibok ng aking puson… hindi sya ipokrito.
Ang pinaka-ayaw ko kasi sa lahat, yung tupperware.
Kaya naman tuwing me maririnig ako na nakikipagrambulan na naman ang hitad sa kung saan-saan, sugod agad ang mga Knights Temprel (Knights ng Templo ng Reyna Elena) to initiate sequence God Save the Queen!
Para kaming mga pinagsama-samang Tito Vic en Joey, APO Hiking Society, Tatlong Itlog at Three Stooges. Ako, si Kotseng Kuba, at si Bluepanjeet. Kaya siguro kami rin ang ginawang Barangay Tanod sa Bario Siete, ang bagong site na pinangungunahan ng Barrio Capitana.
Hayan, me bago ka na namang paglilibangan dahil parang smorgasbord sa dahon ng saging ito mga peeps. Kaya bukod sa siguradong masarap ang kain mo dahil bawal ang kutsara, masarap din ang hangin dito dahil puro mga aliwalas ng kabukiran ang malalanghap mo.
Kaya halinang manginain sa Barrio Siete. Ala naman!
Pahabol na Sulat:
Tamang tama dahil kakahanap ko lang nitong backgroung music na ito. Matagal ko na kasi itong naririning sa mga pelikula ni Weng Weng, ni Tony Falcon, at ni Chiquito. Yun pala soundtrack ng pelikula ni idol na si Bruce Lee.
Kaya swak na swak.. Enter the Uragon. Teneneneng.. teneneneng…


Ok na ok na entry!
I’m getting more convinced to shift to WordPress…
Johonymous´s last blog post..Barrio Siete dot com is UP!
johnny, lipat ka na wordpress. hehhehe. mas oks. nanibago lang ako nung una, kasi di naman ako ganun pa ka techie. pero oks na oks.
bumisita galing sa barrio.
astig ang intro. napapamahal na din ako sa barrio. yun nga lang di ako makapasok sa mismong palasyo ni reyna dito sa UAE kaya ayun sa barrio ako naglalagi
ganda ng blogsite mo bossing, peborit kolor ko green!
dencios´s last blog post..[72] Ehersisyo Tips ni Dioniscio
bumisita galing sa barrio.
astig ang intro. napapamahal na din ako sa barrio. yun nga lang di ako makapasok sa mismong palasyo ni reyna dito sa UAE kaya ayun sa barrio ako naglalagi
ganda ng blogsite mo bossing, peborit kolor ko green!
andyan na kaya si Dr. hayden kho? Baka diyan nagtatago ah?
pmonchet´s last blog post..Getting a Passport- Things I learned
uy dencios, welkam sa site ni kulapo. hehhe. ganyan talaga green-minded. hehehhe.
pmonchet: hehhe. asan na nga ba yun? ska wa happen sa site mong fatherlyours?
mangsspam lang dine.ahehe
itot´s last blog post..Hayden Kho Video Download
Uy! hehehe! LALAKI ako ‘pre!
PA-KISS NGA ‘PRE!
hehehe
reyna elena´s last blog post..How to be a Barrio Siete writer
Ako nga lagi ng dumadalaw sa Barrio Siete! Yep, certified addict na ako sa Barrio na yun.
Snow´s last blog post..A Review: Cafe de Lipa
reynz, hehehehh. pare pa kiss. wahahahh!
snow, ako din, mas madalas pa ata ako dun kesa sa site ko. hehehhe.
Magandang gabi. Bago lang ako sa Barrio Siete. Ano ba ang meron kay Kamahalan? kasi ako mismo nabighani sa kanya. Tama ka ka-Buraot, maski ako ayoko ng tupperware mahirap kasi ‘yung umasa ka tapos di naman pala kayo friends. madali kasi akong magtiwala…ayan nadala na ako ng bugso ng damdamin ko…pero gusto ko maging friends mga magagaling pero simple lang para marub-off naman sa akin kahit konti at maging magaling din ako…hehe
yami´s last blog post..Mommy Moments: Bonding with Lola
wow nice and good movei,!!!!
yami, first op all, masarap pakinggan ang pangalan mo. sounds like umami. nagugutom tuloy ako. hehehhe. second, yep, hindi tupperware yang si reynz. me pagka baliw pero super prangka. wahahahah!
at ikaw naman along2481, bat ka nakalusot ke akismet? kung anu ano sinasabi mo jan? naka drugs ka ba?
grabeh barriosiete na yan, don ako palagi natatagalan magbasa. pero masaya talaga don.
TONI!!!
hahahaha! pasyal ka sa Barrio! masaya dun kahit wala pa kaming festival hehehe!
anong baliw?! tinutuyo lang ako pag hinahabol ako nang mga Filipino Boyz hehehe
reyna elena´s last blog post..How to be a Barrio Siete writer
Oo ako rin, mas madalas pa sa Barrio Siete kaysa sa blog ko. ^_^
Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (05.24.2009)
oyy, toniboi, tagal mo nawala ah? yeah sarap tumambay dun.
snow: apir!
reynz: baliw ka! baliw ka sa mga boylets! wahahahah!
hinde lang pala ako ang naengkanto ahaha.pero madalas din tambay ko sa barrio siete
madbong´s last blog post..Swine Flu Alert
honga, ako din mas madalas pa dun. wehehehe.
ui nagsanib pwersa ang mga malulupet sa buladusphere…. nakunaman pinangunahan ba naman ng reyna elena aka kapitana aka sir madam reynz… Good luck sa inyo… maganda yan.
Basti´s last blog post..Project Natal for XBOX 360 – Xbox Introduces The future of Gaming Consoles
matitindi yan basti, sama sama ang kanya kanyan naming angking asim. hehehehhe.
baka nman pwede rin kayong maging knight in shining armor ko
gahahaha
gusto mo knight in shining armirol.