Lintik Lang Ang Walang Ganti

May 23rd, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 13 Responses

batman rayumahinMula ng lumabas ako ng ospital, napunta sa back-burner itong rayuma ko.

Naawa siguro sa sinapit ko mula sa syamnaput syam na doktor na walang sawang pinag-pasa pasahan ang byuti ko kaya nagpahinga na muna.

Esep esep siguro nung rayuma ko, “wawa ka naman, sige saka ko na lang iistorbohin,”.

True, pag nakisabay pa sya sa lahat ng mga nararamdaman ko sa laspag na katawan ko, eh dyusko, di ko na alam ang gagawin ko. Daig ko pa ang nakulam at isinumpa.

Noong nakaraang four days ago, kahit na di pa nila nadidiskubre ang totoong sakitchupoy ko, medyo umokey okey na ang pakiramdam ko. Nakakahinga na ako ng maayos. Kasi nadiskubre ko na puno na pala ang ilong ko ng kung anu-anong extra-terrestrials kaya di ako makahinga.

For a while, di na rin ako kinakapos ng paghinga. Napansin ko na masikip lang pala ang butones nung polo ko kaya kelangan ko lang magbawas ng timbang. Naligo ako ng limang oras, kaya ayun nabawasan ang timbang ko.

Lumalabas na si sunshine dahil malapit na mag summer. Oks na oks ikako. Me magagawa na ako.

Then isang morning, ayun. He’s back. Namaga na naman ang paa ko, at super sakit na naman ang pakiramdam ko. My rayuma, my gout, my disability… is back. And with a vengeance!

Esep-esep nya ulit, “ayan ok ka na ha? siguro naman pwede na ulit ikaw? miss na miss kita kaya?”

Eto ako, pagkatapos maluto ang katawan sa kung anu-anong gamot para sa kung anu-anong sakit, balik na naman kakalaklak ng sandamakmak na pain relievers na di naman nakaka-relieve ng pain. Kung dati ayoko bumili ng cane dahil dyahi ako, ngayon wheelchair na ang gusto ko bilhin.

Ang hirap kaya gumapang?

  1. Snow says:

    So sad to hear naman na nagkasakit ka bro! Ano ba magaling ka? Sana naman ok na kuya, hinay hinay kasi sa pagrampa habang naka-batman suit! ^_^

    Btw, ok lang ang wheel chair mas relaxed sa paa, yun nga lang magpapaltos kamay mo sa kakagulong! @_@

    Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (05.24.2009)

  2. Snow says:

    Correction po…ibig kong sabihin “Ano ba magaling ka na ba?” ^_^ sowee, fast typer ako eh… ^_^

    Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (05.24.2009)

  3. pmonchet says:

    Snow -m2 times ko binasa unang message mo, hehehe. Hayaan mo kuya at nag try try ako ng isang gamot.Kapag efective, ibubulong ko sa iyp.Saan tainga ba mas malakas ang pandinig mo? left or right?

    pmonchet´s last blog post..H1N1 swine flu virus scare

  4. BURAOT says:

    snow,di pa, namamaga pa paa ko. sakit nga.

    pnochet, sige ibulong mo lang sa kin pag epektib ha? kahit saan pede.

  5. nice topics you have going on here!

    is it rude to ask for exchange links?

    =)

    hope to see you around!

  6. stormy says:

    sensya na ngayon lang ule napadalwa:)

    kaya pala marameng krimen ngayon
    dahil nagkasakit si batman..tsk!

    wag ka mag-alala aantayin ka po namin gumaling..hehe:)

    stormy´s last blog post..think pasitib, wag kang aayaw..hehe

  7. BURAOT says:

    heheheh. honga. di me makarampa sa gabi.

  8. chezza says:

    di bale, trendy naman wheelchair mo so oks lang…Hope ur betta soon!…

    chezza´s last blog post..7ven Years

  9. eliment says:

    naku naranasan ko din yan at talagang ang hirap kumilos.

    eliment´s last blog post..bak 2 skul

  10. Snow says:

    tama si chezza sosyal naman ang wheelchair mo so ok lang yan…

    off-topic: bumoto ka na ba sa top 10 emerging influential blogs of 2009 ni bb. janette toral sa http://influentialblogger.net

    kung hindi pa, isama mo naman ako sa top 10 mo at copy-paste mo na lang yung choice ni reyna elena. isama mo na rin ang barrio siete. may 10 weeks pa para bumoto. ^_^

    heto ang sample ballot ni reynz:

    http://barriosiete.com/2nd-state-of-the-barrio-address-soba/

    salamat po1 *shyness*

    Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (05.24.2009)

  11. BURAOT says:

    uy eliment, bagong salta kaw, welkam sa site ni kulapo!
    snow: ay naku di pa. sige ba, boto mo di yung iamburaot site ko. abot ba yun?tsek ko nga yung rules. heheheh.

  12. Basti says:

    awww ganyan talaga cguro pag tumatanda (peace!) este dahil sa lamig at sa diet mo cguro bro.. baka kailangan bawasan ang karne… at kung ano ano pang nakakapag palala ng rayuma

    Basti´s last blog post..Project Natal for XBOX 360 – Xbox Introduces The future of Gaming Consoles

  13. BURAOT says:

    wala basti, tumatanda na talaga. hehhehe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes