Gumapang Kang Hubad sa Kulugong Ibabaw

June 18th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 20 Responses

seniorbatmanMahigit isang linggo na naman akong gumagapang sa lusak, sa putik na kulang na lang ay paglubluban ng kalabaw.

Gamit ang aking mahiwagang araro tungkod, taas noo pa rin akong nagpipilit kahit na namimilipit na lumabas labas ng bahay at maglabas masok sa trabaho. Dangan naman kasi eh umatake na naman ang isa sa aking major problem.. ang aking rayums.

Pilit na namang nire-remind sa akin na wala na akong karapatan gumamit ng kalendaryo. Mabuti na lang naimbento ang bingo. Kaya ata yung mge oldies but goodies dito sa isteyts ay mahilig magbingo. Siguro yun ang nagpapa-alala sa kanila na sila ay kasali pa sa mga bolahan. At kapag nawala ka na sa bingo, sigurado ikaw ay isa ng abo.

Yung isa kong repapits sa sobrang awa ata sa sakit na sinasapit ko, nagmistulang tulak at inabutan ako ng kanyang prescription drugs na painkiller. Isa syang air force veteran at meron syang matinding sakitchupoy sa likod kung kaya morphine na ang iginagamot sa sakit nya. Ayoko namang subukan kasi baka mag-enjoy ako ng husto mahirap na. Wahahahah!

Eto ako ngayon, nagtitiis at nagngungu nguyongoy sa sakit na sinasapit ko. Kung bakit naman kasi andaming pinamana sa kin ng tatay ko, pati itong gout isinama pa.

Hay buhey…

  1. .poOt! says:

    hehe. nauna ako. pahiya ako ‘pag hindi.

    talagang may … ka na? ilang taon ka na ba?

    are you old? kung ganun, di halata dito sa blog mi. it’s so hip and cool! nice!

    cheers!

  2. itot54joni says:

    subukan mo tol un arthro

    itot54joni´s last blog post..Con Ass My Ass Image Search SEO Contest

  3. josie says:

    lolo ko din ganyan eh

    josie´s last blog post..Is Abortion the answer?

  4. BURAOT says:

    poot: hip en cool na ko mula pa nung grade 1. weheheh.
    itot: nakita ko nga yun sa wowowee. pag-uwi ko, i-try ko isasabay ko sa pito-pito.
    josie: nyehehhe. wala yan sa lolo ko! hahahahh!

  5. nobe says:

    lahat ng ibinibigay ng genetics hindi natin maiiwasan.

    love,
    nobe

    http://www.deariago.com
    http://www.iamnobe.wordpress.com

    nobe´s last blog post..NOT THEIR SOULS

  6. p0kw4ng says:

    wow morphine,ahahaha

    ‘lo sandugo…maglalayo ka kasi sa mga matatanda..get well!

    p0kw4ng´s last blog post..Takot

  7. BURAOT says:

    hirap nga nobe sa dami naming magkakapatidat ako ang bunso, nasasalo ko lahat. heheheh.

    pokie, dapat nga ata. hehehe.

  8. Reesie says:

    get well soon Buraot~!:D

    Reesie´s last blog post..On Board With The New Mexico Rail Runner

  9. BURAOT says:

    tenks reesie, harinawa syanawa…

  10. fatherlyours says:

    Naku repapits, don’t worry. kunting experiment na lang at lalabas na ang aking imbensiyon para sa mag rayuma. Steady ka lang diyan.

  11. BURAOT says:

    uyyy. hintayin ko yan.. pramis.

  12. dencios says:

    boss buraot pag masakit isipin mo na lang na masarap. mind over matter haha. seriously pagaling ka agad.

    wag gumamit ng morpin!

  13. jan geronimo says:

    “Siguro yun ang nagpapa-alala sa kanila na sila ay kasali pa sa mga bolahan. At kapag nawala ka na sa bingo, sigurado ikaw ay isa ng abo.”

    Buti na lang nakakaaninag pa ako sa monitor. In fairness, wala pa akong rayuma. Baka ilan taon na lang siguro ang grace period ko. Paano na lang pag nanigas na mga joints ng blogging fingers? Madaan kaya sa mga talbos ng ampalaya?

    Anong pinanggagamot mo, prend? Sabi ok daw acupuncture. Have you tried it?

    jan geronimo´s last blog post..Warning: Are You a Caveman Blogger?

  14. Jena Isle says:

    Ang hirap niyan Buraot. Paminsan minsan may sumpong din ako…he he he. Ang hirap pala ng tumatanda. Pasyal ka naman sa blog ko. Meron akong bagong hain na istorya. Gusto kong malaman ang saloobin mo tungkol doon. Mahusay ka kasing mag-himay himay ng mga bagay bagay..lol

  15. Snow says:

    pagaling ka bro. ^_^

    Snow´s last blog post..Happy 148th Birthday, Dr. Jose Rizal!

  16. jasonizers says:

    Nice Blog ANAK NI KULAPO keep it Up : )

    jasonizers´s last blog post..Funny Pictures Present

  17. Basti says:

    i arthricin na yan! at Pao, dahilw alang aw sa pao!

    Basti´s last blog post..Choco Pops – Sweet Chocolate Treat for the Whole Family

  18. Snow says:

    Mag-arthro ka kaya bro? ano ok ka ba? *worried* heheeh….

    Snow´s last blog post..Sarah Jessica Parker and Matthew Broderick Welcome Twin Girls!

  19. BURAOT says:

    dencios; lumabas na lahat ng ugat ko sa noo, di umepek.

    jan:naisip ko nga yun, pag umokey na ko punta akong chinatown..

    Jena:honga, ako ang aga ko nakakasumpong ng sintomas ng pagtanda. heheh. anyho, aling istorya po doon?

    jasonizers: oks yang linya mo tol, generic. heheheh.

    basti: di na ubra sa kin ang regular na pain reliever eh..

    snow: di pa rin ako ganun ka-ok. istambay pa rin sa bahay dahil sa sakit.

  20. pehpot says:

    tatay, wala bang salonpas jan?

    o kaya naman e pangbanyos na mainit na tubig na may asin?

    teka nga at mapaluwas jan ung albularyo dine..

    Make or Break

    pehpot´s last blog post..My Home Buddy

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes