Tawasin Mo Ngunit Kulang

June 25th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 23 Responses

karayomWala na. Tuluyan nang nag-disappear ang aking kakaibang superpowers. Hindi ko kasi natesting nung nakaraang Biyernes Santo kaya buong taon, medyo palpak yung epektibity.

Di rin umubra yung utility belt ko, kasi pang villain lang yun, eh bida ako dito kaya di pede gamitin sa akin. Kaya no choice ako kundi i weather out na lang yung tama ng aking ma-alamat at mahiwagang rayums.

Unang nagpakyut yung kanang ankle ko, lumobo na naman na parang hinipan ni kupido. As usual, laklak lang ako nung nakagawiang pangontra sa kulam na Ibuprofen. Yun lang naman ang binibigay nung kakilala kong albularyo dito. Iniiba-iba lang ang naman dosage, depende sa trip.

Matapos ang isang linggo, nainggit ata yung kaliwang tuhod ko, nagpalobo din. Patawa kasi di pantay yung mga tuhod ko, yung isa manipis, yung isa mataba. Ang kaibhan nga lang, super sakit. Mahipan mo lang, sumasakit. Parang nababalutan ng balat ng sugat, yung wag mo lang madampian, kulang na lang dumugo.

So far, ito na ata ang pinaka-masakit. Para akong minu-minutong nagle-labor. Kaya no choice na naman ako kundi magpunta sa aking peborit na tambayan, ang doctor’s office.

Pagdating doon, siguro sa sobrang sakit, mataas ang dugo ko. May ini-suggest si dok, baka daw naman nakukulam lang ako. Kaya daw para maka-sigurado, kelangan na akong tawasin. Pero bago ang lahat, kukunan muna ako ng fluids sa aking namamagang tuhod para ma-confirm kung ito daw ba ay rayuma o gout o baka nga daw nai-imagine ko lang.

Sinaksakan muna ng ako ng pampatulog pampa-numb. Sisiw, para lang syang kagat ng langgam. Sabay saksak ng karayom na sinlaki ng tubo ng nawasa. Grabe teng! Para din syang kagat ng langgam, langgam na kasinlaki ni Optimus Prime. Sinaksakan ulit ng dagdag na anasthesia. Sabay salpak ulit yung higanteng karayom. Sakit pa rin, pero kelangang pagtyagaan. No guts no glory. Bah,  fan ata ako ng Ginebra.

Nung makaipon na sila ng isang drum, nakuntento na rin si dok. Sa wakas, malalaman na din namin ang kakaibang misteryo na bumabalot sa aking mahiwagang rayuma na ipinamana pa sa akin ng aking butihing erpats bago pa sya nag-Saudi na walang balikan.

Narito ako…  malayo ang tingin, lupaypay sa kama, halos masuka suka sa hilo at chicharon na lang ang kulang dahil kulay suka ang mukha. Bigla akong naging low-blood in an instant, kaya ibinitin muna nila ako ng patiwarik, para daw tumaas ang aking dugo. Galing, ngayon ko lang nalaman yung ganung procedure kapag low-blood ka. Bagong info na naman.

Habang nag-hihintay ako ngayon ng results ng lab test na malamang aabutin ng forty-payb years, laklak na naman ako ng kung anu-anong pain relievers. Pero kung dati regular na tungkod ang gamit ko, ngayon nag-upgrade na ko ng gadget tol. Sempre, kumbaga pag bagong pasukan, kelangan mo ng bagong gamit para excited ka pagpasok.

Ngayon, hindi na tungkod ang gamit ko, saklay na. O ha?

  1. pehpot says:

    wow improving!

    naku sana naman wag mo na panagarpin na ma promote.. ayos na saklay, wag lang swivel chair na may malaking gulong.

    Make or Break

  2. Snow says:

    Naku sana bro mas lalong gumanda pakiramdam mo ha? pero at least improving! ^_^

    Snow´s last blog post..Farewell Michael Jackson: King of Pop Dead at 50

  3. Jeri says:

    naku dapat pala “Art” na ngayon ang name mo.. as in Arthritis. lol! jowk jowk jowk.. peace tayo, remember idol kita.
    kung nabubuhay nga lamang si ka ernie baron, kayang-kaya nyang gamutin yan, pito-pito lang ang katapat nyan.. maitanong mo kaya kay mahal na reyna, baka meron dun sa barrio siyete ang pito-pito.

    Jeri´s last blog post..Some reasons of poverty in Philippines

  4. BURAOT says:

    @pehpot: ganun na nga iniiisip ko eh. uso yun dito pang seniors. hehheh. sagwa nga lang kung ako gagamit, sirang sira ang pride ko dun.lols.

    @snow: sanay magdilang snow ka sana..

    @jeri: honga. hehehhe. kung nasa pinas lang ako, dahon lang ang katapat nito.

  5. Amor says:

    Naku mahirap pala ang ganyan. Nakaka tuwa ka, kahit may dinaramdam ka na, dinadaan mo pa sa pagpapatawa. :D

    Hoping for your speedy recovery. :)

    Amor´s last blog post..School Days

  6. BURAOT says:

    hello amor. pampabawas kasi ng sakit. hehhehe.

  7. fatherlyours says:

    Naku Sir buraot! Kunting ingat na. Pero naisip ko ha.Buti na rin sa paa tumama, kung sa kamay yan, hindi ka makatype. Mas mahirap siguro pang type ang paa!

    fatherlyours´s last blog post..(25th)Silver Wedding Anniversary

  8. BURAOT says:

    fatherlyours.. honga. ika nga… look at the bright side.

  9. itot54joni says:

    naalala kita tol non mapanood ko transformers 2!kung napanood mo na e lam mo na ibig ko sabihin.ahehe! iwasan mo na ang jack n the beanstalk! :-)

    itot54joni´s last blog post..Puppies

  10. fatherlyours says:

    Kumusta ka na Sir buraot. Nanaginip kasi ako kagabi tungkol kay batman. Parang nakita ko kundisyun mo at naka costume ng batman. Wala pa bang anak si Batman? Sino na papalit sa kanya if ganun na siya at may rayuma? Sorry ha, nabanggit ko lang.

    fatherlyours´s last blog post..(25th)Silver Wedding Anniversary

  11. BURAOT says:

    nye, di ko pa napapanood itot. ayoko kasi panoorin online. ni try ko yung part 1 panoorin sa online, fanget. dpat talaga sa big screen. kaya hinihintay ko lang, manonoood ako sa sinehan.

    fatherlyours: meron na ko janakis. yun nga lang di ko pa naipapasa yung agimat ko kasi mga bagets pa. hehehe.

  12. dencios says:

    nakakatuwa ka. ewan ko lang kasi natatawa ako sa mga hirit mo, ang kulit! haha. neweys maganda ang ganyang attitude at least may oras ka pa din magblog bossing at mukang positive naman. ako e positive na gagaling agad yan para makapagblog ka pa ng mga tulad nito! :D

    ingats!

  13. Jeri says:

    kapatid,.. me ginawa akong tula at naka post ngayon sa kabilang barrio.. dun sa barrio ni la kapitana reyna elena… isa ka sa mga bigstar sa aking tula.. kung dimo pa nabasa, dalawain mo yung barrio siete.

    Jeri´s last blog post..Sa mundo ng Blogging

  14. Jeri says:

    tapos dalaw ka na rin sa kabukiran ng aking blogspot. isa ka rin sa mga bida dun.

    Jeri´s last blog post..Sa mundo ng Blogging

  15. BURAOT says:

    @dencios: harinawa naman tol. ayoko pang kunin ni lord. hehehhe.
    @jeri: ay nabasa ko nga sa emial na me bagong pautot ka daw, though di ko pa nababasa, di pa ko nadadayo sa kabilang barrio eh. punta na ko dun. now na!

    yung isang bukid mo, kita ko na, specail mention nga ako hehehe. tenchu!

  16. Jeri says:

    Ang sarap pala kung me bagong pautot.. amoy sa buong barrio.

    Jeri´s last blog post..Sa mundo ng Blogging

  17. josie says:

    ano ba yan naaawa ako sa yo pero tawa ko ng tawa kababasa, sori di ko talaga mapigil eh.:D

    josie´s last blog post..Stressful week

  18. BURAOT says:

    jeri: honga, madaling makinetwork dun sa barrio, kasi parang laging fiesta dun.

    josie: oks lang yan, wag mo pigilin, mahirap. heheheh.

  19. .poOt! says:

    at least ngayon naka-saklay ka na. good news ba yun?

    .poOt!´s last blog post..Another ‘TAG’!

  20. Snow says:

    Hey, how are you?! Hope you are ok. :)

    Snow´s last blog post..Sarah Jessica Parker’s Twins First Photo Released

  21. BURAOT says:

    @poot: dinadaan ko lang sa positib thinking. hehehhe. ika nga looking at the bright side.

    helow snow, oks naman na ng konti.

  22. pehpot says:

    uy pede din pala ung mala xmen ang dating haha

    Make or Break

    pehpot´s last blog post..Let’s Have A Mac

  23. BURAOT says:

    heheh, no choice na pehpot. kasi di na gumagana yung mind over matter. hehhe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes