Tawasin Mo Ngunit Kulang
Wala na. Tuluyan nang nag-disappear ang aking kakaibang superpowers. Hindi ko kasi natesting nung nakaraang Biyernes Santo kaya buong taon, medyo palpak yung epektibity.
Di rin umubra yung utility belt ko, kasi pang villain lang yun, eh bida ako dito kaya di pede gamitin sa akin. Kaya no choice ako kundi i weather out na lang yung tama ng aking ma-alamat at mahiwagang rayums.
Unang nagpakyut yung kanang ankle ko, lumobo na naman na parang hinipan ni kupido. As usual, laklak lang ako nung nakagawiang pangontra sa kulam na Ibuprofen. Yun lang naman ang binibigay nung kakilala kong albularyo dito. Iniiba-iba lang ang naman dosage, depende sa trip.
Matapos ang isang linggo, nainggit ata yung kaliwang tuhod ko, nagpalobo din. Patawa kasi di pantay yung mga tuhod ko, yung isa manipis, yung isa mataba. Ang kaibhan nga lang, super sakit. Mahipan mo lang, sumasakit. Parang nababalutan ng balat ng sugat, yung wag mo lang madampian, kulang na lang dumugo.
So far, ito na ata ang pinaka-masakit. Para akong minu-minutong nagle-labor. Kaya no choice na naman ako kundi magpunta sa aking peborit na tambayan, ang doctor’s office.
Pagdating doon, siguro sa sobrang sakit, mataas ang dugo ko. May ini-suggest si dok, baka daw naman nakukulam lang ako. Kaya daw para maka-sigurado, kelangan na akong tawasin. Pero bago ang lahat, kukunan muna ako ng fluids sa aking namamagang tuhod para ma-confirm kung ito daw ba ay rayuma o gout o baka nga daw nai-imagine ko lang.
Sinaksakan muna ng ako ng pampatulog pampa-numb. Sisiw, para lang syang kagat ng langgam. Sabay saksak ng karayom na sinlaki ng tubo ng nawasa. Grabe teng! Para din syang kagat ng langgam, langgam na kasinlaki ni Optimus Prime. Sinaksakan ulit ng dagdag na anasthesia. Sabay salpak ulit yung higanteng karayom. Sakit pa rin, pero kelangang pagtyagaan. No guts no glory. Bah, fan ata ako ng Ginebra.
Nung makaipon na sila ng isang drum, nakuntento na rin si dok. Sa wakas, malalaman na din namin ang kakaibang misteryo na bumabalot sa aking mahiwagang rayuma na ipinamana pa sa akin ng aking butihing erpats bago pa sya nag-Saudi na walang balikan.
Narito ako… malayo ang tingin, lupaypay sa kama, halos masuka suka sa hilo at chicharon na lang ang kulang dahil kulay suka ang mukha. Bigla akong naging low-blood in an instant, kaya ibinitin muna nila ako ng patiwarik, para daw tumaas ang aking dugo. Galing, ngayon ko lang nalaman yung ganung procedure kapag low-blood ka. Bagong info na naman.
Habang nag-hihintay ako ngayon ng results ng lab test na malamang aabutin ng forty-payb years, laklak na naman ako ng kung anu-anong pain relievers. Pero kung dati regular na tungkod ang gamit ko, ngayon nag-upgrade na ko ng gadget tol. Sempre, kumbaga pag bagong pasukan, kelangan mo ng bagong gamit para excited ka pagpasok.
Ngayon, hindi na tungkod ang gamit ko, saklay na. O ha?
This entry was posted on Thursday, June 25th, 2009 at 12:25 pm and is filed under amerkanong hilaw, anakanang, buraot101, sakitchupoy. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























Snow June 25th, 2009 at 10:41 pm
Naku sana bro mas lalong gumanda pakiramdam mo ha? pero at least improving! ^_^
Snow´s last blog post..Farewell Michael Jackson: King of Pop Dead at 50