Michael Jackson sa John En Marsha

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

Nung una, nagpapaka-ipokrito ako. Di ko ka generation si Michael Jackson ikako. Aba 50 years old na si Jacko no? Ako kahit wala na sa kalendaryo,  medyo malayu-layo pa dun. Bata pa kasi ako, Michael Jackson na si Michael Jackson.

Pero dahil kabi-kabila ang mga palabas sa TV at mga balita tungkol sa kanya, napanood ko din yung mga luma nyang mga MTV. Ngayon naisip ko, nung bata nga pala ako, lahat ng mga bata ginagaya sya sa pagsayaw. Di ko lang agad natandaan kasi nung elementary ako di naman ako pinagbihis na ala Michael Jackson kasi Hagibis ang ipinapasayaw palagi sa akin nung titser ko.

Nung mapanood ko itong isa nyang MTV, naalala ko bigla.. honga pala. Maliit pa ako, nakagisnan ko na sya at nakalakihan ko na. Palagi kasing palabas sa amin ang John en Marsha. Kaya kahit wala sa isip ko, kinamulatan at kinalakihan ko na pala talaga si Jacko.

Kanta kaya nya yung background music sa John en Marsha. Tinagalog lang.

Hirap lang kasi dalawang araw na ko naghahanap sa youtube, di ko maispatan yung music na yun. Kaya eto na lang, yung kanta na lang mismo ni Michael Jackson.

Tags: ,

This entry was posted on Wednesday, July 1st, 2009 at 12:09 am and is filed under alamat, amerkanong hilaw, kopongkopong, onli in da pilipins. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

10 Responses to “Michael Jackson sa John En Marsha”

p0kw4ng July 1st, 2009 at 11:34 am

gustong gusto ko yung iba nyang kanta pero hindi nya ako fan…ang gulo no? hihihi

p0kw4ng´s last blog post..tulo

Jeri July 1st, 2009 at 1:50 pm

magkapatid ba sina Michael Jackson at Michael Jordan? sensya na medyo Michaeliling kasi ako kaya tinanong ko na lang sayo.

Jeri´s last blog post..Blogger na Bubuwit, Napaunlakan sa Barrio Siete.

BURAOT July 2nd, 2009 at 1:30 am

pareho tayo pokwang.. heheh. di nya ko fan pero tayp ko yung ibang mga kanta nya.

jeri, magpinsan ata.

madbong July 3rd, 2009 at 5:22 am

“O John, magsumikap ka”…..di ba ito yung intro?

madbong´s last blog post..Swine Flu Alert

Fatherlyours July 3rd, 2009 at 5:24 am

Jeri, oo nga ano?eh pano si Michael V? Baka pinsan nila ano. Kuya Buraot sa akin pinapasayaw ng Titser ko arengkengkeng.

Jeri July 3rd, 2009 at 7:08 am

uu nga magpipisan nga sila.. pati si Michael J Fox pinsan din.
Ramon, bakit naman arengkengkeng.. mga naman titser mo dati kumakarengkeng. he he he

Jeri´s last blog post..Blogger na Bubuwit, Napaunlakan sa Barrio Siete.

josie July 3rd, 2009 at 8:32 am

oo nga noh, san baul mo nakuha yan, buti ka pa ka naalala mo, ngayon ko lang napanood yan eh

josie´s last blog post..Father and child

pehpot July 12th, 2009 at 2:31 am

abay ako’y lalo na, nagisnan ko syang jacko na, pero katulad nga ng nasabi ko sa aking blog, may mga musika din pala sya na tumatak (naks) sa aking puso at naging impluwensya ng aking paglaki (aruy!)

Make or Break

pehpot´s last blog post..Let’s Have A Mac

ark August 6th, 2009 at 6:16 am

Can’t Stop Til You Get Enough ang title nian. Napapanood ko rin dati ung John en Marsha, kinalakihan ko un.

BURAOT August 6th, 2009 at 8:13 am

nga, ako din. di pedeng di papanoorin yun sa bahay…

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes