Yeah… yeahhh.. Oo nga. Absent nga ako ng mahigit isang linggo. Eto me dala akong excuse letter galing sa nanay ko.
Kung dati-rati, kinakaya ko pang patawanin ang sarili ko at idaan na lang sa pagba-blog ang mga halu-halong nararamdaman ko, lately di na talaga kinakaya ng powers ko. Grabe sakit. Pero wag ka mag-alala kasi di naman tungkol sa sakit itong post ko. Alam ko naman na sawang sawa ka na sa mga sakit ko. Ekskyus ko lang yun dahil absent ako.
At dahil matagal akong absent, para na rin akong natulog sa kangkungan… o sa pansitan?
Saan nga ba nanggaling ang mga yan? Ano ba ang kaibahan ng dalawa? Kapag ba nahuli kang natutulog sa kangkungan ibig sabihin vegetarian ka at kapag sa pansitan Intsik ka? Bakit, pareho namang pwedeng lagyan ng sahog yun di ba?
Kung pamimiliin ka, saan mo mas gustong matulog… sa pansitan o sa kangkungan?
Ayon sa aking mga sources, pwede kang matulog sa kangkungan dahil ang kangkong na paborito ni Popeye na may pampalakas ng katawan ay halos walang amoy kaya safe katabi sa pagtulog. Subalit datapwat ngunit kung gusto mo syang tirahin ng fresh ay aabutin ka muna ng halos isang buwan bago mo pwedeng anihin. Kung gusto mo naman ng instantaneous na sustansya ng kangkong, kahit saang palengke meron.
Kung gusto mo namang sa pansitan matulog, medyo me amoy yun. Depende sa sangkap na gagamitin mo. At saka kelangan siguraduhin mo muna kung anong pansit ang gusto mong kaulayaw magdamag. Dahil ang pansit, hindi lang basta pansit. Ito ay mas marami pa sa pinagsama-samang namayapang taghiyawat nina Jograd at Joey De Leon at mas kumplikado pa kaysa sa combined life story nina Mara Clara at Hayden Kho.
Sa dami ng uri ng pansit, kahit ang wikipedia nagrereklamo kung papano ito aayusin. Pansit malabon, pansit luglog, pansit palabok, sotanghon, miki, bihon, lomi at kuuuuung anu anupa.
Katulad ng maraming mga kung anu-anong salita at kasabihan na minana pa natin kay kopong kopong, ang pagtulog sa pansitan at sa kangkungan ang hindi malinaw kung pareho nga ba o may pagkakaiba ang gamit.
Hinagilap ko ang aking mga ninuno. Sabi ng lolo ko… sorry di ko maikakabit yung hyperlink dito nung source kasi wala namang websayt yung lolo ko.. sabi ng lolo ko, “ang natutulog daw sa kangkungan ay yaong mga taong parang nagbubulag-bulagan at hindi pinapansin ang mga nangyayari sa kanyang harapan.” In short, dedma.
At yun naman daw natutulog sa pansitan ay yung mga walaaaaang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid. Sila ang mga walang kabohay bohay na kahit nakikita na, di pa rin nila namamalayan. As in.. “wa happen?!”
Kung ang natutulog sa kangkungan, alam nila ang nangyayari at wala lang kasing pakialam dahil may sarili silang mundo o nasa isang parallel universe, ang mga natutulog sa pansitan, walang alam. As in tatanga tanga. Nakatunganga. Sabi nga ng Mama, tingala’y nganga.
Ikaw saan mo gusto matulog?


Bago ang lahat, ikaw lang ang luma.. este! he he he jowk lang Idol.. anu? musta na? na miss kita, tagal mo nawala ah!, natulog ka yata sa pansitan, o nagliwaliw sa kangkungan? ha ha ha
Anyway, tama ka sa sinabi mo kapatid..at dalawang bagay lang yan, natutulog sa pansitan o nagluloblob sa kangkunan.
Yan yung ma taong mahirap maintindinhan kung nagtanga-tangahan lang o talagang saksakan ng Tanga.
ha ha ha…musta nga pala sa kabilang barrio nga pala?
jeri´s last blog post..Mga OFW, Niyurakan ng Blogger na si Mike Avenue
hehhe. di pa ko nakakapirma ng attendance. dami ko na absent, baka ma drop ako. kaya gagawa muna ako ng project.
Hindi ako makapili kuya, gusto matulog sa kangkungan kapag feeling vegetarian tapos sa pansitan din gusto ko matulog kapag gusto ko ng noodles!
Snow´s last blog post..Mayon Volcano Rumbles Again: Philvocs Raises Alert Under Level 2
Kung gusto mo ng project marami yan Manila.. mula project 2 hannggang Project 8 nandun sa quezon city. he he he
Manila im coming home… wwooooooo!
Jeri´s last blog post..Mga OFW, Niyurakan ng Blogger na si Mike Avenue
hmm.. pede kainin na lang natin ung pansit? gusto ko canton na maraming hipon.. teka nga makapagluto nyan, ilang plato ba gusto mo?
let’s win a mac book
Make or Break
pehpot´s last blog post..Let’s Have A Mac
@snow: hehhe.oks lang depende sa trip..
@jeri: yun lang. wow, uuwi na kaw?
@pehpot:uy sarap. 2 plato.
Oo nga bro! Hayaan mo dadami rin yang work mo
Snow´s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (07.13.2009)
dahil hindi naman ako kumakain ng kangkong, at takot akong matuklaw ng ahas sa kankungan, mas pipiliin kong matulog na lamang sa pansit. may libre pang pangkain habang natutulog. solb na. tapos kukumutan na lang ako ng cabbage, mag-uunan ng carrots at sasabuyan na lang ako ng hipon, oks na. =)
siangelnawalangpakpak´s last blog post..Kakikayan Bag
palagay ko sa pansitan ako.. lol, sarap kasi ng pansit.. waaaah!
Basti´s last blog post..Bob Stroller For Your Baby
Kunsabagay Basti, imagine pampahaba daw ng buhay ang pansit! *lol*
Snow´s last blog post..Bataan Death March: Retold in a Profound New Book
mas okay kapag sa pansitan kasi kapag sa kangkungan e basa ka dun.ahehe
itot´s last blog post..Photo: My Birthday Celebration At Canyon Cove Nasugbu Batangas
sabagay, mas mas maraming sahog ang pansit kaya mas maraming sustansya. hehhehe.
Pwede both? Kalahating katawan sa pansitan kalahati sa kangkungan. hehehe
Fatherlyourd´s last blog post..Singapore Trip 1
mas maganda parin sa kankongan dahil pinoy na pinoy.
lloydsbackyard´s last blog post..Marine Deck Officers Board Exam Results for July 2009
i’m really here for EC to be honest but I can’t seem to find it. hmm. anyway: nice site. go Pinoy!
Mikes´s last blog post..Where the is no Vision, People Perish | Apollo 11′s 40th Anniversary
pede din fatherlyours. heheh.
lloyd, tenkyu at naligaw kaw.
MIkes, wala talaga entrecard dito. freeloader ko to dun sa entredropper ko. hehhe. bawal kasi tagalog sa entrecard.
Naku paborito ko pareho yun…hay choices choices! Every other day siguro ako…
gusto ko matulog sa kangkungan kasi mas healthy. hahaha. joke.
love,
nobe
nobe´s last blog post..ANTONIO’s OBSESSION
helow momwannabe.. kala ko nakabakasyon kaw?
sige nobe, dun ka sa kangkungan. weheheh.
be entertained
Mas gusto ko ung sa pansitan. Paborito ko un eh. Sa kangkungan kasi eh magmumukhang akong baboy dun, hehe..
ark. wehehhe. sbagay putikan sa kangkungan…
cat: ?
pwede na siguro sa kangkungan na lang ako para wala pakelamanan. hehehe
.-= fedhz´s last blog ..December Adgitize Payment =-.
naks, mukhang nahahalukay ka ng baul ah.
makikisabay ako ke fedhz.. sa kangkungan na rin. pero wag naman ung araw-araw. hirap naman kung araw-araw, dedmahan, di ba?
.-= kikamz´s last blog ..Lucky Chinese Tag =-.
weheh. talagang hinahalukay mo ang baul.