Isusumbong Kita Kay Tita Cory

August 2nd, 2009 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 19 Responses
ate-glow

Photo Credits: AFP

Hayaan mo, katulad ng sinabi ko noon, di ko hahaluan ng pulitika ang site na ito, puro kabulastugan lang.

Pero sempre, di naman puro kabulastugan lang ang buhey. Once in a blue moon, kelangan mo din namang maging balat sibuyas.

Basta wag ka lang masyadong nana, okey lang.

As usual kasi, delayed na naman ang reaction ko. Para kasi akong namamanhid pag may kinukuha si Lord. Umaabot ng ilang araw bago tuluyang mag-sink in. “Hay Honga, patay na siĀ  (insert your name here)..”

Marami na rin akong kaibigan at mga kamag-anak na nag-Saudi na rin ng walang balikan, kaya medo ang katawan ko ay naka-develop ng natural tendency na mag-shutdown kapag may ganitong balita. Actually di naman totoong shutdown, para lang syang computer na kahit naka on pa rin, naka-hibernate naman.

Ngayon ko nararamdaman ang pagkawala ni Tita.

Bata pa ako Tita Cory na yan. Wala pa akong bahid ng pulitika sa katawan, Tita Cory na yan. Pero naaalala ko, kahit mga bata pa kami noon, medyo me alam na kami sa mga kabulastugan ng mga nasa gobyerno. Kasi ugali namin, kapag may nagwawalanghiya, sasabihin namin, “Isusumbong kita kay Tita Cory!

Ang alam kasi namin, sya ang pangontra noon sa mga walanghiya, sa mga salot, sa mga kawatan, sa mga tiwali at abusado.

Ngayon, kahit papano nakikita ko na ulit yung mga dati kong kaibigan nung nasa elementary pa ako. Kaso mo wala na kaming pagsusumbungan ngayon.

Wala na kaming maipapamana sa mga janakis namin na pwedeng pagsumbungan. Ang uubra na lang siguro ay yung “Sige, lagot kay Ate Glow!” Hindi upang isumbong ang mga kawatan at mga abusado, kundi ang takutin ang mga batang ayaw matulog at hindi takot sa multo.

  1. reyna elena says:

    at ano naman ang pinagrorosaryo nang isang yan?! grrr!

  2. mtoni says:

    malamang ngdadasal yan wag muna sya kunin ni lord.

  3. Mars says:

    feeling ko hinihiling nya kay lord na sa wag naman ganung sakit sya mamamatay kagaya ni tita cory, lord almuranas na lang

  4. TSI says:

    Walang sincerity yung pag ro-rosaryo ni ate glow, asar.

  5. elmot says:

    Aw! Si gloring, tamaan ng kidlat yan!

  6. elmot says:

    tamaan ng kidlat yang si gloring na yan!

  7. ando says:

    Isusumbong kita kay Tita Cory! bahasa opo kie.. ora ngerti

  8. stormy says:

    nakaka-inis no?! pede naman sana si gloria nlang muna..joke! hahah

  9. BURAOT says:

    helow peeps!!! sowee absent ako, nalgalamay ako ke tita cory eh… hehehhe.

  10. Jeri says:

    Idol, ngayon lang ulit nakadalaw sa site mo kasi sa tuwing tangkain kong buksan,me warning. me malware daw.. pero ngyon ok na.. (taka!)

  11. BURAOT says:

    hmnnnn… ano kaya yun…

  12. dencios says:

    napapabungisngis ako habang binabasa tong post mo boss buraot. ewan natatawa lang siguro ako o baka mababaw lang talaga kaligayahan ko haha

  13. BURAOT says:

    oks naman yung mababaw kaligayahan tol. magaan sa buhay. hehhehe.

  14. Jeri says:

    Si goring nag ro-rosario? Holly cow….banal na aso….santong kabayo… natatawa ako.. hi..hi..hi..hi… sauu!

  15. BURAOT says:

    papiktyur lang yan. hehehhe.

  16. dayo says:

    awkward yung kapit sa rosary..halatang takot..kasi baka biglang kumidlat….

  17. BURAOT says:

    honga. heheheh.

  18. Marvin says:

    isa sa mga magaling at marangal na presidente si dating pangulong Cory Aquino. sana magkaroon pa ng presidente na katulad niya.

  19. BURAOT says:

    naks seryoso ka naman Marvin. hehehhe. pero sana nga.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes