Palayuan ng Ihi

August 19th, 2009 by BURAOT Categories: Blog Contests 16 Responses

palayauan-ng-ihiKung dito sa blogosphere, marami ang nagpapataasan ng ihi, wala yan sa amin sa bolok-bolok. Dahil lahat mahahangin, di na kelangan ng mga tao na magpataasan ng ihi. Nagpapalayuan na lang ng ihi. Ahihihihi.

Dahil napagwentuhan yung mga pakontest nung nakaraang post ko, eto ang isa pang classic na promdi. At least dito di mo na kailangan ang rules na pabago-bago dahil mas simple pa ang pakulong ito kaysa sa “simpleng writing project” ni Janette Toral.

Wala kayong gagawin kundi magpalayuan ng ihi. Simple di ba?

Kung dun sa palpak na Emerging Influential Blogger contest, kailangan mong “mang-impluwensya” ng kapwa mo blogger para ka maging influential, dito sa pakontest na ito, ang mga kontestant ay walang ibang kailangang impluwensyahan kundi ang kani-kanilang pantog para mas malakas ang daloy ng pamatay-sunog.

Pero ika nga ni Janette , may requirement para sa lahat ng sasali.

At kung sa pakontest ni Janette pwede ang isip bata, dito hindi. Mga boys lang ang pwede. Kasi kung may mga matatandang mama at binata na sasali, siguradong ipapahinto ni Father. Mga bagets lang pwede, yung mga bulilit.

Nung bata ako, ito ang pinaka-paborito kong palaro. Bukod kasi sa madali lang ito, wala kang gagawin kundi ilawit ang batoytoy mo in public at umihi. Expert ata ako dun. Pag nagpapraktis nga ako, sinusulat ko yung pangalan ko sa pader, dikit dikit pa yun, at may tuldok.

Bago ang actual na palaro, kami ng mga katrops ko na kasali din, para kaming mga athlete, kakarga muna kami ng mala-steroids na samalamig bago ang game para mas puno ang puson at mas malakas ang aming mga ihi.

Kaya naman sa mismong game na, napapangisi na lang kami dahil para kaming bumbero na pumapatay ng sunog habang pumo-pose ng mala-Machete. Habang yung mga chickabeybs na nanonood ay walang ginawa kundi magtawanan ng magtawanan habang nakatingin sa pundilyo namin.

Di ko lang ubos-maisip kasi sa kontest sila natatawa o dun sa mga batoytoy namin.

  1. reyna elena says:

    and quite interestingly, the music is so apt! i can’t believe it!”utak di magkalayo, ganyan lang! hahaha” i mean, this has been that way pala at ganun pala, so “ang talino’y di mahanap?” hahaha!

  2. BURAOT says:

    sakto. weheheh. gagawa pa ko ng isang entry sa barrio..

  3. fatherlyours says:

    Parang related itong contest dun sa picture sa baba. May relation ba yung haba ng batotoy sa layo ng ihi. hehehe.

  4. Maldito says:

    indi ko naranasan yan..pwde din ba mga babae sa palayuan ng ihi..test?ha ha ha

  5. Snow says:

    Hindi pa ako nakakapanood ng ganitong klaseng game Buraot! hehehe

  6. BURAOT says:

    @fatherlyours: wahahahh! medyo. ika nga di ba sa baril, mas mahaba yung barrell mas malayo ang naaabot ng bala, pang sniper. weheheh.
    @Maldito: wala akong nakitang pambabae, mahirap. lols.
    @snow: sa probinsiya may ganyan.;)

  7. dencios says:

    sasali ako dyan, ipipilit ko talaga sarili ko! hahaha

    teka natatawa ako sa background music hahaha

  8. BURAOT says:

    dencios: bata lang pwede, heheheheh.

  9. i love your blog bwahahahaha!!! awesome!!!

  10. Rei-chan says:

    hahaha…katuwa po itong blog niyo!!!

  11. Amor says:

    hehe, may ganito palang contest, bawal ang mahiyain :D

  12. BURAOT says:

    uy janice, bagong salta kaw. hehhe. welkam.

    welkam din rei-chan. ganda ng name mo, parang yung pamangkin ko, na si reiko chan..

    amor, sa probinsya meron kapag pyesta…

  13. jeri says:

    Ayos ‘to Idol.. basta ikaw ang bumanat sabog ang pantog.. ha ha ha

    Ako, kaya ko rin yan…tantya ko mga limang Metro ang abot ng ihi ko basta inom ako ng ilang galon na tubig ilang minuto bago ang pakontes, he he he… kaya lang dyahe!.. (psst atin-atin lang to, wag mo ipagsasabi sa iba.. promise ha?.. kasi maliiit lang yung bototoy ko… pero mataba)…. wak ka ingay ha!

    he he he he

  14. BURAOT says:

    jeri: wahahhahah! oks na yan, kesa naman sa mahaba nga pero payat naman parang ispagheti. wahahhah!

  15. Tiyo Paeng says:

    ha ha ha… natawa naman ako sa post na ito.. pataasan ng ihi… siguro kaya ko rin yan…basta pigain ko lang tiyak malayo ang talsik! he he he.

  16. BURAOT says:

    tiyo paeng, pwede nga rin yun. hehehe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes