Buraot Says Hello World!

August 31st, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

hello worldMatagal ng nakabinbin sa aking left brain na ikwento ang aking pinagmulan. Lingid sa kaalaman ng iba, di naman ako singaw na basta na lang lumitaw sa mundo ng buladasphere at basta na lang mag-i-spontaneous combustion. Indigestion baka pa.

Kung ikaw ay masugid na stalker ni Kulapo, unang-una kong post dito ay tungkol sa buhay-buhay sa aming bayan doon sa Timbuktu. Porty-payb years later, eto pa rin ako. Maliban sa pakonti-konting special mention, di ko na nasundan ang istorya.

Kaya back to basics muna tayo…

Si Buraot ay ipinanganak sa isang tahimik na bayan ng *seeeecreeet* sa Mindoro. Tawagin na lang natin syang Timbuktu. Yun kasi ang isa sa tawag namin sa lugar na super duper layo. Kasamahan yan ng lugar na bolok-bolok, hanopol, at kabihasnan. In relative term, malayo.

Ang bahay-kubo namin ay isa sa pinaka-tahimik sa buong bayan. Katabi lang namin sa kabilang bakod ang kampo santo ng bayan. Kaya may special sikyu kami kapag gabi. Pag bilog naman ang buwan, party ng mga aswang.

Kung tawagin ang lugar namin sa Timbutku ay Pugad Baboy. Kami ang orig. Bago pa nauso si Polgas at sumikat ang Pugad Baboy sa dyaryo, meron nang Pugad Baboy don sa amin sa Timbuktu. Kami yun. Kung bakit ito tinawag na Pugad Baboy, sa ibang araw na lang, busy pa ang lolo mo. Masyado ka apurado.

Anyway highway, doon nga ako ipinanganak at doon din lumaki ang aking… pangangatawan.

Likas na masipag ang tatay ko. Ako ay pang-labindalawang anak ng nanay at tatay ko.  Pero bago pa ako sumungaw sa mundong ibabaw, nachukchak na ang dalawang utols ko. Kaya nang lumabas ako, sampu na lang kami. Sayang nga kasi kung inabot ko yung dalawa, kumpleto na sana ang team kasama ang reserve.

Noong baby pa daw ako, sobrang liit ko daw talaga at kasyang kasya ako sa kahon ng sapatos. Kaya naman ugali ng mga ate ko na inilalagay ako doon at idini-display sa sala na parang manikang nakabalot sa kahon. Yung mga kuya ko naman kapag naglalaro ng taguan, inilalagay ako sa bulsa para di mahanap.

Nang lumabas nga daw ako, ayon sa sabi-sabi ate ko, kasinlaki lang ako ng bote ng family size coke. Umihi lang noon si madir sa banyo namin ng lumawit na lang basta ang ulo ko, sisinghap singhap, kumakaway-kaway at excited nang mag hello world. Takbo naman yung isa kong kuya para humanap ng hilot.  Pero too late the hero na ang kumadrona dahil inabutan na nya akong nakahiga sa sahig, naka de-kwatro at nagyoyosi.

Tuwang-tuwa naman ang nanay ko dahil ako ang pinaka-kyuuuut na anak nya. Kaya naman kahit absent ang tatay ko na kasalukuyang rumaraket, masaya sila lahat dahil may bago na naman silang laruan na kumukurap-kurap pa.

Kaya naman binigyan nya ako ng supeeeeeer kyut din na pangalan… BURAOT. Ika nga ni Jaworski, now a name… soon a legend.

  1. pusa says:

    happy birthday :)

  2. fatherlyours says:

    Hanep sa alright ang istorya mo Sir. Muntik tumulo sipon ko sa ganda ng istorya.

  3. Tiyo Paeng says:

    Ang tatay ko rin ay likas na Masipag:

    Masipag sa pangangalikot sa nanay ko.

    12 kami magkakapatid.. kada taon bulwak ang tiyak… Pero baog pa tatay ko nun.

    Tulad din sau, Isang baranggay na Pugad baboy.. katuwiran nya hindi raw totoo ang pamili planing.. palanting daw!

  4. BURAOT says:

    @pusa: tenkyu. weheheh. bertdey.
    @fatherlyours: wahahah. nyeks.
    @tiyopaeng: grabe din kayo, 12.

  5. dayo says:

    bakit nga ba tinawag yung PB eh malayo pa yun sa babuyan ni Mamang ULU???

  6. Snow says:

    Wow, sa isang tahimik na bayan pala ng secret ka pinanganak. hahaha…

  7. BURAOT says:

    @dayo: secrett… hehhe. gagawan ko ng post. abangan mo lang. heheheh.
    @snow: oo, secret yun.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes