Talakitok sa Katihan
Narito ang sulat ng isa sa mga sandamakmak na sulat galing sa isa sa ating mga masusugid na walang magawang mabuti kundi magbasa ng blog ng me blog.
Heto ang kanyang makabagbag-damdaming email…..
Dear Lolo Buraot,
Ang pangalan ko po ay Empoy pero tawagin nyo na lamang po akong Emp para kyut ang dating. Simpleng tao lang po ako at simpleng buhay lang din po ang gusto ko. Tanging libangan ko po, matapos ang isang linggong pagkakayod ng yelo, ay ang mangisda. Hindi po mangisda para ibenta sa talipapa, kundi ang mamingwit o fishing.
Masarap po kasi ang mamingwit. Kapag ako’y nasa dagat o tubigan, ako ay peace and quiet. At dito, ramdam ko po ang rapsadudels ng buhay.
Kaya naman tuwang-tuwa po ako nang tumama ako sa malakihang pa-ending ni Boy Bunganga. Ngayon, nakabili na po ako kahit papaano ng malit na bapor bangka na syang ginagamit ko sa aking pamimingwit. Niyayaya ko palagi and gerlpren ko, kaso, ayaw naman nyang sumama sa aking mamingwit dahil wala daw syang kahilig-hilig doon.
One day, bumili ako ng gamit sa pamimingwit sa Dugyot at Bingwit shop na pag-aari ni Baldo. Nagkataon na peborit din pala ni Baldo ang mamingwit kaya naman natural na naging close kami. Close, as in ganun. Naging bingwit buddies kami kaagad ni Baldo.
Kadalasan, maliliit lang na fishda ang nahuhuli namin ni Baldo. Pero nung isang linggo, sinwerte ata kami. Nakahuli kami ni Baldo ng tig-isang super tabang talakitok. Sa sobrang saya namin, tuwang tuwa kami sa galak. At nagpiktyuran pa kami ng nagpiktyuran para may remember.
Okey sa olrayt! Siguro kapag nakita na ni gerlpren ko yung mga matatabang fishda, mae-enggenyo na rin syang sumama sa akin at mamingwit. Sa halip, minura mura nya ako at pinagbawalan nang mamingwit. Pati ang aking maliit na bapor bangka ay pilit nyang ipinapabenta. Ewan ko ba? Parang ayaw nya akong makitang masaya.
Ano po ba sa palagay nyo Lolo Buraot, ipagpapatuloy ko pa ba ang aking libangan? O tumigil na at ibenta na lang ang aking bapor bangka?
Nalilito,
Empoy
P.S.
Kalakip po nito ang piktyur ni Baldo kasama yung dalawang talakitok na nahuli namin.

Dear Empoy,
Mataba nga yung talakitok. Isa lang ang maipapayo ko sa yo. Kalimutan mo na ang gerlpren mo. Wala syang kwentang babae dahil di nya maunawaan ang nararamdaman mo. Humanap ka na lang ng gerlpren na maunawain. Syanga pala, saan ba yung tindahan Dugyot at Bingwit shop nya? Gusto ko rin kasing mamingwit.
This entry was posted on Thursday, October 29th, 2009 at 9:58 am and is filed under anakanang, boy bastos, lab letters, labiduds, rapsadudels. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























mtoni October 29th, 2009 at 5:46 pm
eksakli! un din ang payo ko ke emp..iwanan na gerlpren nya at sumama palagi ke baldo.