Ang Alamat ng Pugad Baboy

November 9th, 2009 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Layp at da Pugad Baboy 10 Responses

oink oinkKakamulagat pa lang ng mga mata ko, ganyan na yan. Bago pa isinilang ang grupo ni Polgas sa dyaryong sikat, mas nauna nang sumikat ang lugar kung saan ako ipinanganak, and Pugad Baboy.

Nakasanayan ko na yun. Akala ko, yun ang pangalan ng barangay namin na yun sa Timbuktu. Siksikan ang mga bahay, may sapa salikuran, at sempre, eto ang matindi, katabi ng sementeryo.

Lahat doon ay bahay-kubo na mumunti maliban na lang sa bahay ng lola ko na kung tawagin naming lahat ay si Tiya Pinang. Bahay na bato sa ibaba, pero kahoy sa itaas. Parang panahon pa nina Padre Damaso. Maiinlab ka sa mala-higanteng kahoy na hagdanan na bukod sa mukhang mas matanda pa kay Bonifacio, kapag nagpadulas ka mula sa itaas, aabutin ka ng porty payb years bago dumating sa ibaba.

Kaya siguro walang nag-try.

Lahat halos ng nakatira sa pugad-baboy ay kung hindi man magkakamag-anak, eh malayong kamag-anak naman. Kumbaga, kamag-anak to the 3rd and 4th power. Mahirap ang buhay. Marami kaming magkakapapatid. Lumaki kaming madalas na wala si Papa’t si Mama dahil laging naghahanap-buhay. Pero kahit salat sa yaman, masaya kaming mga kung tawagin namin ay mga taga Pugad.

Alamat #1

Dahil probinsiya at mahirap lang , maliban sa bahay ni Tiya Pinang at sa ilan na kagaya naming may batalan, marami ang walang palikuran. Kaya naman ang sapa sa likod ng Pugad Baboy ang peborit nilang gawing CR.

Minsan kahit meron naman kaming batalan, sasama ako sa kalaro ko dun sa sapa, dala dala ang piraso ng double purpose na lumang Aliwan Komiks para doon “basahin” sa may tabi ng sapa. Kaya naman kapag umuulan at lumalaki ang tubig, makikita mong matataba ang mga dalag at hito.

Kaya tuloy tingin ko yun ang dahilan kung bakit tinawag na Pugad-Baboy ang lugar namin. Pero teka, marami ring mga sitio at barangay sa bayan namin ang walang sariling palikuran. Kaya naisip ko ulit, malamang hindi naman yun ang dahilan.

Alamat #2

Sa may gilid ng sementeryo, may babuyan sina Tiya Pinang. Kaya naman kapag may dumadaan sa harap ng Pugad Baboy, di maiwasang maamoy ang baho ng mga babuyan na abot naman talaga hanggang daan. Yung iba naming kamag-anak, naengganyo na ring mag alaga ng paisa-isang baboy.

Kaya noon, lahat kami immune na sa amoy ng mga baboy.

Pero hindi rin daw yun ang dahilan kung bakit yun tinawag na pugad-baboy sabi ng lolo ko. Kasi doon daw kina Aling Adang sa may bandang lampas ng sementeryo, mas marami raw doong babuyan kesa sa lugar namin. Kaya mas dapat daw na yun ang tawaging Pugad Baboy.

Alamat #3

Kahit naman hindi barong-barong ang mga bahay namin, para na ring iskwater sa probinsiya ang lugar namin dahil siksikan ang mga bahay-kubo at maraming walang mga CR. Pati tubig. Lahat kami ay nag-iigib pa dun sa may plasa.

At dahil madalas wala ang mga matatanda at nagtatrabaho, ang mga bubwit ay madalas na rumarampa doon sa  tabing daan na mga walang salawal. Nagkataon na katapat lang namin sa kabilang daan ang isang iskul. Madalas din makikita mong yung mga bubwit ay napupupo na sa pwet. Kaya naman sasabihin ng mga taong dumadaan, “Ang baboy naman!”

Pero mababaw naman sigurong dahilan yun para bansagan ang lugar na Pugad Baboy.

Isang araw, may isang mama na taga ibang barangay. Sabi ng isang matanda, “mabuti namang namatay na yang dayukdok na yan, yan ang nagbansag sa ting pugad daw ng mga baboy!” Nagkaroon ata ng kaalitan dun sa taga sa min at yun ang itinawag nya sa lugar namin, hayun dumikit na yung pangalang masangsang.

Basta kaming lahat, tinanggap na lang namin ang bansag bilang “kami”. Dedma kami sa salitang baboy dahil para sa amin, mas mahalaga ang pagiging iisa naming “pugad”. Nagpasalamat pa nga kami dahil nagkaroon kami ng sariling identity. Kahit na ang iba ay di naman namin totoong kamag-anak, para sa amin, lahat kami ay nagmula sa iisang lahi, dahil galing kami sa iisang PUGAD. Dahil dito nakilala ang lugar namin sa buong bayan. Ang Pugad Baboy, ang pugad ng mga baboy ehe  matatapang pala.

Pero seriously, I am very proud to have come from Pugad Baboy. Kaya naman isasalpak ko sa blog na ito ang mga wento namin  doon. Mula pagkabata hanggang sa mag-isip bata.

Wala lang gusto ko lang.

  1. dayoreno says:

    natatandaan ko si Aling Sepa na nagtitinda ng sinulbot sa Naujan Central School…Sa umaga pag nagsisimula kami ng klase kay Mrs. Reyes (sharing program yun, yun bang may 20 minutes mga magkakaklase me kanta, me tula,minsan meron pang sayaw,What day is today?, What kind of weather do we have today.etchetera..minsan mas mahaba pa lalo na ang mga Madam nag kwuwentuhan pa……BALIK KAY ALING SEPA…naririnig namin ang sigaw nya “PUT@%%@ NA MO..UPAW…di ka pa kakahilamos nag teteks ka na…..(mind you di text sa cell phone ha..yun yung mga baraha na nakukuha sa babulgam…sina UPAW..sa Pugad Baboy rin nakatira….

  2. BURAOT says:

    wahahahh! nakupo, ang bibig ni aling sepa, maalamat din. wahahah. pag hapon na, sisigaw na yun nang ganun, abot hanggang plasa. “put…. mo Geryyyyyyy, hatinggabi na nasa galaan ka pang hayuf kaaaa! hahahhaha!

  3. Seiko says:

    Akala ko nga kaya pugad ng baboy dahil maraming babuyan lol
    Na miss kong bumisita dito,it’s just happened walang masyadong trabaho sa office kaya nasa bahay ako ngayon reading your hilarious posts,nakakaaliw talagang basahin.Ngayon alam ko na ang alamat ng pugad baboy na pinanggalingan mo.Natawa din ako sa last part na…Mula pagkabata hanggang sa mag-isip bata.lol

  4. BURAOT says:

    seiko, dun yan sa probinsya namin. sikatchupoy.

  5. lee says:

    hhahaha nadidinig ko nayang pugad baboy nayan pero kala ko joke lang yung lugar na yun, diko alam na my ganun pala talagang pangalan ng lugar.

  6. BURAOT says:

    dun sa amin meron. ;)

  7. redamethyst says:

    ah, meron pala talagang ganung lugar. ngayon ko lang nalaman. hehehe
    .-= redamethyst´s last blog ..It’s Extended!!! =-.

  8. BURAOT says:

    yep. dun ako pinanganak.

  9. NBMelgar says:

    Iyan nga ang bansag sa lugar na yan kaya nga ginawang ‘Village’ ngayon. Enjoy kong basahin ang kwento at mga alamat. Good work!

  10. BURAOT says:

    salamat po. marami ng nawala sa pugad/village. kami naman napunta na ng dulong-bayan. pero at heart, taga-pugad pa din kaming buong pamilya.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes