Mala Impaktong GPS

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

GPSMay mga bagay na kahit mas convenient ang maging hi-tech, mas gusto ko pa rin ang low tech. Mas trip ko… old school!

Pero mas madalas, mas gusto ko lang talagang maging Buraot at mag tigas tigasan ng ulo.

At dahil in na in kahit out pa rin, parang obligado rin na lahat ng madlang pipol ay maki-uso. Hindi lang para maging in ka rin, kundi mahirap magmukhang eng-eng kapag tinatanong ka tungkol sa mga bagay na wala ka namang kaalam-alam pero dahil lahat ng tao ay meron kaya inaasahan ka rin nila na dapat din na alam mo. Gets mo?

Eksampol ang nagkalat ng mga GPS o global positioning syet. Yung mga bagong labas ng tsikot, me built-in na sya. Ang mahirap kapag built-in, kayang kaya kang i-trace ng mga pinagkakautangan mo. GPS nga eh.

Yung iba naman bumibili na lang ng GPS at ikinakabit sa dashboard.

Ilang beses na akong tinanong kung bakit di pa ako bumibili ng GPS. At dahil lagi akong tinatanong, mas lalong ayoko bumili. Boy scout ata ito. Sanay akong compass lang ang gamit. Mas trip ko ang me hawak na mapa sa kaliwang kamay, old iskul compass sa kanan, at paa sa manibela. Look Ma, no hands!

Pero sempre, dahil me nagregalo sa akin ng mala-impaktong GPS, (ehem) tatlo na ang hawak ko. Ididikit ko  na lang sa noo ko yung mapa.

Tags: , ,

This entry was posted on Friday, December 18th, 2009 at 5:10 am and is filed under KABILANG IBAYO, MALA CACHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

9 Responses to “Mala Impaktong GPS”

pehpot December 18th, 2009 at 5:38 am

mas cool ang mapa no, mas exciting.. syempre dito di pa naman uso ang gps.. kame mapa mapa lang…exciting kase nahihirapan ako i distinguish ang left sa right ko kaya ayun lage kame ligaw ahehe

Itay bago ung link na kadikit sa pangalan ko, pakihataw naman hehe

K December 19th, 2009 at 7:49 pm

hahaha! asteeeg! baka imbis na makarating ako sa pupuntahan ko lalo pa akong maligaw. bopols p naman ako sa geography. LOL.

BURAOT December 21st, 2009 at 10:04 am

pehpots: aayusin ko lang muna tong site ha…

k: basta me compassat mapa ka, oks.

Anak ni Kulapo : How I Earn Money Online January 25th, 2010 at 5:45 pm

[...] Although most of the pictures he uses are familiar to you, he can always make it even more funnier than how it was presented the first time like this old school GPS. [...]

genejosh February 16th, 2010 at 3:34 am

the probs with me di ako marunong bumasa ng mapa at compass…LOL!
genejosh´s last blog ..Living Life to the Fullest My ComLuv Profile

BURAOT February 16th, 2010 at 8:54 am

genejosh, oks lang pwede naman mag taxi.

zoan February 21st, 2010 at 11:56 pm

aba buraot may gps na sa phone :D ahahha
zoan´s last blog ..Sexy Blogging Review My ComLuv Profile

redamethyst February 28th, 2010 at 4:48 am

wala pa ata dito nyan noh. pero matandain naman ako sa mga lugar kaya di ko na kailangan nyan. hahah. ang yabang eh noh. :P :P
redamethyst´s last blog ..It’s Extended!!! My ComLuv Profile

BURAOT February 28th, 2010 at 7:24 pm

yun nga niiisip ko. kung may dala kaya akong gps, gagana kaya yan dyan?

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes