Oten Na! Oten Na!

January 10th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos 26 Responses

Oten na! Oten na! Lumipas na naman ang isang buong maghapon taon. Tapos na ang o-nine. At ngayon naman, O-ten na! At dahil bagong taon na naman, panahon na naman ng walang kamatayang new year’s resolution.

Nung nakaraang taon, kahit labag sa sa loob ko, tinanggal ko na ang pananabako ko. Malaki rin ang natitipid ko. Natuwa pa ang baga ko.

Ngayong oten naman, narito ang mga suggested resolution ko sa sarili  na harinawa’y, sa tulong ng aking fighting spirit, ay matupad ko.

Nagsasayang ka lang ng effort Buraot. Kunsensya, tumahimik ka.

My Ten Oten Resolution:

1. Para makatipid, bawasan na ang paliligo, sayang ang tubig.

2. Tigilan na ang paggamit ng sabon, tutal kokonti na lang ang buhok, shampoo na lang ang gamitin para 2 in 1.

3. Tigilan na ang piktyur piktyur. Tama na ang point en shoot. Magastos ang pagpapadevelop.

4. Bawasan ang oras sa facebook. Kung maaari i-try naman yung iba, lalo na ang presnter kawawa naman.

5. Ipagpatuloy ang pag-iwas sa mafia wars at farmville. Kapag di ito naiwasan, ubos na naman ang oras na dapat  sana ay inuubos lang sa blog.

6. Bawasan na ang pagkahilig sa monay. Nangangayayat ka na.

7. Matuto nang mamalantsa. Siguraduhing plantsado ang damit at mukha bago pumasok sa opisina.

8. Ipatanggal na ang cable at ibenta ang TV. Pwede naman ang youtube. Pati ang dining table idispatsa na rin, tutal sa harap ka naman ng TV kumakain. Pero dahil naibenta na ang TV, sa harap na lang ng PC kumain.

9. Tigilan na ang pagiging chickboy. Chik na lang wag na ang boy.

10. Tigilan na ang pagdadagdag ng bagong blog. Akala mo lang me oras ka pa pero wala, wala, wala!! Wala ka nang oras maligo. See number 1.

O sampu na yan, tama na muna.

  1. reyna elena says:

    hehehe! unang tingin ko nung litraks si Tiger Woods ang sumaksak sa isip ko hahaha!

    oo nga O-ten na! at copy past ko na lang ang ginawa ko lasyir hahaha

  2. BURAOT says:

    wehehe. tiger woods. ganun ba katulis si tiger? wahahha!

  3. Mr. Nonsense says:

    wala ka talagang pag-asa sa buhay…
    .-= Mr. Nonsense´s last blog ..T’was the birthday of a king =-.

  4. BURAOT says:

    walang kabuhay buhay. wehehehe.

  5. mel beckham says:

    Ay! Hindi pa ako gumagawa ng resolution! Makikigaya na ako. Hahaha

  6. BURAOT says:

    wehehhe. pasin ko nga wala na gumagawa. hehhehe.

  7. Liz says:

    gusto ko yung #8, trabaho ko rin yan eh, magaya nga, pwede makigaya na lang? tutal, dami naman nating similarities, tapos bilangan tayo ng natupad bago mag next year..

  8. BURAOT says:

    sige oks na oks.

  9. zoan says:

    akala ko sa number 1 yung : para makatipid sa tubig, sabay maligo? hahaha

  10. BURAOT says:

    zoan, pwede rin. hehehhe, mas enjoy.

  11. karen says:

    hehehe! sige sabay narin ako sa number 1 yung sabay2x maligo sabi ni zoan para 3-in-1
    .-= karen´s last blog ..YouSayToo Awards: My Greatest Dream Gift, Not for Myself but for the Glory of GOD =-.

  12. kikamz says:

    natuwa naman ako sa resolusyon mo. sana nga matupad lahat… lalo na ang mafia wars at farm ville. wala ka talagang magagawang blog nya. ubog na agad oras mo e.
    .-= kikamz´s last blog ..Lucky Chinese Tag =-.

  13. kikamz says:

    naku, daming typo..

    dapat NYAN at UBOS yan… hehehe!
    .-= kikamz´s last blog ..Lucky Chinese Tag =-.

  14. BURAOT says:

    karen, baka di na tayo kasya sa shower. heheheh.

    kikamz, panay nga ang iwas ko sa mga mafia at farm farm na yan eh. hehehhe.

  15. markizz says:

    pinain si ben boga

  16. BURAOT says:

    bogain si boy pana.

  17. ang new years resolution ko…

    “hindi ako manggagawa ng new years resolution ko this year kasi andami pang nakapending nung mga nagdaang taon!” hehe!

    tama ka sa #8, di mo na kelangan ang tv at mesa.. idispatsa mo na agad! hehe!
    .-= an_indecent_mind´s last blog ..barubal =-.

  18. BURAOT says:

    sige, tapusin mo muna yung last year. heheheh.

  19. niko says:

    Buti ka pa eh resolution mo pa lang yan eh yung iba ganyan na tlaga ang ginagawa.
    .-= niko´s last blog ..Most Wonderful Experience =-.

  20. niko says:

    gusto ko lng sabihin na.. i love the title of this post :D

    at gusto ang NYR mo.. hihih kulet
    .-= niko´s last blog ..Valentine’s Day 2010 Picture =-.

  21. BURAOT says:

    wahahhah! lekat kang bata ka.

  22. bing says:

    hmmm.. o-ten na nga pero nasa o-nayn pa rin isip ko. di ako naglilista, masasayang lang. gawin kung ano kaya. pero i tell you, di ko kaya ang di maligo. :-(
    .-= bing´s last blog ..Car Accidents Scare =-.

  23. BURAOT says:

    ako din. baka mangati ako.

  24. redamethyst says:

    good luck sa pagtupad sa iyong new years resolution.

  25. BURAOT says:

    weheheh. gudlak nga.

  26. kha says:

    oten nga! hahaha nakakabilib ang artworks.. galeng-galeng.. gudlak sa oten resolutions hahaha
    .-= kha´s last blog ..Behind the Much Awaited Contest =-.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes