Oten Na! Oten Na!
Oten na! Oten na! Lumipas na naman ang isang buong maghapon taon. Tapos na ang o-nine. At ngayon naman, O-ten na! At dahil bagong taon na naman, panahon na naman ng walang kamatayang new year’s resolution.
Nung nakaraang taon, kahit labag sa sa loob ko, tinanggal ko na ang pananabako ko. Malaki rin ang natitipid ko. Natuwa pa ang baga ko.
Ngayong oten naman, narito ang mga suggested resolution ko sa sarili na harinawa’y, sa tulong ng aking fighting spirit, ay matupad ko.
Nagsasayang ka lang ng effort Buraot. Kunsensya, tumahimik ka.
My Ten Oten Resolution:
1. Para makatipid, bawasan na ang paliligo, sayang ang tubig.
2. Tigilan na ang paggamit ng sabon, tutal kokonti na lang ang buhok, shampoo na lang ang gamitin para 2 in 1.
3. Tigilan na ang piktyur piktyur. Tama na ang point en shoot. Magastos ang pagpapadevelop.
4. Bawasan ang oras sa facebook. Kung maaari i-try naman yung iba, lalo na ang presnter kawawa naman.
5. Ipagpatuloy ang pag-iwas sa mafia wars at farmville. Kapag di ito naiwasan, ubos na naman ang oras na dapat sana ay inuubos lang sa blog.
6. Bawasan na ang pagkahilig sa monay. Nangangayayat ka na.
7. Matuto nang mamalantsa. Siguraduhing plantsado ang damit at mukha bago pumasok sa opisina.
8. Ipatanggal na ang cable at ibenta ang TV. Pwede naman ang youtube. Pati ang dining table idispatsa na rin, tutal sa harap ka naman ng TV kumakain. Pero dahil naibenta na ang TV, sa harap na lang ng PC kumain.
9. Tigilan na ang pagiging chickboy. Chik na lang wag na ang boy.
10. Tigilan na ang pagdadagdag ng bagong blog. Akala mo lang me oras ka pa pero wala, wala, wala!! Wala ka nang oras maligo. See number 1.
O sampu na yan, tama na muna.
This entry was posted on Sunday, January 10th, 2010 at 12:01 am and is filed under boy bastos, buraot101, jokjok. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























BURAOT January 12th, 2010 at 9:33 am
wehehe. tiger woods. ganun ba katulis si tiger? wahahha!