I Like Da Way You Think
Nung grade one ako, tinanong ng aming arithmetic teacher ang buong klase… “Kung may limang ibon ang nakadapo sa sa poste ng kuryente at binaril mo yung isa, ilan ang matitira?”
Tinawag si ako.
“Wala po, dahil lahat po sila ay nagsiliparan dahil natakot sa putok” yabang ko pa.
“Mali. Ang sagot ay apat. Pero I like the way you think buraot.” sabi ng titser.
Kainis. Akala ko trick question, simple artithmetic lang pala.
Kaya bumanat ako pabalik. “Ma’am, ma’am! May tanong po ako sa inyo!” Tinawag naman ako.
“May dalawang babaeng nakaupo sa park. Kumakain po sila ng iisang ice cream sa cone, share lang sila. Yung isa ay dinidilaan yung gilid nung apa. Yung isa naman po ay sinusubo yung dulo at kinakagat kagat pa yung ibabaw ng ice cream. Sino po sa kanila ang dalaga pa at sino po ang may asawa na?”
Mamula mula si ma’am pero dahil ayaw mapahiya sinagot din nya ang tanong. “Eh di yung pangalawang bababe na kinakagat yung ibabaw ng ice cream” sagot nya.
“Mali po. Yung pong may suot na wedding ring. Pero ma’am, I like the way you think, ha.”
Ayun, maghapon ako sa principal’s office.
Happy Valentayms!!!
This entry was posted on Sunday, February 14th, 2010 at 12:01 am and is filed under BOY BASTOS, RAPSADUDELS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























niko February 15th, 2010 at 10:15 pm
Ang sagot sa tanong ni Ma’am depende sa isasagot mo. Kung ano ang isasagot mo, iba ang isasagot nya. Kung nilawakan mo ang imagination mo, she will go for simple logic and kapag simple ang sagot mo, dun sya sa opposite nun…hehehe..do you like the way i think?