Pasensya na mga apo at absent na naman ang lolo ninyo. Bising busy. Bising busy ang lolo nyo kakahabol dun sa yumari sa credit card ko.
Nami-miss ko na kasing tumaya sa beto-beto at color game kaya ng minsan, naisipan kong dumayo doon sa isang peryahan sa Las Vegas. Sempre kelangan kong mag swipe swipe. Mahirap naman kasing magdala ng bayong bayong na singkong duling doon.
Ayun, palibhasa lima singko ang mga hustlers doon, tingin ko nanenok ang numbers ng credit card ko.
Isang gabi lang ako doon, yung mga charges na pumasok sa card ko parang umabot ako ng dalawang linggo. At hindi lang yun, nagkalat ang mga charges. Me umorder ng sandamakmak na pizza sa Little Caesar’s, sa Las Vegas Nevada, may nag-shopping sa Houston Texas, nagwaldas sa Auburn, Washington at may bumili ng barko sa North Carolina.
Grabeng mag-shopping ang mga mokong! Tatlong states in one day!
Biruin mo, eh $5 lang ang isang pizza sa Little Caesar’s, umabot ng halos $200 ang transaction? Eh di nagpakabundat siguro yun sa pizza. Umorder pa sa Wendy’s. Magpururot sana ang hinayupak.
Ang pinakamasakit kuya Eddie, hindi lang basta basta credit card yun. Yun ay debit card. Ibig sabihin, eto ay nakalink sa checking account. At ang ibig sabihin, yung mga perang nawala ay pera ko na mismo. Hindi lang basta credit. Sa credit card, dadating lang ang bill o statement na babayaran mo. Sa debit card, kada transaction, wala na ang pera mo.
Biruin mo, ako pa ang naghabol sa mga singkong duling na nawala sa akin. Sayang, magpapamudmod pa naman ako dito. Weheheh.


Hi! nangyari na sa amin yan kaya nga lang sa credit card talaga, may billing sa malaysia, sa japan at kung saan saan pa worth 5,000 euro buti na lang binayaran ng insurance, next time kabaryo ingat sa paggamit ng debit card
you gotta be careful next time though. alam mo ba, i was told that typically, this happens at the gasoline station. they will take your card, ran inside the gas – while there, they said that they make copy of your card. kaya ingat. who knows baka mamaya eh nag-lalakad ka sa mall eh nakasalubong mo SARILI mo hahahahaha
yay baka meron loko nakapaginstall ng secondary skimmer o swiper sa ibabaw ng regular slot, o kaya natyempo ka sa lugar meron mga nakatagong hidden kamera tulad ng speaker o karaniwang kahon ng tishyu.
tigilan na kasi pagsusugal..taya na lang sa lotto.
ah, salbahe talaga, hayaan mo at ipapakulam natin, siguradong sumasakit na ang tiyan nun ngayon at nag l-lbm. Sayang, sana sa amin mo nalang pinamigay, LOL siguradong happy ka pa.
an2nette: kaya nga balak ko na lang bumalik sa cash. problema lang, most of the time, hotels and other merchants wouldn’t want to accommodate you kung walang plastic. tsk tsk.
reynz: actually lam ko na yung ibang mga modus operandi eh. kaso me time na kelangan ko talaga magbayad thru phone. i think dun nadale yung card ko.
mtoni: wahahha. di naman ako talaga nagsugal. namasyal lang ako. hehheeh.
melandria: naipakulam ko na. wahahahah!
kapag sa pagkain i avoid paying in credit card kasi medyo sablay talaga.
be careful next time kuya b.
.-= Snow´s last blog ..2010 Oscars: Best and Worst Dressed =-.
nakakatakot naman yan
kaya nga ayaw ko sa mga cards2 na yan eh…
Di bale may karma naman sa mundong ibabaw.
katakot naman yan… you have to be careful next time.
.-= bing´s last blog ..If You Are Jinkee Pacquiao =-.
Yay! Sayang naman earnings mo niwaldas lang ng kung sino
Dito sa Pinas, preferred ang cash, sa Tate, masama tingin sa mga walang card hehehe…
Gaya ng sabi ng mga nauna, maging mas maingat na lang sa susunod. Maging wais kagaya ng biyenan ni Lumen
.-= Mylene´s last blog ..Mommy Moments – Cars And Kids =-.
@snow & zoan & bing:kaya nga, balik na lang me sa cash. mahirap na.
@paula: honga, bumabalik naman yun.
@mylene: sabi ko na nga dapat nag-surf na lang ako.
tsaka ang sakit2 sa heart noh, perang pinaghirapan mo, gagamitin at iwawaldas lang ng ibang tao.. ang kakapal.. hehe
yay! sorry to hear that. ako ang pan-transact ko sa internet yung maliit lang ang credit line, yung pinamumudmod ng SM malls through the BDO na worth 15K lang, para hindi masakit kung manenok man.
.-= Ding´s last blog ..Manny Pacquiao jokes =-.
[...] alat ang inabot natin lately. Pagkatapos manenok yung account ko, sumabog naman yung laptop ko, tapos si Tagpi naman, kakabili ko lang ng bagong mga sapatos, [...]