Ang isa sa mga natutunan ko sa buhay ay ang pagiging maabilidad. Bakit nga naman kailangang gumastos kung di naman kailangan. At kung kailangan mo naman ang isang bagay, kaya mo naman itong gawan ng paraan.
Ang moral lesson: Huwag maging waldas. Make do with what you have.
Dahil lumaki kaming mahirap lang. Di kami sagana sa mga laruan. Bukod pa dyan, di pa naman uso ang mga PSP, Gameboy at Wii noong mga panahon namin ni Kopong Kopong.
Noon, ang cellphone namin ay ang mga latang me tali. Long distance na yun. Pag gusto mo naman i-buzz yung trops mo, batuhin mo lang yung bahay oks na. O kaya me special kayong sipol bilang sign. Ni wala sa hinagap na mai-imagine namin na ang magiging tambayan in the future para makipagkwentuhan ay peysbuk. Dati rati dun lang kami sa kamposanto tumatambay hanggang hatinggabi.
Pagsapit ng alas sais, tutunog na ang kampana na didnig sa buong bayan para sa orasyon. Cue namin yun na uwian na. Bukas ulit. Hindi pwedeng mag overtime kasi siguradong maririnig mo na si Aling Sepa na sumisigaw na “Jerryyyyyy! Nasaan ka ng put%^%%mo ka! Wala pang sinainggggggg!”
Ang mga laruan namin, gawa gawa lang sa kung anu-anong indigenous materials at mula sa mga used na bagay. Ang lumang gulong ng traysikel, pinapagulong namin habang tumatakbo kaming nakahubo sa plasa. Gumagawa kami ng mga kinudkod na kahoy (parang surfboard) at syang kinakarera namin sa kanal. Ang mga lumang papel na kaha ng yosi, itinutipi namin at syang ginagawang perang papel. Yung trumpo kaya rin naman gawin.
Sanay kaming magkarpintero ng sariling mga laruan at paglilibangan.
Pero ang teks medyo pang higher level na yun. Kasi kelangan mo pa gumastos. Pero oks lang, kasi educational naman. Dito kami lahat natutong magbilang. I-sa da-la-wa- tat-lo a-pat. Mas maraming text na taya, mas malaki ang bilang.
Kaya bata pa lang kami, naghahanda na kami sa kinabukasan at laban ng buhay.
Kung sinong mas madaya magbilang ng teks, alam namin na “ah yayaman ito paglaki, o kaya baka maging meyor pagdating ng araw”. Kung sino naman ang magaling magdesign ng mga daan sa mga tambak na buhangin, alam na namin na engineer ito paglaki.
Pero dahil mahirap lang kami, lahat kami natutong maging maabilidad. Lahat kelangang gawan ng paraan. Kaya naman nung kelangan kong bumili ng cameraphone, naisip ko kesa naman gumastos ako ng ilang thousand syete mil, ginawan ko na lang ng paraan.


korek ka dyan! Parang “everything I learned in life, I learned in playing tumbang preso” kind of philosophy…
ayan nga ang moral lesson, WAG WALDAS! bakit bibili kung di naman needed?
hahaha.. Agree! kulang nalang ang campaign song ni villar.. Si Villar ang tunay na mahirap.. si villar ang tunay na.. blah blah blah. Nice blog!
korak! moral lesson na nakonek ko sa buhay ko:
huwag maging shopaholic kung wala namang malaking aparador!
hahaha…
.-= Snow´s last blog ..Kris Aquino and Ruffa Gutierrez: An Issue Blown Big! =-.
alala ko nong elemintari sobrang mabili ung sampalok kendi at pulboron na gawa ng nanay ko kaya dami naorder. sa halip magtinda kinakausap ko ibang interesado pero hati kami sa tubo kaya taka ung nanay ko bat palagi doble dinadala ko kesa kuya ko.
habang abala sila sa pagtitinda, binibilang ko naman ung kita.
‘sipag at tyaga’ ika nga.
i pa patent mo na yan baka may negosyante na magnakaw ng ideyang yan.. biglang magsasawa ang marami sa gadget na mahal, gusto naman nila kakaiba at kakaiba talaga yan hahahahaha…. order ako…special request gusto ko may FLASH sa yung camera yung kinakabit sa ibabaw…
wahahah yan idea ng LOLO ko.. promise yang nasa picture.. kung hindi ganyan, mas okay daw yung radyo with matching washing machine
.-= zoan´s last blog ..Home Buddies Review =-.
cute nung cp na may camera mo buraot.. ehehe
.-= zoan´s last blog ..Home Buddies Review =-.
nakarelate ako sa post na iyan ah, dinaanan ko lahat yan sayang nga lang ngayon parang hindi na nila maeexperience yung mga ganyan. hay…. nakakamis maging bata.
.-= Winziph´s last blog ..Warcraft 1.24e Version Switcher FREE Download =-.
ding, tenkyu! you gave me an idea for a book title. sempre i-special mention kita. hehehe.
@mtoni: astig ka pala. parang pimp. wahahah!
sensya na mga peeps. nagkasakit kasi lolo nyo nung bumili ako ng prada cellphone. weheheh.
haha nakakatuwa…at siyempre naabutan ko pa ang panahong yan! nakakabighani na nga ung mga bata ngayon eh, psp ng psp, me nagpefacebook na nga 3 years old pa lang..di ako nagbibiro ah! facebook applications nga lang
napadpad lang ako dito pero bibisita bista na ko ANAK NI KULAPO! hehe
.-= sendzki´s last blog ..Per Kilowatt Hour =-.
okey sa olrayt sendzki. welkam sa site ni Kulapo.
taray ng camera phone mo..
wag nyo sanayin sarili nyo sa mga bagay na nd nyo nman tlga kelangan…