O heto, para sa mga naghahanap na naman ng singkong kulot. Me pautot na namang bago dito sa buladasphere. At sempre di ko ito ipo-promote dito ng basta basta. Kelangan ang magpapakontest ay trops ni Buraot, naglagay ng padulas ke Buraot, o inisponsoran ni Buraot.
Sa ngayon sponsor sponsor muna. Sayang kasi yung mga sandamakmak na singkong duling ko, inaamag na sa Paypal ko. At ika nga, dpat daw ang pera ipnapaikot, kaya eto namimigay ako. Wahahahha! Hanyaman.
At dun sa mga nag-aabang sa aking bagong pakontest katulad nung nagdaan kong mala-impaktong pakontest kung saan nagpamudmod ako ng $550 sinkong kulots, medyo di ko pa nahaharap mga peeps. Busyng busy pa ang lolo ninyo. Hayaan nyo, after ng pasukan saka ko na iisipin yang mga ganyang bagay.
For now, eto muna pagkaabalahan ninyo, pautot ni Makoy na may makabagbag-damdaming pamagat na, Humor me Contest.
Ang pinaka-kyut na sasali ay mananalo ng $200 cash na tumataginting. Para naman dun sa mga hindi masyadong maswerte, slight lang, tatlo sa kanila ang makakahawak ng $50 cold at mayelo-yelong cash.
Para sa mechanics at kung papaano sumali, pasyal lang kayo dun sa DITO.


SikatchuPosts