Drive Thru sa Bahay McDo

April 16th, 2010 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

Nasubukan mo na bang umorder sa bahay Mcdo gamit ang drive-thru window? Malamang oo, pero naisip mo na bang umorder dun ng wala kang sasakyan?

Bakit hindi?

Minsan, mahaba ang pila dun sa loob ng McDonalds. Para ako mapabilis, dun ako dumaan sa drive-thru. Umorder ako ng limang Happy Meal (peborit ko kasi yung toy).

Nung magbabayad na ako, pinagalitan ako nung clerk at sinabing bawal daw dun. Eh ano namang bawal dun, eh magbabayad naman ako!

Pero kahit na anong gawin ko, ayaw ibigay sa akin ang order ko. Discrimination. Papano yung mga walang kotse? Sabi, kelangan daw me sasakyan, kaya nga daw “drive-thru”. Hmnnn, sa isang banda naman, may tama sya.

Bumalik ako kinabukasan, me dala-dala akong bike. This time, sampung happy meal ang inorder ko dahil di naman ako napagbilhan kahapon. Nung dumating ako sa window, nagulat sila, siguro dahil magara ang bike na dala-dala ko. Pinagalitan na naman ako, bawal din daw yun?

“Sumosobra na kayo ha?” sigaw ko sa kanila. Wala namang sinabing bawal ang bike. Bakit sinasakyan din naman yun ah. Dina-drive din naman yun ah. Ano ba sila, traffic police o nagtitinda ng hamburjer?

Wala pa rin. Di talaga ako pinagbilhan. Tingin ko ayaw lang talaga nila akong pagbilhan ng burjer. Kaya on a hunch, nag-abang abang ako.

Eh bakit itong mga mokong na yan, naka-paragos at kabayo pinagbilhan?

  1. chingoy says:

    hets hanfair! magdemanda ka! yan nga ang discrimination hahaha
    .-= chingoy´s last blog ..Flight =-.

  2. zoan says:

    hala, punta tayo sa Senado at ng maireklamo yang mga mokong na yan! lols

  3. mtoni says:

    2 lang kase gulong ng bike mo eh yan 4.

  4. sa presinto ka magreklamo! hehe!

    its ampeyr!
    .-= an_indecent_mind´s last blog ..Pain =-.

  5. blankpixels says:

    omg. hahaha tawa ako nang tawa dito sa post na ‘to. i’m really glad i found your blog. meron na naman akong pagtatawanan este meron na namang magpapasaya sakin.

    i’m a fan na agad. :)

    unfair nga. naisip rin namin yun dati, paano kaya kung naka-bike ka, pagbibilhan ka kaya sa drive-thru? di pala. nakuha ko na ang sagot. bwahehe.

  6. rhyannefranz says:

    pasensya na at matagal tagal na ako d nakakapamasyal sa website mo. eniweiz… mali ka naman kz talaga alam mo ba kung bakit. Una dalawa lang ang gulong ng bike mo. dapat nilagyan mo sa likuran ng 2 pa. para apat tignan mo yung sa picture apat din yung kariton. Kaya sa tingin ko yung 18 wheeler na truck d din pwede sa drive thru eh. That is my upinyon, what you think?

  7. Rodel says:

    hahahahaha, nakakatuwa talaga…. unfair nga naman yan…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes