Sumabog ang laptop ko. Sa sobrang dami ng sharpnels na tumama sa mukha ko, nagka-amnesia ang lolo nyo. Akala ko 2 days pa lang, yun pala 2 months na. Matindi ang lapse.
Oo, ganun talaga yun. Sige, pasabugin mo din laptop mo try mo ilagay sa microwave.
Ewan ko ba, masyado ata maarte yung laptop ko, ayaw ng hindi imported na kuryente. Nung isinaksak ko sa Pinas, bigla na lang nya ayaw sumindi. Masyado.
Lahat tuloy ng mga importanteng mga dokumento ko andun. Papano na lang yung mga papeles na nagsasabing may mamanahin akong milyung milyong dolyares sa namayapa kong tiyuhin sa South Africa. Paano ko pa ngayon makukuha yun?
At yung mga detalye mula sa western union na ipinadala sa akin ng bago kong mga business partners mula Nigeria. Papano ko ngayon tutubusin yun kung hindi ko kabisado yung confirmation codes?
At yung mga attachments na nagpapatunay na nanalo ako ng email lottery mula sa UK lotto na nagkakahalaga ng 2 million pounds? Papaano na yun?
Hayyy. Yung pesteng laptop, nung dinala ko ulit ng Merika, gumana. Pag di ka naman talaga.. Kaso yung mga laman, di ko na nakayang isalba. Kundanagn naman kasi akong si tanga, me pa usb usb pa, wala namang back-up.
Kunsabagay, matagal na naghahanap ng kapatid itong si laptop. Eh alin naman kaya ang mas stupid-proof, Vaio o iPad?


hahaha, naku mahirap nga yan, pano mo nga naman makukuha pa yung mga milyones mo? Di bale, for sure, mag eemail sila ulit.
Ang choosy naman kasi ng laptop mo hehe.
Vaio o iPad? Parehas na lang bilhin, may parating naman galing Nigeria
.-= Amor´s last blog ..12 Premium WordPress Themes for Free =-.
hehehe! pasaway na laptop, choosy much huh??
vaio at ipad, alin ba ang mcrowave-proof sa kanilang dalawa? hehe
.-= an_indecent_mind´s last blog ..huwag mo akong salingin =-.
tagal din ng bakasyon mo, sulit.
pasalubong namen?
@amor: kunsabagay, dami pera nung taga Nigeria. wehehe.
@indecent: honga no? pwede
@toni: wehehe. pag nagkita tayo. san ka nga ba sa canada?
manitoba..san ka ba naglagi?
patingin ng fiktyurs.
kuya di sanay sa weather ng pinas ang laptop mo.. at naexposed sya sa kakaibang virus sa pilipinas.. hehe… saka iba kuryente dito sa pinas. “madumi” yun ang tawag ng bldg admin namin everytime na nagpower fluctuation sa opis..
.-= caloy´s last blog ..Cleaning Up My Blogroll =-.
[...] alat ang inabot natin lately. Pagkatapos manenok yung account ko, sumabog naman yung laptop ko, tapos si Tagpi naman, kakabili ko lang ng bagong mga sapatos, ngayon naman kinailangan ng [...]
honga, dati rin, me dala akong bagong dell laptop. kabagu-bago, bigla na lang di gumana. tsk tsk. wala pa naman warranty kasi dito ko binili.
antay ka na lang ulit ng email nila ahaha
nga pala bago ka bumili ng laptop, may iaalok muna ako sau.. eto stupid proof to ahaha
http://pehpot.blogspot.com/2010/06/blog-review-for-cause.html