Salamat dun sa mga nanawagan sa radyo at tv. Sa wakas ay natagpuan din ako. Mahigit forty payb years din akong nawala.
Sa mga patuloy na namamasyal dito at nagpipilit maglibang kahit walang tao, salamat po at dumadalaw dalaw kayo. Sana naman nilubos lubos nyo na at nagbibitbit na rin kayo ng kropek at coke.
Medyo alat ang inabot natin lately. Pagkatapos manenok yung account ko, sumabog naman yung laptop ko, tapos si Tagpi naman, kakabili ko lang ng bagong mga sapatos, ngayon naman kinailangan ng matinding surgery.
Para akong natalo sa sabong at mahjong. Kaya tuloy nagpagala-gala muna ako sa mga saklaan. Joke lang. Di na ako nagsasakla.
Tinamad lang ako magblog. At sinipag naman mag peysbuk. Nakakaburaot naman kasi. Hindi, hindi ako naadik sa farmville. Kaya wag na wag mno akong hihingian ng pako. Di rin ako nagtayo ng restoran. Nalibang lang ako magbasa ng mga walang kamatayang quotes at mga kasabihan. Natatawa rin ako habang nagbabasa ng mga pasaring, parinig, pahapyaw at mga palipad hangin.
Hay peysbuk, para kang slumbook.
At alam mo naman ako, mahilig maghanap ng mga nawawalang kalabaw, kaya hinanap at nakita ko rin ang aking mga long lost klasmeyts nung kinder. Namiss ko din naman yung mga panahong nagka cutting classes kami. Kasi ayaw namin ng sleeping time na subject kaya nag-o-ober da bakod kami para maghanap ng kalaban sa teks. At kapag recess naman, ninenenok namin yung tindang banana cue dun sa canteen.
At biruin mo, malapit na kaming mag reunion. Pinagpaplanuhan na namin kung saan at kung papano kaya mga siguro in ten years, magkikita kita na rin kami sa wakas. Biruin mo, natandaan pa ko nung mga klasmeyts ko. Galing talaga ng peysbuk.
Kaya kung maligaw ka ulit dito at walang tao, hanapin mo ako sa peysbuk.


first ako kaya pinatulan ko na.. hehehe… ayoko ng facebook nakita ko kse yung mga klasmeyts ko na sikat at mga tinitingala… well oa na yung tinitingala but then yung tropa kc nila yung may bonding nun hanggang ngayon. Kami naman yung wanna join lang pero d pwede… dahil walang K.
kuya!.. buti naman at nagbalik ka na..miss ko na din mga posts mo eh..
bagong bihis pala itong anak ni kulapo.. ganda.. parang mas gusto ko ito…
at! nananenok pala ang account mo! o syet.. kaya pala deadmatic ka na dun..
welcome beck!
.-= reyapot´s last blog ..Cleaning Up My Blog Roll =-.
@rhyanne: masyado mo namang ini-small sarili mo. weheheh.
@reyapot: type ko rin itong bagong bahay, makulay, parang sinabawang gulay.
ako din bwahaha kaya di nakakadalaw dito.. na adik sa fesbuk.. e bat ba ang sarap magparinig dun haha